81

482 46 1
                                    

Nang dumilim na ay umalis na din Si Calix matapos ang hapunan.

Ngayon kasalukuyang nasa bubong si Siargao at pinapanood ang naglalakad na bulto ni Calix palayo.

"Hay nako, gwapo at makapangyarihan nga kaso nasa hukay naman ang isang paa." Biglang sambit ni Leo na kararating lang.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ni Siargao.

"Oh? Hindi mo ba naramdaman? Ilang beses ka niyang hinawakan kanina ni hindi mo naramdaman na may dalawang lason ang umiikot sa katawan ng kasintahan mo?"

Nanlambot ang tuhod ni Siargao at kung hindi dahil kay Leo na hinigit ang siko niya baka gumulong na sya pababa sa palasyo.

"Anong sinasabi mo?! Kung nagbibiro ka para makakuha ng dugo ko hindi na kailangan, you can have it all.  Basta wag kang magbibiro ng ganyan." Matigas pero may pagmamakaawa sa boses ni Siargao.

"Tss. I'm not joking. That kid is poisoned. One when he was very young and the other is just lately. Maybe this year lang or latest. I think from a plant maybe?"

Plant?

plant?

That mission!

Kung hindi sya nagkakamali ang Mission na nakuha ni Calix para sa dalikan at banga ay ang pag kuha sa isang plant pero hindi niya alam kung ano iyon!

But being the most dangerous mission impossible na simpleng halaman lang ang ipapakuha kay Calix at isang gintong banga at dalikan ang presyo!

Bukod doon ay alam niyang walang ibang halamang nahawakan si Calix dahil lagi silang magkama!

He got poisoned because of him?

"Oy? Ayos ka lang? Sorry."

"Anong sorry?! You said I am a sacred phoenix right?! I can save him!"

Nag iba ang emosyon ni Leo at napahigpit ng kaunti ang pagkakahawak niya sa bisig ni Siargao.

"Don't be reckless. You are a sacred phoenix yes that's right but you can't just decide everything on your own. I heard everything that night and I'm sure you came here for a reason. Are you really going to throw all of that for him."

"Ilang taon pa meron sya?"

"Siargao!"

"Sabihin mo sakin!"

"...3 years at most."

Tumulo na ang luha ni Siargao.

That damned man promised him a kingdom tapos 3 years nalang ang itatagal niya?!

Lumunok ng sunod sunod si Siargo at hinanap ang boses na natabunan ng mga salitang hindi niya mabigkas.

"Can you help me." Wala sa sariling hiling ni Siargao. Alam ni Leo ang tinutukoy niya pero hindi siya pumayag.

"No." Matigas na sabi nito bago nawala ng parang bula.

Naiwan naman sa bubong si Siargao na walang kibo. Nakatulala at hindi alam kung anong unang gagawin.

Nagsisimula palang sila ni Calix pero mukhang matutuldukan agad.

Natiimbagang si Siargao at marahas na pinunasan ang luha niya bago bumaling kung saan niya hinatid ng tingin si Calix.

Hindi niya hahayaang makialam nanaman ang tadhana sa buhay niya.

Nabahiran ng lila ang mata ni Siargao pero ang lilang iyon ay may halong pula.

Pulang sing kulay ng dugo.

Ang maamong mukha niya ay napalitan ng nakakapangilabot na ekspresyong tanging mga devils lang ang may roon.

Mula sa rebulto ay kitang kita iyon ni Leo.

Napabuntong hininga nalang sya at pinikit ang mata.

Love at risk will force you to bring out the demon inside you.

Mukhang kailangan niyang kumilos para sa magiging apo niya.

****

Samantala sa dimensyon,

Ilang araw nang pinapanoood ni Sierra ang brutal na pag sasanay ng mag ina.

Minsan nga ay napapatanong siya kung talaga bang ganito ang lahat ng magpapamilya sa lahi ng mga familiar.

Walang awang mamaliitin ang kakayahan kahit na alam niyang paslit pa ang anak.

Walang awang paparusahan ang anak sa kaunting pagkakamali.

At walang awa kahit na lumuluha na ang anak sa kanilang harapan dahil sa sakit at pagod.

Lahat ito ay nasaksihan ni Sierra.

Kung kay Siargao lang ito, hindi niya maaatim kahit pagsalitaan manlang ito.

Pero hindi niya magawang pumagitna dahil alam niyang walang saysay.

Noong sinubukan niyang pumagitna sa mga ito ay naapagsalitaaan siya ni Alexis.

Walang respeto ito marahil ay dahil sa nakaukit na sa kanya na maliban sa kanilang master lahat ng nilalang ay dumi lamang sa paningin nila.

Batid niya ito dahil ganun si Earl.

"Tumayo ka diyan! Paano kaa magiging karapatdapat sa prinsepe kung lalampa lampa ka? imbes na ikaw ang promotekta sa prinsepe ay ikaw pa ang po poprotektahan!" sigaw ni Earl bago hinampas ng latigo si Alexis.

Napangiwi si Sierra dahil sa lagitik nito ng dumampi sa murang balat ni Alexis.

Pero si Earl lang ang tunay na nakakaalam na hindi malakas ang pwersa ng ihampas niya iyon.

Walang ina ang gustong saktan ang kanyang anak, lalo na kung nag iisa lamang ito. Kahit na mula pa sila sa pamilya ng mga Familiar.

Pero hindi pwedeng hayaan nilang lumaki ang kanilang mga supling na hati ang atensyon at pagmamahal.

Ang isang failiar ay para lamang sa isang master. Ito ang batas ng mga familiar.

"Ano? tumayo ka! Pilitin mo kahit mapilay ka pa wala akong pakialam! Tumayo ka at lumaban!" nanginginig na tumayo si Alexis at walang emosyong tumingala sa ina.

Tama ang ina niya. Noon laging si mast-  kuya Siargao ang pumoproteka sa kanya. Hindi sya makakapayag na hanggang ngayon si Kuya Siargao parin ang poprotekta sa kanya.

Puno ng determinasyon, sumugod siya sa ina. Tinakbo niya ang distansya nila at ng nasa dalawang metro nalang siya mula sa ina ay nangyari ang hindi inaaasan.

Lumabas ang beastform niya.

Isang Giant wind spiting eagle. Tulad ni Earl.

Napangisi si Earl bago nagbagong anyo at sinalubong ang atake ng anak.

Habang nagtutukaan at nagdadagitan ang mag ina sa himpapawid hindi makapaniwalang nanonood si Sierra sa baba.

Sino bang hindi?

Nag iisa na si Earl na mula sa Giant Wind spitting eagle ng maipanganak niya si Alexis. Hindi na sya umaasa na magiging eagle ang anak dahil anak niya ito sa isang mortal na namatay sa isang sakit habang tumatakas sila sa mga humahabol sa kanila.

********
Enjoy reading.💜

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon