14

791 78 0
                                    

Masigabong palakpakan ang sinagot ng mga mag aaral sa owner.

Ngayong napagmasdang mabuti ni Siargao ang owner ay hindi na sya nagtaka kung saan kumuha ng itsura si Ezekel.

Noong selection ay hindi niya ito napagmasdang maayos dahil masyadong malayo ang kinaroroonan nila. Ngayong malapit na ay hindi niya mapigilan ang paghanga. May edad na ito pero bakas parin ang kagandahang lalaki nito.

"Nais ko kayong batiin sa pagpasok sa ating akademya. Hindi ko na patatagalin pa ito, hinihingi kong mag grupo lahat ng mandirigma, panday, at salamangkero at salamangkera."

Tulad ng sinabi ng owner ay kusang naghiwahiwalay ang mga kabataan lahat ng may hawak na espada at ibang klaseng armas ay humanay ng iisang linya, ang mga panday ay nag samasama at naipon ang mga salamangkero na may pinakamaunting bilang.

Agaw pansin si Siargao hindi dahil sa hindi kaayaayang wangis niya kundi dahil nakapila sya sa mga salamangkero pero may espada na nakasukbit sa bewang niya.

Wag niyo akong tignan ng ganyan kahit ganto itsura ko nasa tamang linya ako.

Hindi naman nagtagal ang paghihinala nila ng mamukhaan ang binata. Tanyag ang binatang hindi sa kagwapuhan o hindi kaaya ayang itsura kundi dahil sa balabal niya sa ulo. Iyon ang pagkakakilanlan nila sa lalaking top 1 ng sekta ng salamangkero noong duel night.

"Lahat ng mga mandirigma ay susunod kayo kay head master Kiro." turo ng owner kay Master Kiro. Ang tatay ni Denzel.

Bumaba ito at tumayo sa unahan ng hanay ng mandirigma.

"Lahat ng panday ay sasama kay head master Shiro." sunod na bumaba ang isang lalaki na hindi katandaan. Kung tutuusin ay sya ang pinakabata ang itsura sa tatlong headmasters. May ngiti ito sa labi habang naglalakad patungo sa unahan ng hanay ng mga panday.

"Pang huli, ay ang ating mga salamangkero at salamangkera. Sumunod kayo kay Head master Avios." huling bumaba ang isang matanda na may kulay abong mahabang balbas. Ngumiti ito ng labas ang mga puti nitong ngipin at nadala ng ngiti niya ang mata niya na hindi na makita.

Nakilala ito ni Siargao dahil ito ang nag bulsa ng potion na ginawa niya pero binawi ng owner.

Nang makarating sa hanay ng limang salamangkero ay kumaway ito kay Siargao na parang bata bago humarap sa unahan.

"Para sa mga bago nating estudyante, pagpunta niyo sa inyong mga bundok na kinabibilangan ay doon kayo papangaralan ng inyong mga master, lahat ng mga hindi ko nasabi ay sasabihin nila. Sana ay mag aral kayo ng mabuti."

Huling paalam ng owner bago nagpulasan ang mga mag aaral kasama ang mga head masters ng sekta nila.

Gamit ang pegasus ay linipad nila ang daan patungo sa bundok ng mga sekta nila. Paagkarating ay namumutla si Siargao na bumaba. Hindi parin naaalis ang takot niya sa pagsakay sa mga lumilipad.

"Alam kong malayo ang mga naging biyahe ninyo. Bilang konsiderasyon ay hahayaan kong ipagpabukas ang oryentasyon. Sumunod kayo kay ate Betty nyo sya ang magtuturo kung saan ang tirahan nyo."

Tinuro ng matanda ang isang dalaga na nakasuot ng isang berdeng damit. Umaalingasaw ang amoy ng bulaklak mula dito.

Nang igiya nito sila ay susunod na sana si Siargao pero napahinto sya ng marinig ang pangalan niya.

"Top 1 at top 2, maiwan kayo. "

"Po?" tanong ng top 2 na tulad ni Siargao ay napahinto din.

"Kabilang kayo sa elite students, kumpara sa mga karaniwang magaaral iba ang tirahan ng mga elite students. Sa iisang mansyon kayo titira kasama ang mga ate at kuya ninyong elite students din." paliwanag ng headmaster habang iginigiya sila sa isang mansyon na may tatlong grado.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon