90

485 43 11
                                    

Abala si Siargao sa pagmamasid habang naglalakad lakad at tila namimili ng mga bilihin sa isang pwestuhan at lingid sa kaalaman na may nagmamasid sa kanya ilang metro lamang ang layo.

Batid ito ni Leo dahil halata ang pag sunod nito kay Siargao pero hindi niya ito sinabi.

Iyon ay dahil nakikilala niya ang lalaking iyon at makakatulong iyon kung sakaling hindi umayon sa plano nila ang lahat.

Hating gabi ng tuluyang makadaong ang anim na barko sa pang pang pero hindi kumilos sina Sirgao. Sa anim na barko hindi nila tukoy kung  alin ng sinakyan ng grupo ni Hada. O ng nakasunod ditong ama ni Siargao.

Tinuro ni Siargao si Ravenna, at Alexis sa unang barko.

Si Heder, Kiri sa pangalwa.

Hali at Ysay sa pangatlo. Kalil sa pang apat at si Atsui at siargao sa pang lima.

At si Heter sa pang anim.

Tumango ang ang lahat bago nagkanya kanyang kilos.

Habang nakasakay kay Atsui na tumatakbo sa mga sanga  at mga bubong ng gusali ay nakasunod sila sa karwahe na lumabas sa ika anim na barko.

Patungo ito sa bayan.

Tumigil ito sa tapat ng isang tavern at mula sa karwahe my isang lalake na naka all black ang lumabas.

Mula sa bubong na tinigilan nina Siargao ay kitang kita nito ng tatu sa ibaba ng mata ng lalaki.

Hugis puso!

Paglabas ng lalaki mula sa tavern ay lumapit ito sa maliit na bintana ng karwahe at tila may sinasabi sa nakalulan dito.

Maya maya lamang ay lumayo ito ng kaunti at yumuko.

Lumabas ang apat na kalalakihan mula sa karwahe at humanay sa magkabila.

Sumunod dito ang isang malaking lalaki na may buhat buhat na malaking bagay sa balikat nito.

At saka lang lumabas ang isang babae.

"Hada."

Bulong ni Siargao sa sarili.

Napatiimbagang si Siargao at nanatiling nanunood hanggang sa makapasok ang mga ito sa loob.

Bumaba si Siargao mula sa bubong at otomatikong lumiit ang katawan ni Atsui na tulad ng isang tuta bago tumalon sa bisig ni Siargao.

Sumabay si Siargao sa agos ng tao na papasok sa tavern  at sumunod sa likod ng grupo nina hada.

"Give us four rooms. The most comfortable ones." Ani ni Hada.

"Please come with me upstairs my lady."

Grupo na umalis sina Hada at umakyat sa ikalawang palapag.

"Yes sir, a room for one or do you have -"

"I want to choose my own room. Take me upstairs to choose." Ani ni Siargao ng makitang lumalayo na ang grupo nina Hada.

"Sir, please follow me."

Tumango lang si Siargao at sumunod sa tauhan ng tavern.

Pag akyat niya nakita niya si Hada na papasok sa pinaka dulong kwarto.

Huminto sya sa katapat nito.

"I want this room" ani niya pero umiling at ngumiti ang tauhan.

"I'm sorry sir but this room was already taken."

Napakunot noo si Siargao pero ito lang ang pinakamalapit kina Hada at ang mga katabing kwarto nito ay nakalaan na sa mga kasamahan nito.

Tanging itong katapat na kwarto na lamang ang malapit.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon