133

392 33 1
                                    

"..."

Yan ang reaksyon ni Heder buong biyahe.

Nasa iisang karwahe lang sila ng lahat ng heneral.

At halos maluha na siya sa inis sa mga nakikita niya.

Si Hali at Ysay ay naglalandian habang ang kakambal niya ay kalong kalong ang isang bag at ngumingiti ngiti habang tinitignan ito.

Nasapian ba ang kakambal niya?

Si Ysay at Hali maiintindihan niya dahil magkasintahan ito pero si Heter?

Ano to dahil sa sobrang pangungulila niya kay Kiri nabaliw na ito at maging bag ay pinagkakamalan ng si Kiri?!

Kinilabutan sa sariling isipin si Heder.

"Heter stop smiling stupidly while staring at that bag! You're creeping me out!" Hindi na siya nakapagpigil.

Taas kilay siyang binalingan ni Heter.

"Oh my single twin sister. Wala kang kaalam alam sa nararamdaman ko dahil simula kapanganakan mo hanggang ngayon hindi ka pa nagkaroon ng kasintahan. Hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ng mga in love."

"In love my ass! As if naman... as... if... naman... may karelasyon- is that a freaking hickey?!" Gulat na sigaw ni Heder at nakaturo pa sa leeg ni Heter.

Proud ni inihilig pa ni Heter ang leeg para lalo iyong lumabas.

"Stop it! Stop you! You!"

"What?"nang aasar na ani pa ni Heter at nginisian si Heder na halos sumabog na sa inis!

"You disgusting animal! Arghhh!" Sigaw ni Heder bago binato ng nahablot na baso si Heter na agad na nasambot ng huli.

QAQ

Kayser, Rina my loveable babies! I wanna stay with you both!

Sa karwahe naman ni Calix tanging si Damon ang kasama niya. Ito ay dahil naiwan si Sierra at Castella para pamahalaan ang palasyo.

"People in love will always bring out their foolishness when they're with or thinking of their partners. Its weird seeing you smiling like an idiot while staring at that ring." ani ni Damon na may binabasang libro.

Napangiti si Calix.

"It's a ring he inherited from the one who raised him. It was given to Kayser but when he found out we needed funds for this feast he gave it all to me."

Tinignan ni Damon ang sing sing. May hindi pamilyar na aura dito.

"And why are you smiling like a fool for something like that?"

"This ring, he personally put it on my ring finger."

Walang emosyong tumingin si Damon sa ring finger ni Calix at kay Calix na nakangiti parin habang nakatitig sa sing sing.

"Hurt my son and I'll kill you."

"I won't promise that. But I will do my best to avoid it as much as I can. I wanna give him everything, except pain. He had more than enough of it. It's time to let him feel the best of best." Sagot ni Calix.

"Be sure or else." Hindi na itinuloy ni Damon pero naintindihan na ni Calix ang nais nitong iparating.

Muling tinignan ni Calix ang sing sing.

I'd rather hurt my self that hurt him.

*******

Sa karwahe nina Siargao imbes na nagbibiruan o nagpapahinga ang mga nakasakay, nakalatag ang malaking mapa sa lamesa habang may hawak na mga papel sina Atsui at Ash.

"Ito ang bahagi kung saan nakatalaga sina Calix na mag kampo at ito naman ang bahagi na nakalaan para sa atin." Itinuro ni Siargao qng dalawang may x sa mapa.

Napa isip si Kiri at tinignan ang mapa.

"May tatalong grupo ang naka pagitan sa atin."

"May mga alagad ako sa parteng malapit sa Siargao Palace. Hindi ito problema. Kalil ilang talismans ang dala mo?" Baling ni Venus kay Kalil.

"Tama para sa isang huwan."

"Atsui give me the lists of the animals in the hunting category." Inilahad ni Siargao ang kamay kay Atsui.

Agad na ibinigay nito ang scroll na may listahan ng mga beasts na nasa hunting category.

"Have you confirmed these?" Kunot noong tanong ni Siargao.

"Yes, nothing seemed wrong sa list." Sagot ni Ravenna.

"Sa list?" Ulit ni Siargao.

Totoo, walang kakaiba sa listahan. Lahat ng nakalista sa listahan ay pawang mga common beasts na walang awareness o nasimulang cultivation.

"Sabi ni tito Leo wag nating tignan ang panlabas ng lahat. Kaya naman ipinadala ko amg ilang alagad ko para magtanim ng monitor owl sa paligid ng hunting area. And guess what did I found?"

Naglabas ng isang memory bead si Venus.

Nilapag niya iyon sa may mapa at kusang nag play iyon.

Nasa may sanga ang angulo.

Sa baba nito ay tahimik na gabi, walang kahit na anong beast sa paligid.

Ito ang inakala nila bago bumagsak ang monitor owl at may umapak dito.

Napakunot noo si Siargao.

"A demon."

"Aha... nahuli na tayo. Nakapasok na ang demons sa hunting ground noong nasa Valley tayo." Ani ni Venus.

"Mabuti na lang nasa dimensyon sina Kayser at Rina. Hindi natin sila pwedeng ilabas sa mga panahong ito. Nasa dilim tayo. Bagama't hindi alam ng kaaway kung nasaan tayo alam nila na buhay ka Siargao. Hindi rin naging sekreto na may anak ka na pinahanap ni Zeke. Hangga't maaari lay low muna tayo." Ani ni Kiri.

"She's right. Masisira ang buong plano pag natunton nila tayo. Lalo ka na. Hangga't maaari wag muna tayong lumapit sa Siargao palace. I already talked to your friend. Pumayag na sila sa kooperasyon. Sa paraang ito hindi mag hihinala ang kabilang partido. Nasabihan mo na ba siya?" Ani ni Kalil.

Tumango lang si Siargao.

"Don't worry, I told Calix na kung ano man ang mangyare dito ay nasa plano ang lahat. It's just that, I'm worried about Siff."

Lumingon si Siargao kay Alexis na tahimik at walang imik sa tabi niya.

Sa tabi nito ay si Earl.

"Whoever stand in your way must be killed." walang emeosyong sabi ni Earl na pinandidiinan kay Alexis.

Napatiim bagang si Alexis.

Tumawa naman si Siargao at tinapik sa balikat si Earl.

"Don't be so cold tita Earl. Magiging manugang mo pa iyon. Hahaha. Alexis, you'll know what to do right?" Baling ni Siargao kay Alexis.

Nawala ang pag aalala sa mata ni Alexis at napalitan ng malamig na emosyon.

"Yes kuya."

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon