139

359 33 0
                                    

Nakahalumbaba si Siargao habang pinapanood ang nagaganap na duel ng kampo ng golden Lion at ng phoenix participants.

Puyat siya at pagod.

Mula noong rebirth niya hindi na niya kinakaya ang puyat.

Pero kagabi magdamag siyang gising. Wala kahit segundong tagal na tulog.

Kagabi kasi ay nag usap sila ng Nimedez emperor.

Bagama't kalmado siya habang nakikipag usap sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya at nanlalamig talaga siya.

Hindi dahil emperor beast ang kaharap niya, kundi dahil ito ang ama ni Calix!

Pinaliwanag niya dito ang mga nalaman at sa huli ay napagpasyahan nila na bigyan ng lunas ang mga nalason, akala nila ay dalawa lang ang mga nalason.

Pero, napagtanto nila na lahat ng emperor beastmen ay nalason!

Maging ang emperador!

Si Calix lamang ang nakaligtas dahil bantay sarado ito ng mga alagad ni Venus, at ni Earl.

Kaya ang naging wakas, magdamag na nagluto ng antidote si Siargao.

Hindi iyon madali, dahil halos makalbo na ang hardin ni Siargao sa dimensyon!

Ang pinakalunas na sangkap ay isang rare herb!

Ilang buwan na personal niyang nilinang ang halamang ito tapos isang gabi lang ay wala ng sampong puno ang natira!

Buti naman at nakaramdam ang Nimedez emperor, siyempre kitang kita niya ang sobrang panghihinayang sa mata ni Siargao habang nagluluto ito ng gayuma.

Hindi niya alam na may dimensyon ring si Siargao dahil ang sing sing niya ay tila isang storage ring lamang.

Bawat labas ng halaman ay napapa buntong hininga si Siargao, paano niya hindi malalaman na bihirang halaman ang nilalabas nito.

Bago siya umalis ay nag alok ng pera ang Nimedez palace, hindi tumanggi si Siargao dahil balak niyang ibigay ito sa Siargao palace.

Sa kasalukuyan, naipainom na ang potion sa lahat ng emperor beastman sa paraang inilagay ito sa inoming tapey ng lahat.

Hindi rin nakalimutan ni Siargao na lagyan ng energy potion ang kay Calix.

Walang kaalam alam ang lahat dahil palihim na inihalo ni Siargao ang potion sa tapey na iniinom ng lahat.

Humikab siya at napapapikit na pero ng makita niyang natalo ang golden lion participants, agad siyang nagising.

Kanina lang ay dehado ang mga piniks paanong nanalo ang mga ito?

"Weird. "

Lumingon si Siargao kay Ravenna.

"Their fires are weird. It doesn't feel like fire but it's hot."

Tumitig sina Siargao sa apoy ng mga piniks.

Oo nga, pero wala naman silang makitang kakaiba pa maliban doon.

"Phoenixes move forward. Golden lions have one last chance. Next Nine tailed foxes vs. Wolf clan!"

Si Flor ang nagpauna sa grupo ng mga foxes habang isang maskuladong lalaki naman ang kabila.

Pag panhik sa entablado agad nag bago ng anyo ang dalawang panig.

Ang mga foxes ay naging ga bewang na soro¹ habang ang kabila ay naging malalaking kulay abong lobo.

Tanging si Flor lamang sa grupo ng mga soro ang may siyam na buntot ang iba ay lima hanggang anim lamang.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon