21

798 73 2
                                    

Dahil walang ibang nagawa si Siargao hinayaan nalamang niyang samahan siya ng dalawa.

Habang nagpapalitan ng malamig na aura ang mga tao este ang tao at beastman sa likod niya abalang namimili si Siargao ng mga halamang gamot.

Inaalala niya ang mga halaman na kailangan sa napili niyang gayuma na isasabak niya sa paunang pagsusulit.

Simple lang ang napili niyang gayuma kumpara sa ibang mga gayuma na para sa mga novice level, pero dahil sa proseso ng gayumang iyon ay naingganyo siyang iyon ang gawin sa paunang pagsusulit.

Kakaiba ang proseso ng paggawa ng gayuma na nasa lumang libro kumpara sa karaniwang pagluto ng gayuma. Hindi gumagamit ng apat na hakbang(melting, filtering, merging, finishing) ang gayumang nabasa niya ay nauuna ang Filtering susundan ng melting at ang huli ay mixing. Walang masyadong pinag iba pero ayon sa libro mas mabilis daw ang prosesong iyon kaysa sa karaniwan.

Hindi sya sigurado na magiging matagumpay iyon  pero gusto niyang subukan.

Nang mapili na niya ang tatlong halaman na kakailanganin niya ay hindi na sya namili pa ulit. Sapat na ang mga halamang iyon bibili na lamang siya sa ika apat na bundok kahit mahal pag pumalpak sya sa pagsasanay niya.

Maingat niyang hinawakan ang tatlong halaman hanggang sa makalabas sila ng herb valley.

Sinalubong sya ni Blake  na kasama ang ibang elites, di tulad niya ay walang dala ang ang mga ito marahil ay inilagay na nila sa kanilang mga storage bag.

"Siargao, kita nalang tayo sa bahay may dadaanan pa kasi kami ng ibang elites eh." ani ni Blake.

"Sige mag ingat kayo."

Isa isang nag paalam ang elites bago sila umalis kasama ang ibang mga mandirigma.

Sumabay si Ley sa ibang mandirigma kaya nagsama sama si Heter, Heder, Ezekiel at Siargao sa iisang karwahe.

Ng makasakay na sila sa karwahe ay naiingit na nilingon ni Siargao ang herb valley.

Darating din ang panahon na magkakaroon ako ng sariling herb valley kung hindi man, mag aasawa nalang ako ng mayroon.

Napangiti si Siargao sa maliit niyang plano. Pagharap niya ay ang nakataas kilay na si Ezekiel ang sumalubong sa mata niya.

Tumikhim si Siargao upang takpan ang ngiti niya bago muling nilingon ang palayo ng palayong herb valley.

"May nakalimutan ka bang bilhin Siargao?" tanong ni Heter ng mapansin ang tingin ni Siargao. Umiling ang huli bago ngumiti.

"Nakakainggit lang iyong mga may-ari ng hardin ng mga halaman kung ano man ang kailanganin nila pipitas lang sila. Para sa isang salamangkero napakaimportante ng hardin ng mga halamang gamot."

Tinignan sya ni Ezekiel pero hindi sya umimik umiwas siya ng tingin at nalunod sa sariling isipin.

Ginulo naman ni Heder ang buhok ni Siargao.

" Wag kang mag alala Siargao mukhang yayamanin naman iyong Blake tapos Salamangkero pa-"

Agad napatigil sa pag sasalita si Heder ng makaramdam ng nag iinit at nanlalamig na titig mula kina Heter at Ezekiel.

Tumawa sya ng pagak bago umiwas ng tingin at paulit ulit na sinabing

" Biro lang hahaha biro lang"

****
Gabi na ng makarating sila lampas narin sa oras ng hapunan kaya naisipan ni Siargao na imbitahin ang mga mandirigmang sinamahan sila upang maghapunan sa bahay. Hindi naman  tumanggi ang mga ito kaya sama sama silang nagtungo sa kubo ng elites na salamangkero hindi nagtagal ay sumunod na ang ibang elites kasama ang mga mandirigma na inimbitahan ni Via.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon