13

767 71 1
                                    

"Bakit ka andito?"

"Bukod sa sunduin ka, andito ako para personal na makita ang pamilyang pinanggalingan mo."

"Para san?"

"Wala lang gusto ko lang."

"..."

Tinignang mabuti ni Siargao ang mukha ni Ezekel pero ng makita niyang hindi nagbabago ang walang emosyong itsura nito ay napa buntong hininga nalang ito bago kinandong ang raven sword.

Tinignan ni Ezekel ang espada pamilyar ito pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita kaya hindi nalang niya ito pinansin bagkus ay tinignan ang hindi kaaya ayang itsura ni Siargao.

"Bakit kailangang takpan mo ang totoo mong itsura?"

Natigilan sa pag obserba sa raven sword si Siargao at wala sa sariling kinapa ang balabal niya sa ulo.

"Tanong mo sa lolo ko."

"Asan sya? Hindi ko sya nakita kanina."

"Asa kabaong sa ilalim ng lupa sa sementeryo."

"..."

Nabilaukan sa sariling laway si Ezekel at hindi makapaniwalang napatingin kay Siargao.

"Sorry I didn't mean to-"

"Nasa timog silangang Kontinente ka, magtagalog ka."

"Ano ang sorry sa tagalog?"

"ano ba ang sorry?"

"..."

Napangiti nalang si Ezekel dahil sa kawalan ng masasabi. Saglit syang napatahimik bago muling nagsalita.

"Yang espadang yan-"

Napahigpit ang hawak ni Siargao sa espada ng sumigaw sa isip niya si Ravenna.

"Wag mong sasabihin kung sino ako!!"

"Pinanday ko."

Madaling sagot ni Siargao dahil sa taranta. Nang tignan ni Siargao ang reaksyon ni Ezekel ay nakataas kilay lang ito.

"Oh?"

Kinabahan si Siargao dahil halatang hindi naniniwala ang binata. Dahil sa taranta ay inilabas niya ang isang dangkal na kapal ng mga talismans na ginawa niya at pinakita kay Ezekel.

"Maliban sa pag gawa ng potions kaya ko ring mag panday. Kung hindi ka naniniwala eto tignan mo kung kulang yan na proweba kaya kong magpanday pag balik natin sa akademya. -"

"Wag kang mataranta nagtatanong lang ako."

"Edi umakto kang naniniwala ka. Puno ng paghihinala ang mga mata mo. "

Hindi na sumagot pa si Ezekel ag kinuha na lamang ang mga talismans. Mula sa maganda at puno ng enerhiyang mga baybayin hanggang sa grado ay tinignan ni Ezekel ito na may kaunting paghanga sa mata.

Walang sabi sabi niya itong inilagay sa storage bag niya na kinalaki ng mata ni Siargao.

"Hoy teka anong ginagawa mo?! Ibalik mo nga yan!"

"Tanda mo pa yong tungkol sa silver flag?" walang emosyong tanong ni Ezekel. Saglit na napaisip si Siargao at bumalik sa alaala niya ang ahas na humabol sa kanya at ang binulong ni Zeke noon na sya ang gumawa noon at tatanawing utang iyon ni Siargao pag naisip na ni Ezekiel ay sisingilin niya ito.

"Ayan ang bayad?"
Inosenteng tanong ni Siargao na sinagot ng mahinang tawa ni Ezekel na may kasama pang pag galaw ng hintuturo na nagsasabing hindi.

"Barrier Talismans? Kapalit ng instant na pagpasok mo sa akademya? Nagpapatawa ka ba?"

"Para sabihin ko sayo high grade ang mga iyan! Pag binenta ko yan kikita ako ng 100 000 silver coins!"

"Oh? Kung hindi dahil sakin wala ka ngayon sa karwahe ko na naghahatid papunta sa akademya, pamasahe mo lang ito sa karwahe ko at bayad sa personal na pagsundo ko. Kulang pa nga to eh. Sino ako? Ako ang anak ng owner ang tagapagmana!"

Tagapagmana mo mukha mo, pumatay sa tagapag mana oo! Saka PAMASAHE?! Sinong may gustong sumakay sa karwahe mo?! At sinong may gustong makasama ka?! Ikaw nga tong nanghila sakin! Pwe pwe pwe!

Sigaw ni Siargao sa isipan pero walang lakas loob na sabihin sa pagmumukha ni Ezekel. Maisip lamang ni Siargao ang itsura ng totoong Ezekel sa kakahuyan at ng kawawang daga noon sa palawan ay naninindig na ang balahibo niya.

"Anong gusto mo? Gayuma o ibang uri ng talismans?"

"Maraming potion at talismans ang akademya na pwede kong kunin ng hindi kailangang mag unat ng kamay."

"Ehh ano ngang kailangan mo? Paikot ikot pa kasi."

Syempre bulong iyong huling pangungusap.

"Igawa mo ako ng power sealing earrings."

Halos lumabas ang mata ni Siargao sa tinuran ni Ezekel. POWER SEALING EARRINGS?! Pinagloloko ba sya ng lalaking ito?! Talismans nga na ginawa niya ay man level lang at halos maubos ang enerhiya niya tapos Power Sealing Earrings?! Isa iyong Sky level item! SKY. LEVEL. ITEM.

Dalawang buong level mula Man level!

"Bakit? Yang espada mo nga Heaven level na top grade iyong power sealing earrings na sky level item lang gulat na gulat ka?" nanguuyam na puna niya kay Siargao.

"he he he"
Nanlalambot na tawa ni Siargao.

"Bata alam niyang nag sisinungaling ka."

"alam ko manahimik ka kasalanan mo to."

Wala sa sarili si Siargao sa buong byahe nakatulala ito at iniisip kung pano gagawa ng power sealing earrings. Hindi mapigilang sumilay ng ngiti sa labi ni Ezekel sa itsura ni Siargao. Batid niyang hindi pinanday ni Siargao ang espada nito pero dahil hindi nito sinabi ang totoo ay walang karapatan si Ezekel na pilitin ito kaya idinaan nalang nito sa parusa.

Nang makarating sa baba ng bundok ng akademya ay nanlalambot na bumaba si Siargao. Dahil okupado ang isip nito ay hindi nito napansin ang bato na tumalapid sa kanya.

"Ay sky level!"

"anong sky level?"

"Kuyaa!"

Mabuti nalang at naalalayan sya ni Heter. Nang makita niya ang kuya niya ay hindi niya mapigilang ma panguso at umaktong malungkot.

Napakunot noo si Heter bago tinignan ng masama si Ezekel na kinataas ng kilay ng huli pero ng makita nito ang nakangusong si Siargao ay sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito hindi man kaaya aya ang itsura nito dahil sa balabal nito ay cute parin ito para sa kanya. Nais ni Heter tanungin ito kung anong kabulastugan ang ginawa ng seniorito pero madaming kabataang nagkalat at nagsasakayan ng pegasus.

Napakamot nalang sa kilay si Heter bago inakay sa isang pegasus si Siargao at sumakay silang dalawa.

Taas kilay na nilapitan ito ni Ezekel para higitin pababa sana si Siargao pero naunahan sya ni Heter. Pinalipad nito agad ang pegasus bago pa sila maabutan ni Ezekel.

Ezekel:"..."

Kung noong unang punta dito ni Siargao ay sa bundok ng mga mandirigma sila pumunta ngayon ay sa pang apat na bundok nagtipon tipon ang mga kabataan. Ang bundok na tinitirhan ng owner at pamilya nito maging ng mga elders.

Sa bundok din nayon naka tayo ang malaking arena na pinag dadausan ng mga kompetisyon, ang bilihan ng halamang gamot para sa mga naubusan ang mga binigay na halamang gamot at ang tindahan ng mga magic items at mga gayuma. Nandito rin ang aklatan ng buong akademya.

Sa arena tinipon lahat ng 100 na bagong mag aaral. Doon ay sinalubong sila ng ilang estudyante kasama ang tatlong headmasters at ang owner.

"Maligayang pagdating sa Akademya ng Luzon."

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon