144

348 29 0
                                    

Pagkatapos ng performance nina Sandriya walang naging kamuwang muwang ang lahat ng napasa ilalim ng ilusyon nila.

Dumagundong ang masigabong palakpakan lingid sa kaalaman ng lahat ang itim na kapangyarihang ngayon ay nagpapahina na sa energy core lahat.

Napatiim bagang si Siargao dahil ang kapangyarihang pumasok sa lahat ay hindi lason na pwede niyang gamutin gamit ang pangkaraniwang mga herbs.

Saka sobra ang panghihinayang niya. Napakaraming rare herb na ginamit niya para gawing antidotes para sa mga emperor beastmen tapos nabaliwala. Ang mahirap pa nito lahat! Lahat ay naapektuhan ng kapangyarihan nina Sandriya.

"It looks like, this year the winner is already decided. Give a round of applause to congratulate the clan of empresses and queens of all races! The phoenix palace!"

Tumayo si Sandriya na siyang nag iisang pinadalang royalty ng palasyo.

Ngumiti siya ng tipid sa lahat. Nalatayan ng pandidiri ang mata ni Damon pero agad niyang tinakpan iyon ng bumaling sa kanya ang pulang mga mata ni Sandriya.

Kaya pala, kaya pala kahit kailan hindi nqgpakit anyo ang Sandriyang ito kahit noong koronahan siya bilang Sacred lady. At kaya pala pakapak lang ang kayang ipalabas nito, dahil wala na ang totoong Sandriya. Tanging ang katawan at enerhiya nalang ang natira.

Tumango siya dito na kinangisi lang ni Sandriya.

Ang huling araw ng feast of the beast ang pinaka masaya para sa mga beastclan.

Ito ang mga oras na malayang makipag komunikasyon ang lahat ng races.

Lahat ng mga binqta at dalaga ay malayang makipag kaibigan sa isa't isa.

Magandang oportunidad ito para nakahanap ng mates.

Pero kay Siargao ang gabing ito ang pinaka maingay at magulo. Pinaka mahalay na rin.

Ang ibang beastmen ay walang hiya-hiya na naglalampungan sa paligid.

Ang iba naman ay nag uusap ng ukol sa mga politikal na bagay.

Lingid sa kaalaman ng lahat na unti unting naseselyuhan ang mga energy core nila.

Hindi na nakatiis si Siargao at tumayo na.

"Honored guest, are you in hurry?"

May isang lalaki na lumapit kay Siargao.

Binalingan ito ni Siargao at napakunot noo.

Mabagal ang pag aksyon ng kapangyarihan na ginamit ni Sandriya. Ni hindi ito mapapansin kung hindi mo susuriin ng maigi.

"Is there something you need from me?"

"Actually, although you've been wearing mask all this time. I still find you handsome..."

Hindi nakalampas sa tingin ni Calix ang kaganapang ito lalo na at nakay Siargao ang tingin nito palagi.

Kunot noo siyang humakbang palapit dito ng pigilan siya ni Damon.

"Don't be reckless. Maraming matang nakatingin sa mga kilos natin."

Lihim na inilibot ni Calix ang tingin niya at napagtantong tama si Damon.

Bawat sulok ay may mga matang nakatitig sa kanya. Ang masahol ay si Gisele na walang hiya hiyang titig na titig sa kanya.

Puno ng inis niyang tinignan ang lalake na kumakausap kay Siargao pero natigilan siya sa mga salitang binitawan ni Siargao.

"... I don't know what you're talking about mister. But, I'm already mated."

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon