49

594 64 9
                                    

"Bakit hindi mo tinanong kung saang kweba?"

"Malay ko bang may tatlo pang kweba maliban sa kweba nilang mag ina?"

"bobo ka lang talaga."

Ikaw ang bobo ang buong pamilya mo ang bobo. Ay oo nga pala wala kang pamilya. Kawawang nilalang.

Sigaw ni Siargao pero sa isip lang.

Syempre sa isip lang pag sinigaw niya talaga yan sa pagmumukha ni Ravenna baka paghiwahiwalayin niyan ang katawan niya at itapon sa ibat ibang kontinente. Saan nalang sya pupulutin ni Calix.

Nanigas si Siargao, ngayon lang niya naalala si Calix. Nag aalala kaya iyon.

Malamang iyon pa?! Pero saka na niya iisipin ang kasintahan sa ngayon kailangan nilang lumabas!

"Atsui wag kang malikot. Aray bat ka ba nambabatok Ravenna. Namumuro ka na hindi kita inaano."

"Siargao gaano ka ba kabobo?! Alam mo ba kung ano yang hawak mo?!"

Napatingin si Siargao kay Atsui na naglilikot sa bisig niya.

"Tuta? Aray! Ano ba?!"

Isang batok ulit.

"Tutang kulay dugo? Araaay! Isa pa isa pa talaga!"

Isa pa ulit.

"Ano ba?! Ah!"

"Ano alam mo na?! Hay nako Siargao-"

"Alam ko na! Tutang kulay dugo na malikot at nag ngangalang Atsui! Teka teka ansakit wag ka na mambatok!"

"Tang ina Siargao ibenta mo na sa ipis yang utak mo! Kaninong anak yan?! Yang hawak mong tutang kulay dugo na malikot at nagngangalang Atsui?!"

"Andami mo pa kasing sinasabi hindi pa diretsuhin-oops wag ka ng mambatok syempre don sa Dambuhalang lobo na guardian daw"

Tinignan ni Ravenna si Siargao na para bang oh tapos?

"Tang ina Siargao ang bobo mo nasabi mo na-"

"Guardian! Oo nga pala! Atsui ibig sabihin alam mo kung nasan ang tamang kweba?!"

Si Atsui na kanina pa gustong baba para ituro kung nasaan ang tamang kweba:"... ''

Napailing nalang si Ravenna. Minsan talaga nuknukan ng katangahan ang nagmamay ari sa kanya.

Ibinaba ni Siargao si Atsui at tumakbo iyon sa kabilang direksyon ng mga kweba.

" Hoy tuta san ka pupunta?! Timo Ravenna! Tumakas lang ang tuta!"

"Siargao isa nalang talaga bibiyakin ko na iyang ulo mo para tignan kung may utak ba o wala."

Sinimangutan ni Siargao si Ravenna na sumunod kay Atsui bago tumakbo pasunod sa dalawa.

Dinala sila ni Atsui kung saan siya nagising. Sa kweba na puro buto.

"Hoy tuta kahit gutom ka hindi mo rin kami makakain kasi wala ka pang tunay na pangil."

"Siargao naiiyak na ako sa kabobohan at katangahan mo. Pumarito ka. Hindi ba ito kahugis ng token na ibinigay sayo?"

Nang lumapit si Siargao kay Ravenna ay nakatitig ito sa ding ding kung saan siya nakatalikod kanina.

Oo nga kahugis nga!

Nilabas ni Siargao ang token at ipinasok sa butas na kahugis ng token.

Saglit na lumindol at dali daling binuhat ni Siargao si Atsui.

*arf arf awuuuu

"Tuta wag kang mangyan hindi kita maintindihan."

Atsui na isang buwan palang at ni wala pang human form: ".."

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon