28

757 75 0
                                    

Nang nagmulat ng mata si Siargao ay nasa loob ng dimension ring na sya. Nasa damuhan sila at sa gilid nila ay ang maliit na lawa na siguro ay nasa 20 metro ang lawak.

Magkaharap parin sila ni Calix at nasa labi parin nito ang dimension ring niya. Mabilis niyang inagaw iyon sa hiya.

Hindi niya maintindihan ang halimaw na ito. May bond naman na nqmamagitan sa kanila kaya bakit kailangan niya pang gawin ang temporaryong paraan ng pag inom ng dugo ng holder?

Pero mas hindi niya maintindihan ang sarili na ang lakas ng kabog ng puso.

Walang araw sa dimension pero asul ang langit at walang ulap.

Nakabase ang panahon sa loob ng dimensyon sa nararamdaman niya.

Sa totoo lang ngayon niya lang nakita ng maayos ang loob ng dimension ring.

Noon kasi saglit na binisita niya lang ito pero dahil napaka abala niya hindi na sya nakabalik pa.

Walang kahit ano sa paligid maliban sa damuhan at lawa. Nang lapitan niya ang lawa para makaiwas sa tingin ni Calix ay ganun nalang ang pagkamangha niya.

Sagana sa spiritual energy ang lawa! Isa itong magic water!

Hindi alam ni Siargao kung ilang gayuma ang ginamit ng lolo niya para magawa ang magic water na to.

"Mahal na mahal ka ng lolo mo."

Namasa ang mata ni Siargao sa narinig niya. Nakatalikod sya kay Calix kaya hindi niya napansin ang emosyong dumaan sa mata ng binata ng banggitin niya iyon. Tahimik niyang pinagmasdan ang sarili sa tubig.

Lo salamat.

"Pwede mong tamnan ang dimension na ito pero kung ako sayo gagawin ko itong pastolan ng mga beast."

"Ha? Napakalawak nito para maging pastolan saka hindi ko naman kailangan ng maraming beasts."

"Kahit marunong kang gumamit ng enerhiya hindi ka tulad ng mga beast na may teknik. Limitado ang kaya mong gawin saka, mas maigi na iyong may kupunan ka ng tagaprotekta."

Napaisip si Siargao. Tama sya kung may kampon sya ng beasts pwede niyang magamit ang mga ito hindi lang para protektahan sya kundi maging ang mga taong importante sakanya.

Tinitigan niya ang lalaking nasa harap niya. Nang tumitig din sa mata niya si Calix ay umiwas na sya ng tingin.

Masyadong malawak ang Ma-I meron at merong mas malalakas kaysa sakanya at kay Calix. Kung hindi niya makukuha sa lakas ay sa dami nalang!

Teka bakit ba isinasama niya sa plano si Calix?! Hindi naman sa magiging magkasama sila sa habang buhay ah!

Pangiti ngiti si Siargao habang iginuguhit ang plano sa isipan niya. Pero sumimangot ng maisip ang tungkol kay Calix. Umangat ang gilid ng labi ni Calix habang pinapanood si Siargao.

Ilang minuto pa silang nanatili sa loob ng dimension bago sila makalabas. Hindi na inulit ni Calix ang pag halik sa singsing ni Siargao gustuhin man niya o hindi dahil nakatago na iyon sa likod ni Siargao buong oras na magkasama sila.

Gamit ang isipan ay kinontrol ni Siargao ang paglabas nila. Pagmulat ng mata niya ay nakabalik na siya sa silid wala na rin si Calix at sarado na ang bintana na ginagawa nitong pinto.

Dahil sa pagod ay nagpahinga na lamang si Siargao iniwan niya sa loob ng dimension si Ravenna dahil mag tatampisaw daw ito sa lawa.

Maraming benepisyo ang lawang iyon hindi lang sa mga tao kundi maging sa lahat ng nilalang pero magastos nga lang ang paggawa ng lawa.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon