Nagtinginan sina Siargao at Ravenna bago sabay na tumawa. Hindi nila napansin ang naninigas at nanginginig na si Atsui sa paanan nila.
"Siargao narinig mo ba?! Hahahahaha may mas bobo pa sayo!"
"Oo nga hahahaha puro kalokohan naman pala tong siraulong to eh. Pero ayos lang nakakuha naman tayo ng mga halaman at libro! Sulit parin."
"Hay nako, tama na ang laro asan ang pinto palabas?"
Hindi sumagot ang lalaki at nanigas bigla si Ravenna.
Ang aurang ito!
"Oh bat natuod ka jan Ravenna? Oy? "
Naguguluhang tinignan ni Siargao si Ravenna at pati sya ay natuod sa salitang lumabas sa bibig nito.
"Divine smith"
Nanlambot ang tuhod ni Siargao at hinila paluhod si Ravenna.
Isang panday ! Hindi basta bastang panday! Nasa divine level na panday!
Walang laban ang mga panday o Salamangkero pero ibang usapan kung nasa 5th level o mas mataas pa.
Kaya nilang makipaglaban maski sa divine level na mandirigma!
Namutla ang dalawa at napatungo.
"Hahahaha mga hangal! Ano?! Ano ulit bobo? Sino ulit yong bobo hindi ko narinig."
Pang iinsulto ng mysteryosong lalaki na inilalapit pa ang tenga kina Siargao.
Agad nagtaas ng ulo si Ravenna pero nakatalikod parin ang lalaki.
"Si Siargao po ang bobo. Sya po ang pinakabobo sa mga bobo."
"Opo tama sya ako ang bobo sa mga bobo. Napaka bobo ko. Ang bobo- bobo ko."
"Ikaw si Siargao? Oh? Parang narinig kong sinabihan mo ako ng siraulo kanina lang?"
Agad umiling iling si Siargao na maluha luha.
"Hi-hi-hindi ah! Si Ravenna ang sira ulo. Siya ang pinaka siraulo sa mga siraulo."
"Opo tama. Ako nga po si Ravenna na pinaka siraulo sa mga siraulo."
"Ravenna? Bakit parang pamilyar ka? Dibale, tumayo kayo. Ako si Kalil."
Tumayo sina Siargao at Ravenna pero nangangatog parin ang mga tuhod nila. Saktong pag angat ng ulo nila ay pagharap ni Kalil.
Saglit na natigilan ang dalawa. Napakagwapong nilalang!
Pero alam ng dalawa na mas matanda pa ng ilang henerasyon sa kanila ang lalaking ito.
Divine level sabi niya diba.
Ibig sabihin ang pinakamababang edad nito ay umaabot parin sa libo at mahigit!
"Alam ko gwapo ako pero wag naman na kayong maglaway. Ikaw, ikaw si Siargao hindi ba?"
Napatango ng sunod sunod lang si Siargao ng binalingan siya ni Kalil.
"Pahingi ng dugo mo, kailangan nating isagawa ang ritwal."
"Ritwal?"
"Oo bilang pinakamalaking regalo kailangan kong gumawa ng bond para satin. Kung hindi, maaari kitang traydurin o patayin kahit kailan ko gustuhin, ayaw mo naman sigurong magising nalang isang araw na may nakatutok na armas sa leeg mo hindi ba?"
Namutla si Siargao at mas mabilis pa sa alas kuwatro na inilapit ang pulso niya kay Kalil.
"Gano karaming dugo ang kailangan mo. Sabihin mo lang marami akong dugo." seryosong sagot ni Siargao.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
خيال (فانتازيا)Simula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...