"Sayo galing yan. Walang bawian"
Magaspang na sabi ni Calix na nagpagulat sa lahat.
"Senyorito!"
"Gising ka na?! Ang pinsan ko?!"
"Siargao?!"
"Ahh."
Naginhawaan ang lahat ng mag mulat ng mata si Siargao.
Dinamba sya ng kambal at inalalayan naman ng mga elders si Calix. Mas mahalaga ang senyorito nila! Gugulong ang ulo nila pag may nangyare sa senyorito.
Nanatiling tahimik at walang kibo si Siargao.
"Ilang oras na akong tulog?" malamig na tanong niya na nagpatigil sa kambal at kay Calix na nasa tabi niya lang.
Hindi niya maintindihan. Kanina sa panaginip hindi niya mabasag ang bugbog at may lumitaw na isang Siargao na bigla syang sinugod noong una ay akala niya si Siargao talaga iyon pero puro kasamaan ang aura ng Siargao na iyon at doon niya napagtantong iyon ang inner demon ni Siargao.
Natalo niya iyon sa kabila ng paghihirap at nabasag ng kusa ang bubog na rosas. Nagmulat ng mata si Siargao at una niyang nabungaran si Calix sa totoo niyang anyo.
Nakilala pa nga sya nito at tinawag ang pangalan niya bago ngumiti.
Doon sila nabalik sa reyalidad. Hindi maintindihan ni Calix kung bakit nanlalamig parin ang aura ni Siargao.
May natira ba sa inner demon niya?
"limang oras"
Sagot ni Elder Myrr sa tanong si Siargao dahil walang umiimik para sagutin sya.
Nagkatinginan sila at nalatayan ng pangamba ang mukha ni Siargao.
"Mga Living Corpses! Lolo ang akademya!"
"Ngayon mo lang naalala? Kala ko nagpapakasasa ka na sa panaginip mo kaya nalimutan mo na ang akademya!"
"Anong nangyayare?" kunot noong singit ni Elder Kris.
Maging ang iba ay ganun din ang ekspresyon. Gulat at pagtataka sa reaksyon nina Siargao at Elder myrr.
"Bumalik na tayo sa akademya. Nasa panganib ang akademya!"
Wala ng tanong tanong dahil si Elder Myrr na mismo ang nagpaliwanag. Hindi makapaniwala ang lahat.
Syempre hindi isinama ng elder ang tungkol sa kutob nila sa owner at palasyo.
Dahil sa mga impormasyon ay nagtulong tulong ang mga panday na mag aaral at mga elders para pabilisin ang karwahe gamit ang mga items na tulong tulong nilang ginagawa.
Nang makarating sila ay umabot na sa himpapawid ang amoy ng naaagnas na bangkay. Makapal din ang usok na mula sa baba kung saan naglalaban laban ang mga taga akademya at mga demons at Living corpses.
Hindi pa man sila nakakalapag kita na nila ang kaguluhan sa akademya marami sa living corpse ay nakasuot ng uniporme ng akademya.
Isa lang ang ibig sabihin nito, ang mga naka unipormeng iyon ay mga estudyante ng akademya.
Nakakuyom si Siargao ganun na din ang iba nilang kasamahan. Nagsisimula na ding umiyak si Vierra dahil nag aalala sya sa mga kapatid at pinsan na naiwan sa akademya.
Hindi rin matutumbasan ang pag aalala nina Akhil, ang kambal at ni Siargao. Kahit papaano kapatid at pinsan niya parin ang mga ito. Kung mamamatay man qng mga ito mas maiging sa mga kamay niya kaysa sa mga halimaw na mga ito!
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasiSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...