Pagkabalik sa palasyo ay sa kwarto ni Calix nagdiresto sina Siargao.
Gamit ang mind messenge na ginawa ni Kalil ay tinawagan niya sina Hali, Ysay, ang kambal, si Castella at ang mag asawang Damon at Sierra.
Wala pang kalahating oras ay nagdatingan na ang mga ito.
Nang makapasok sa loob ng silid ay umikot ang paningin nila sa paligid pero wala ang pigura ni Siargao. Bagkus isang hindi pamilyar na lalaki ang nakaupo sa kama ni Calix.
"Yow" bati ni Siargao gamit ang tunay niyang boses.
Natulala sina Ysay at Heder kay Siargao at naunang dinumog ng yakap ang huli.
"Hey! Hey! Baka masaktan si Siargao!" Ani ni Heter na pumagitna kina Heter.
"Son! How do you feel? How was the ritual? Do you still need to bleed yourself?" Sunod sunod na tanong ni Sierra.
"I'm fine mom. Kailangan ko pa rin magpadugo pero once a month nalang sa kabilugan ng buwan. Kung kailan malakas ang xen power." Sagot ni Siargao.
Hindi natuwa sina Sierra pero alam nilang ito lang ang paraan para mabalanse ang dalawang core ni Siargao sa ngayon.
Si Calix lang ang hindi naginhawaan. Tuwing naaalala niya ang itsura ni Siargao noon habang nilalaslasan ang limang bleeding point nito naaalala niya ang duguang katawan ni Siargao noong namatay ito sa bisig niya.
Pero hindi pa ito ang tamang oras para mag upgrade siya. Kailangan niya pa ng maraming enerhiya para tumaas ang tsansa ng magkakaroon niya ng emperor beast form.
"Where's the others? Where are my nephew and niece?" Tanong ni Heder.
"Oo nga bakit ikaw lang ang nandito asan ang iba? Ang mga bata?"segunda ni Castella .
"Come out."
Mula sa dimensyon ay lumabas ang dalawang bata.
"Papa? Daddy?!" Ani ni Kayser ng makita ang lalaki sa likod ni Siargao.
Habang si Rina naman ay nakangiti habang tinakbo ang pagitan nila ni Heter pero humarang si Heder at siya ang bumuhat dito maging kay Kayser.
"Ahh! I really missed you my babies." Ani ni Heder at hinalikan ang dalawa.
Humagikgik ang dalawa pero nagpumiglas si Rina.
"Tita I really missed you really, but I missed my papa more."ani ni Rina na kinatawa ng lahat habang kinaasim ng mukha ni Heder.
Medyo mana ang ugali ng isang to sa kanya.
"Go go go. Go to your papa!"ani nito at mahinang pinalo ang pwetan nito.
"Buti nalang may Kayser pa kaming napaka cute."pinuno ng halik ni Heder ang mukha ni Kayser na tawa ng tawa pero napatigil si Heder ng makita ang may maskarang mukha ni Damon sa tapat niya.
"... go to your lolo na baby." Ani niya at binigay si Kayser kay Damon na agad na kinuha si Kayser.
Arggg gusto na rin niya tuloy magkababy pero... pero single dog siya! QAQ
"Ravenna snd the others?"tanong ni Hali.
"May pinapagawa ako sa kanila, Atsui and Ash are in the mansion together with Kiri." Lihim na nilingon ni Heter si Siargao ng banggitin nito ang pangalan ni Kiri.
"I came here to leave these two here for the mean time. We have some things to do bago ang feast of the beasts. Dito muna ang dalawang bata para makasama kayo. For the mean time gusto ko ding hiramin muna si Alexis at Earl kung maaari."
Nagkatinginan si Sierra at Damon.
"What happened?" Tanong ni Ysay. Matagal na niyang kilala si Siargao Tuwing may tinatago ito laging malikot ang mata nito pag nagpapaliwanag.
Napabuntong hininga si Siargao.
"Hindi ko pa masasabi sa ngayon, pero sasabihan ko kayo pag ayos na ang lahat. Sa ngayon, kailangang mahanap ang huling parte ng soul ko. Hinihingi ko ang tulong ninyong lahat. Venus can't leave my side for too long ganun din si Kalil dahil minomonitor nila ang kalagayan ko. May inaasikaso si Ravenna at walang kakayanan si Kiri para sa bagay na ito. Sa grupo namin tanging si Atsui lang ang nakakagalaw para humanap ng mga clues. Nakakahiya man pero hinihingi ko ang tulong niyo para maganap ang last soul particle ko." Paliwanag ni Siargao.
Agad siyang binatukan ni Heder.
"Anong nakakahiya?! Kahit hindi mo sabihin sinisimulan na namin ang paghahanap sa soul particle mo."
"She's right, your father send lots of demons to track your soul using your aura. I also told your lolo and lola and currently they're doing it secretly. "
Lumapit si Sierra at niyakap ang anak.
"Don't worry we'll do everything to bring it back."
"Magpahinga ka nalang muna at wag masyadong mamoblema, malapit na ang feast of the beasts. Bilang important guest kakailanganin mong ipakita ang kapangyarihan mo doon." Ani ni Heter.
"Aha, sasalang din si Rajah Zeke sa dalawang category. You need energy to watch him CALMLY."
Pinandilatan ni Siargao si Ysay na nagkibit balikat lang.
"Welcome back son." Biglang turan ni Damon.
Napatingin qng lahat dito at lumapit ito kay Siargao bitbit si Kayser.
"Welcome back your majesty." Ulit niya at ginulo ang itim na buhok ng anak.
"Welcome back papa!" Ulit ni Kayser.
"Welcome back Rajah Siargao." sabay sabay na ani nina Ysay, Hali at ng kambal.
"Welcome back your majesty." Ani naman nina Sierra at Castella ng sabay.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasíaSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...