Madaling araw gumayak upang maaglakbay ang grupo ng mga nakapasok sa top ng ranking.
Sasasakay sila ng malaking karwahe na hila hila ng mga pegasus pati ang elders na makakasama nila.
"Vierra anong ginagawa mo dito ?"
Napahinto sa pag akyat sa karwahe si Siargao ng marinig ang tanong ng ate Heder niya.
Pag lingon niya ay si Denzel at Vierra ang nasa likod ng kambal na nakasunod sakanya.
Napakunot noo si Siargao. Hindi ligtas ang treasure ground.
Sa mahigit isang libong napupunta doon bawat pagkatapos ng ranking contest ay may hindi bababa sa sampo ang hindi na nakakabalik. Partida mga top pa ang mga ito. Mga pinaka magagaling sa mga magagaling sa akademya.
Nagtataka si Siargao dahil napayagan ang isang pabuhat na Vierra para sumama. Nang mapadako ang mata ni Siargao sa kamay ni Denzel na nasa bewang ng kapatid hindi na sya nagtaka.
Iba talaga kung may pwesto ka sa taas.
Hindi nakalampas kay Vierra ang pagsulyap ni Siargao sa kamay ni Denzel na nasa bewang niya. Ngiting ngiti ito at tila isang nanalo sa isang patimpalak na sya lang naman ang kalahok.
"Masama ba ate? Oy Kuya Siargao andyan ka pala. Tagal nating hindi nagkita. Naglilipat kasi ako ng gamit sa bagong tirahan NAMIN ng ASAWA KO, sa sekta ng mga mandirigma." ngiting ngiti ito na lalong nagpaganda sakanya. Problema lang talaga ang ugali nito.
Lantarang inismiran ito ni Heder, nagpapasikat lang ito para inggitin si Siargao dahil ang lalaking dapat para kay Siargao ay naging asawa nya na ngayon.
Tuwang tuwa, mang aagaw lang naman. Sa isip isip ni Heder.
Pairap niyang inalis ang tingin kay Vierra at lumapit kay Siargao.
"Oo nga insan sa sobrang abala mo hindi ata nakarating sayo ang balitang magkasintahan na sina Senyorito Ezekel at Siargao. Huli ka na sa balita pinsan." dali ni Heder na kinaiwas ng tingin ni Siargao at lubhang kinagulat ni Vierra. Nanlaki ang paningin niya at napatingin kay Siargao.
"Hahahaha! Anong pinagsasabi mo ate? Yang itsurang iyan?! Hahaha"
Napailing nalang si Heder.
Napangisi si Heder at nilapitan si Vierra tapos inakbayan.
"Hindi ka rin makapaniwala no?! Hahahaha si Senyorito pa nga ang pumunta sa mansiyon para hingin ang basbas ni Apo sa relasyon nila! Sayang lang talaga at abala ka sa paglilipat sa titirhan mo kasama ang ASAWA MO."
Pawaksi na inalis ni Vierra ang pagkakaakbay ni Heder.
"Tama na yan tumatakbo ang oras. Heder, Siargao tara na." iritadong singit ni Heter. Hindi parin niya matanggap na nasulot na ang pinakamamahal niyang pinsan.
Tumatawa si Heder na nang aasar bago tinalikuran sina Vierra at Denzel.
"Mahal tayo na."
Ngumiti lang si Vierra kay Denzel pero hindi na sya umakap sa asawa.
Naging matiwasay ang paglalakbay maliban nalang para kay Vierra.
Nakatapat lang naman sakanya sina Siargao at Calix.
Noong una ay hindi talaga sya naniwala sa sinabi ni Heder lalo na ng ilang minuto na ang nakalipas mula ng pagkasakay nila sa karwaheng panghimpapawid mag isa lamang si Siargao at maging ang kambal ay hindi niya kasama.
Pero ng makaraan ang isang oras ay dumating ang grupo ni Ezekel(Calix) at! At dirediretso itong naglakad palapit kay Siargao at humalik pa sa pisngi nito! Oo humalik ang senyorito sa pisngi ni Siargao bago ito naupo sa tabi niya!
At ngayon ay nakapikit itong nakahilig sa balikat ni Siargao!
Nagayuma ba si Ezekel? Bakit ganto niya pakitunguhan ang isang Zenless? Bakit sya nakipagrelasyon sa isang pangit at mahina na Siargao? Bakit si Siargao?!
Hindi masagot ni Vierra ang mga sariling katanungan at nagpasya na lamang na wag pansinin si Siargao.
Kung ang asawa nga naaagaw, kasintahan pa kaya?!
Masamang napangisi si Vierra at napadako kay Denzel ang kanyang paningin.
Gwapo naman si Denzel pero iba kasi ang kagwapuhan ni Ezekel. Kung hindi dahil kay Siargao hindi naman niya papatusin ang lalaking ito eh.
Dahil sa inis ay ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata at pinag isipang mabuti kung paano mapapalapit kay Senyorito Ezekel. Dahil sa lalim ng pag mumuni muni niya ay nakatulog sya at nang magising na sya ay nakahinto na at nakababa na ang karwahe.
Mataas na ang tirik ng araw ng makarating sila sa bukana ng portal ng treasure ground. Dalawang magkatabing malalaking puno ang nasa harap nila.
Sa gitna ng mga punong ito ay parang tubig pero hindi pa nagliliwanag na portal. Ibig sabihin ay sarado pa ang portal.
Pagkababa sa karwaheng panghimpapawid ay nag grupo grupo muna ang bawat isa at dahil si Elder Myrr ang pinaka mataas na elder na nandon ay sya ang nagpasya kung sino ang mga magiging magkasama sa grupo.
At tulad ng napagplanuhan nila ni Siargao bawat grupo ay may dalawang mandirigma at panday at isang salamangkero. Maliban sa grupo ni Siargao at ni Denzel dahil isang sabit na salamangkera si Vierra kaya anim silang mag aaral sa grupo.
Nang mabuo na ang mga grupo ay isa isang binigyan ng passing talisman ang mga elders na nakatoka sa mga grupo para maging susi sa pagpasok sa portal. Isa lang ang ibig sabihin nito pag wala ang kanilang elder wala ding makakapasok at makakalabas.
Pero para sa oras ng sakuna ay may tag iisang teleportion talismans ang bawat isa. Sa oras na malagay sila sa panganib ay magagamit nila iyon para makalabas ng buhay sa treasure ground.
"Maliwanag ba ang lahat mga mag aaral ng akademya ng Luzon?!" paninigurado ni Elder Myrr.
Sabay sabay na sumang ayon ang lahat bago sila pumila para makapasok sa portal. Hindi naman nagtagal ay nagliwanag ng kulay aaul ang portal at nagsimulang lumabas ang malabong itsura ng gubat sa portal.
Unang pumasok ang grupo ni Elder Myrr at panghuli sina Siargao.
Nang makapasok sila sa portal ay katamtang klima ang sumalubong sakanila.
Magubat pero presko at amoy na amoy ang kalikasan. Amoy ng mga bulaklak na tinatangay ng malamig na simoy ng hangin.
Sinalubong sila ng makukulay na mga paro paro habang nagsilbing musika naman ang tinig ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng mayayabong at matataas na mga puno.
Hindi mapigilan nina Siargao na mapangiti sa nabungaran pero tumatakbo ang oras at wala silang oras para sulitin ang masigabong na pagsalubong ng kalikasan ng treasure ground. Kailangan nilang mag hanap ng pansamantalang pag papahingahan lalo na at tila iba ang oras sa loob ng treasure ground- malapit na mag dapit hapon.
"Dito na muna tayo delikado ang gubat pag wala ng liwanag. Bukas ng umagang umaga ay mag sisimula na tayo sa paghahanap ng mga kayamanan. Kanya kanyang tayo ng kanilang tutuluyan! Bilis! Galaw galaw!"
*****
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...