120

413 30 1
                                    

Kasalukuyang naglalakad si Rina kasama ni Sierra.

Matapos ang kainan ay nagpresinta si Sierra na ihatid si Rina sa ama.

Si Kayser ay naiwan sa pangangalaga ng ama at lolo niya.

Gusto sanang sumama ni Kayser kaso tumanggi si Rina.

Ngayon kinakabahan ang batang babae habang mahigpit ang hawak sa memory bead na nasa leeg niya.

Alam niya ang kwento sa pagitan ng mga magulang niya kaya siya kinakabahan.

Maliwanag na walang nararamdaman si Heter para kay Kiri kaya natatakot siya.

Paano kung hindi siya tanggap ng kanyang ama?

Napatigil si Rina dahil sa mga senaryo na naglalaro sa isipan niya pag nagkita silang mag ama.

Dahil sa biglang pagtigil nito napatigil din si Sierra na hawak hawak ang libreng kamay nito.

"Rina? May problema ba?"

Itinaas ni Rina ang mukha niya para tignan si Sierra.

Nagulat si Sierra ng makita ang namumulang mata at ilong nito.

Kagat kagat nito ang ibabang labi at pinipigilan na wag tumulo ang nagbabadyang luha.

Ito din ang inaalala ni Rina kaya hindi niya pinasama si Kayser. Napaka protective nila para sa isa't  isa. Hindi niya hahayaang makita ng pinsan niya ang side niyang ito.

Kahit mas bata siya ng ilang buwan, una siyang lumabas sa mundo dahil nakakulong si Kayser ng dalawang taon sa egg cage niya.

Dahil dito para sa kanya mas ate siya kaysa kay Kayser. Bilang ate kailangang laging strong side lagi ang ipakita niya sa pinsan niya.

Takot siyang mag alala ang pinsan dahil sa magiging resulta ng pag kikita nila ng kanyang ama.

Bumaba si Sierra at pumantay kay Rina.

Sinapo niya ang kanang pisngi nito sa isang kamay.

"What's wrong baby girl?"

Saktong palabas naman si Heter at Heder mula sa opisina ng mapatigil sila.

Nakita nila si Elder Sierra na may kasamang bata.

Namumukhaan ito ni Heter dahil ito ang sumalubong sakanila kagabi para magbigay ng restriction bracelet.

Akma na sana silang aalis ni Heder ng magsalita ang bata.

"Papa may not want me po. Hindi naman niya po minahal si mommy eh. What if hindi din po ako gusto ni tita Heder?"

".."

Nagkatinginan sina Heder at Heter. Parehas naguguluhan lalo na si Heder na nabanggit pa ang pangalan.

At ano daw tita?

"Baby, what are you saying? You're pretty ang clever. Your papa will want you for sure especially your tita. He's been looking for your mommy ever since."

Biglang tumambol ang puso ni Heter.

Tumagilid ang mukha ni Rina.

"But- But it is clear here." Inilabas ni Rina ang kwintas niya na may memory bead.

"What is it?"ani ni Sierra at binalingan ang memory bead.

"It is my mommy at papa's memory po.  I always watch it. I know papa don't love mommy po."

"What should we do then?"

Tanong ni Sierra. Hindi niya maatim na pilitin ang bata kung gayong malaki ang takot nito.

"I'm not ready to see papa. It is more painful to hear him say he doesn't want me than not seeing him at all." Ani ni Rina at tinago ang memory bead sa damit.

Napakagat labi si Heder at napatakip sa labi. Lumuluha niyang pinandilatan ang kakambal niya na namumula na din ang mata.

Anong tanong- tanong? Mas maliwanag pa sa tubig na pamangkin niya ito kay Heter! Last time he checked ang kakambal lang naman niya ang may Kiri na hindi nito mahal.

"Then let's go back?" Yaya ni Sierra na kinatango tango ni Rina.

"Aren't you going to ask your aunt if she likes you?"biglang sumulpot si Heder na luhaan.

Gulat na nilingon siya ni Rina.

"Ti- General Heder." Nagdadalawang isip na sabi ni Rina.

Lumuluhang napangiti si Heder.

"General my ass. Call me tita beautiful!" Sigaw ni Heder at tinakbo ang pagitan nila ni Rina bago ito yinakap at binuhat.

"Omy you're so beautiful like me!"

Humagikgik si Rina at niyakap sa leeg si Heder.

"Ti- Tita!" Nahihiyang banggit ni Rina. Hinalikan siya sa ulo ni Heder.

"Omy hindi ako makapaniwala na isa na akong tita. Hoy Heter ano magiging tuod ka nalang diyan?!"

Mas mabilis pa sa kidlat na tumunghay si Rina at nagtama ang mata nila ni Heter.

"What's your name little lady?" Tanong ni Heter. Magaspang ang boses niya dahil sa puyat, pagod at komplikadong pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.

"He-Heirina po." Napapangiwing sagot ni Rina habang pinipigilan na mapaiyak.

"Heirina, hindi mo ba yayakapin si papa?" Binuka ni Heter ang dalawang bisig niya habang ngumiti kay Rina.

Umarko pababa ang labi ni Rina at tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha niya.

Nagpumiglas siya sa bisig ni Heder na agad naman siyang ibinaba.

"PAPA!"

Sigaw ni Rina saka tumakbo palapit kay Heter.

Agad siyang niyakap ni Heter  at binuhat.

Maging siya at hindi napigilan at umiyak sa maliit na balikat ng anak.

Natatawang naluluha na pinanood ni Heder ang mag ama.

Maging si Sierra ay nagpunas ng luha.

Nilapitan ni Sierra si Heder at tinapik sa balikat.

"Let us give them time to catch up together."

Binalingan ni Heder ang kakambal at ang pamangkin na umiiyak habang magkayakap.

"Shall we?" Ngiting ani niya.

Nang makaalis ang dalawa naiwan si Heter at Rina.

Dinala ni Heter si Rina sa kwarto niya at ibinaba sa kama.

Pumantay siya dito at pinunasan  ang luha ng anak bago hinalikan sa noo.

"Where's your mom? Bakit ikaw lang ang dumalaw kay papa?"

Suminghot singhot si Rina bago sumagot.

"Mommy need to assist tito. But she will come to see you soon. "

"Ang laki laki mo na, all this time ginugol ko ang oras ko para hanapin ang mom mo. Hindi ko alam kung paano ako nagsimula sa paghahanap pero kahit anong gawin ko hindi ko mahanap ang mommy mo. Ngayon siya mismo ang nagpakita may bonus pa. Salamat."

"Papa I have a question."

"Ask whatever you want baby."

"Hindi mo po ba talaga minahal si mommy?"

Agad natigilan si Heter.

Napangiti siya at hinawakan sa kamay si Rina.

Kung noon to nangyare baka tumigil pa siya at mag isip ng isasagot ngayon may sagot na siya.

"Hindi, pero..."

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon