Madaling araw ng mag gayak ang grupo na unang babalik sa mga palasyo.
Tinahak nila ang daan habang hindi pa tuluyang sumisilip ang araw.
Medyo maliwanag na ang paligid at tama lang para makita ang daanan.
Sa puntong ito hindi na didiretso sa Siargao palace sina Calix o sa mansyon sina Siargao.
Lahat sila ay magkikita kita sa daongan kung saan nag hihintay sina Sierra at Castella.
Pansamantalang nag deklara ng close door cultivation ang Siargao palace kung saan lahat ng opisyal, ministro at royal family ay hindi magpapakita sa publuko at mag lilinang ng kapangyarihan.
Ito lang ang tanging paraan para makasama sina Sierra, Damon, Castella at ang apat na heneral kay Siargao sa isla.
Pero bilang panginigurado nag iwan ng puppets si Kalil sa palasyo na gigisingin lang nila Sierra pag lilisanin na nila ang palasyo.
"Alexis..."
Mula sa kisame ay bumaba ang isang agilang kasing laki ng palad.
Dumapo ito sa balikat ni Siargao.
"Take this to Calix."
Tinuka ni Alexis ang papel na na inabot ni Siargao at umalis.
Pagpasok niya sa bintana ng karwahe nina Calix ay binitawan niya ang sulat sa lamesa at lumipad sa bubong kung saan nandon ang kanyang ina na nasa maliit din na anyo.
Hindi mind message ang pinadala ni Siargao kaya maging sina Damon ay nabasa kung anong naka sulat.
"Maliit na barko?" Basa ni Heder.
"Pero bakit? Marami namang barko ang palasyo na niregalo ng Nimedez palace, hindi natin pwedeng gamitin iyon?" Tanong din ni Ysay.
"Siargao must have his reason." Ani ni Hali.
"Pero magkakasya ba tayong lahat sa isang maliit na barko?" Tanong ni Heter.
Walang imik si Calix dahil tiwala siya sa kahit anong desisyon ni Siargao.
"Don't forget they have a divine level panday. " ani lang ni Damon.
Napaisip sina Heter at ng mapagtanto kung anong kakayahan ni Kalil hindi na sila namoblema pa.
Kaya nga ng panday na iyon na paliparin ang kumot eh, malamang hindi rin basta basta ang sasakyan nilang barko.
Pagkarating sa daongan may maraming malalaking nakadaong na barko.
Dahil sa laki ng mga ito natatabunan na ang isang maliit na barko sa pagitan.
Hindi mahanap ng mata nina Damon sina Sierra o maging sina Siargao pero nakita nila kung nasaan ang maliit na barko.
Maliban sa kanila ay wala ng tao sa daungan. Lahat ay nakasakay na sa mga barko nila.
Nagtungo na sina Calix sa barko.
Nauna ng naglakad sina Siff at Alexis. Sumunod ay si Damon at ang apat na heneral bago si Calix at si Earl.
Pagpasok ni Siff at Alexis hindi na sila napahakbang pa ulit.
Sinalubong sila ng malawak at kumikinang na loob ng barko.
Muling lumabas si Alexis at Siff para kumpirmahin na maliit na barko ang sinakyan nila.
"What's wrong?" Tanong ni Damon.
Hindi sumagot ang dalawa kaya si Damon na ang umalam.
Pagpasok niya ay natigilan din siya.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasiaSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...