Nang matapos si Calix sa pagluluto hindi na siya nagpaligoy ligoy pa sa kusina, agad siyang nagsandok ng mga putahe at personal na binitbit iyon papunta sa kwarto niya.
Akma na siyang gagamit ng kapangyarihan para buksan ang pinto ng biglang magbukas ito.
Sinilip niya kung sinong nagbukas ng bumaba ang mata niya kay Kayser na sisinghot singhot sa hangin.
"Father."
"Wanna eat?"
Sunod sunod na tumango ito.
"Who's there baby?" Sigaw mula sa loob.
Agad napangiti si Calix at pumasok.
"It's father."
"It's me"
Magkasabay na sabi nilang dalawa.
Natatawang tinignan ni Siargao ang mag ama. Magkamukhang magkamukha ang dalawa pati kilos at pananalita.
"Oh? Kanina pa ako nagtataka dahil antagal mo sabi ni Ysay kanina pa natapos ang diskusyon. Nagluto ka?"
"Kumain ka na ba?"
"Not yet po Father." Napatawa nalang si Siargao at kinalong si Kayser.
"Hindi pa rin po." Ani ni Siargao na tila ginagawa ang boses ng anak.
Inilapag ni Calix ang dala sa isang lamesa at walang hirap na binuhat ang buong lamesa papunta sa tapat nina Siargao at Kayser.
"Then let's eat."
Personal na pinaghain niya ang dalawa at sinandukan ng mga paborito ng mga ito.
Pinanood ito ni Siargao na puno ng ngiti.
Hindi niya akalain na iyong pangarap niyang pamilya noong bata siya ay binubuo na niya kasama ang lalaking ito.
Bumaba ang tingin niya kay Kayser.
Kasama din ang bubwit na ito.
"Let's eat na papa, father." Ani ni Kayser pero may subo subo na itong karme.
"Let's eat." Ulit ni Siargao at kumain na din.
Natapos ang kainan na halos si Kayser ang umubos ng mga putahe.
"Little pig, gabing gabi na andami mong kinain!" Saway ni Siargao dito.
"But it's delicious. I pity Rina, she did not taste any of it." Ani ni kayser pero wala namang awa sa mata nito. Kahit kasi andito si Rina mag aagawan sila at kahit kailan wala pang nakatalo kay Kayser sa pag aagaw ng pagkain.
Natawa nalang si Siargao, ang takaw talaga ng batang ito.
"It's okay, painomin nalang natin siya ng potion." Ani naman ni Calix.
"Tsk, sino nga ang may sabi na hindi makokonsensya pag pinag ensayo si Kayser?"
"Well..." walang masabi si Calix kaya hinalikan nalang niya sa pisngi si Siargao.
"Me too! Me too!" Ani ni Kayser na mapungay na ang mga mata.
Hinalikan ni Calix ang pisngi nito at agad itong humagikgik.
"You kiss me too papa." Ani niya na napipikit na ang mata.
Hinalikan siya agad ni Siargao na kinahagikgik niya ulit.
"Again again kiss me both sides!" Ani nito na nakapikit na ang mata.
Napa iling nalang sina Calix at Siargao at inilapit ang mukha para halikan sa magkabilang pisngi si Kayser.
Nang magdadait na ang labi nila sa pisngi ni Kayser ay bigla itong nahiga sa kama at nakatulog na.
Natigilan si Siargao ng magtama ang mata nila ni Calix na magkatapat.
Halos maduling na siya sa lapit ng mukha nila sa isa' t isa.
Bago pa siya maka atras ay kinabig ni Calix ang batok niya at nagdait ang labi nila.
Ilang segundo lamang na naglapat ang labi nila ng unang pumiglas si Siargao.
"You still taste the same, but it feels strange. Iba ang mukhang nakikita ko sa nasa isipan ko." Ani ni Calix na hawak hawak ang labi.
"Pervert."ani nalang ni Siargao pero pulang pula na ang mukha at leeg niya.
"This kid is really a little pig. Nong nabusog natulog na." Puna ni Calix kay Kayser na ngumunguya pa ata sa panaginip.
"Tsk, kung alam mo lang. Ni hindi pa hinintay na uminom ng potion bago matulog."
"Painomin mo nalang, mahirap na baka sumakit ang tiyan. I'll clean these." Ani ni Calix at tumayo na.
Nagsimula na siyang ligpitin ang pinag kainan at naglinis na din ng katawan.
Nang matapos siya ay naghihintay na si Siargao sa kama at sa tabi nito ay si Kayser na nakadapa at mahimbing ang tulog.
Naupo siya sa gilid kung saan napagigitnaan si Kayser.
Hinalikan niya ang ulo ng anak at inayos ang kumot nito.
"He got my face with your behavior. Even his sleeping posture, it's just the same. " nakangiting ani niya habang tinatapik tapik ang pwetan ng anak.
"Malamang, unfair pag puro lang sayo ang nakuha, ako nagdala diyan."
Umangat ang tingin ni Calix kay Siargao.
"Gawa ulit tayo ng bago, pag di ko parin kamukha, gawa ulit tayo. Gawa tayo ng gawa hanggang maging kamukha mo."
"..."
Tinalikuran ni Siargao si Calix at nahiga na.
"Love, hahaha I'm kidding. I'm kidding. " pabulong na sabi ni Calix.
Itinungkod niya ang kamang kamay at inihiga ang ulo sa palad.
"Come on, face me love. I wanna see you. "
"It's not even my real face..."
"I can see you through your eyes. Those emosyon did not changed anyway. I wanna see it."
"Ang ingay mo magigising si Kayser." saway ni Siargao pero humarap na siya kay Calix na kinangiti ng huli.
Hinaplos niya ang mukha ni Siargao at bumaba ang kamay niya sa kamay ni Siargao.
Inilapit niya iyon sa labi niya at hinalikan.
"With or without a battalion of small version of the both of us, I still love you the same. As long as your here by my side, I don't need anything else. It is more than enough. But if your gone, I'll lose not just my world, but everything including myself. So just stay by my side. Well about children, we can talk about it."
"Perverted horny bastard. Sinong siraulong makapagbibigay ng isang batalyong anak?! Puro ka kalibugan. Saka... I won't leave anymore. Hindi ko rin kayang umalis ulit at lalo na ang maiwan. Your my home. Ikaw lang iyong naging nag iisang tahanan ng puso ko. Hindi kita mabibigyan ng battalion pwede may discount?"
Nawala ang ngiti sa labi at mata ni Calix.
"Love, stop it. I'm already having a hard time controlling the beast down there. Don't provoke me."
Mahinang napahalak hak si Siargao.
"Let's sleep."
"Good night." Pumikit na si Siargao.
Humigpit ang hawak ni Calix sa palad ni Siargao at hinalikan iyon bago inilapag sa maliit na likod ni Kayser.
"Good night."
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasiSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...