"Heter! Kanina pa kita hinahanap! Halika dali tikman mo ito!" Mula sa kusina ay tinakbo ni Kiri ang distansya para makalapit kay Heter.
Isinubo nito ang isang kutsara na may lamang karne.
"Ano to?"
"Bagong turo sa akin ng tagapagluto. Tikman mo dali!"
Binuka ni Heter ang bibig at sinubo ang kutsara.
Sa bibig niya ay kumalat ang lasa ng maalat at medyo maanghang na lasa ng karne.
Masarap.
"Hmm. Masarap." Puri niya.
"Talaga?! Oh ito sayo na to!" Nagniningning na matang ibinigay ni Kiri ang mangkok kay Heter.
Ngumiti lng si Heter at nagpasalamat.
Sanay na sya sa ganitong asta ni Kiri. Halos araw araw ay may bago itong putahe na ipatitikim kay Heter. Pag masarap ibibigay niya ang putahe kay Heter pero pag nakita niyang napangiwi si Heter ay agad niya itong babawiin.
Pero nitong mga nakaraan puro masasarap na talaga ang luto ni Kiri.
"Anong ginagawa niyo?" Biglang sumulpot si Heder na kinagulat ni Kiri at kinatigil ni Heter na kumakain.
"Ayy wala nagluto lang ako ng bagong putahe pinatikim ko kay Heter." Sagot ni Kiti na namumula sa hiya.
"Oh? Patikim?!" Akmang hahablutin ni Heder ang mangkok pero tinaas iyon ni Heter sa hindi maaabot ni Heder.
Sumilay ang ngiti sa mapupulang labi ni Kiri. Parang nawala ang pagod at sakit ng mga daliri niya dahil sa pagluluto sa reaksyon ni Heter.
"Magpaluto ka ng sayo." Ani nito bago tumalikod at nagtungo sa kung saan.
"DAMOT!"
"Hayaan mo na ipagluluto nalang kita." Pag ayo ni Kiri kay Heder.
"Hahahaha, sige sige. Tulungan na kita."
Hindi ito tinanggihan ni Kiri. Sabay silang pumasok sa kusina.
"Anong gagawin ko? Wag kang mahiyang mag utos. Ako lang ito ang magiging hipag mo."
"Oh sya hipag pakihugasan ng mga gulay na ito at patad tad na rin!"
"Maliit na bagay!"
Seryosong kinuha ni Heder ang mga gulay at nagdiretso sa lababo.
Si Kiri naman ay naglabas ng karne at nilapag sa tadtaran.
Pinatag niya iyon sa tadtaran bago ginayat ng maliliit.
Nang matapos na si Heder ay lumapit na sya kay kiri para magtanong sana kung pano magtadtad ng makita niya na nahiwa ni Kiri ang sariling hintuturo.
"Oy! Anong nangyare! Ala ka nagdudugo!"
"Hahaha wag kang praning. Normal lang to."
Hindi na nakaimik si Heder ng ilagay ni Kiri ang daliri sa tubig.
Kitang kita niya ng palad ni Kiri.
Noon ay napakakinis at lambot noon pero ngayon, dahil sa pagtambay niya sa kusina puro kalyo na iyon ng sugat. Ang isa sa kuko niya ay nangingitim din sa wari ay napokpok ng isang bagay.
Nalunok ni Heder ang boses niya at natitig nalang kay kiri.
Bakit? Bakit hindi kayang lingunin ng kakambal niya ang babaeng ito?
Maganda, mayaman, prinsesa pa nga eh! Masipag, matiyaga at mapursige.
Kinaya pa nga nitong umalis sa kanilang kontinente para sundan ang kakambal niya at maghirap sa mga bagay na hindi naman niya kailangang pagdaanan para lang mapansin ng kakambal niya.
Hindi niya matukoy kung sinong bulag, si Kiri ba o ang kakambal niya.
Kung sya lang sana si Heter hindi niya papakawalan ang tulad ni Kiri. Kaso hindi sila talo eh.
Gwapo din kasi ang hanap ni Heder.
Naging matiwasay ang pagluluto ng dalawa. Minsan ay nahihiwa din si Heder pero maliliit lang.
Matapos ang pagluluto nila ay sabay ding kumain ang dalawa.
"Kiri bakit napaka matiyaga mo kay heter?" Tanong bigla ni Heder na nagpatigil kay Kiri.
Ngumiti si kiri at uminom ng tubig bago hinarap si Heder.
" Hayy... Ewan ko din. Basta mahal ko sya eh. Alam kong may pagdududa sa akin ang kakambal mo. Iniisip na baka panakip butas ko lang sya. Pero sa totoo lang hindi heder. Mahal ko ang kambal mo. Noong una akala ko lang din crush lang or infatuation kasi sya lang iyong natatanging lalaki na hindi ako napansin kahit na maganda ako, mayaman o kahit na prinsesa ako. Pero noong pinayagan niya kong pumasok sa buhay niya napagtanto ko na mahal ko na pala sya. Wala iyon sa tagal ng panahong magkakilala kami, kasi ako iyong tipo ng tao na kahit ano man o sino man ang taong pinili kong mahalin tatanggapin ko lahat. Handa akong mag adjust para sa kanila. Kasi kung hindi ako pabibigay pano mag wowork yong relationship namin? Pano ako sasagutin ng kakambal mo?"
Napainom din ng tubig si heder.
"Pero parang nagiging kawawa ka kung ganun. Masaya ka ba sa ginagawa mo?"
"Oo, masaya ako pag ngumingiti si Heter tapos ako yong nasa tabi niya. Masaya ako kahit alam kong ako lang naman iyong nagmamahal."
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo tanong ni Heder.
"Heder, alam kong ang tingin niyo sa akin ay desperada. Alam ko rin na wala naman talagang nararamdaman sa akin si Heter. Marahil ay nakulitan lang sya kaya sya pumayag sa akin. Noong una sinubukan niyang sakayan ang mga paglalambing ko pero kalaunan ay hindi na niya magawa. Kaya ako nalang ang dumistansya at pumasok sa kusina para matutong magluto. Iyon ay dahil wala naman talaga siyang nararamdaman sa akin. Pero sumusugal parin ako. Nagbabakasakali na balang araw matutunan niya rin akong mahalin. Iyong hindi na sya sasakay sa agos ng ginagawa ko. Iyong bawat ipakita niya ay totoo na hindi pilit para hindi ako makonsensya. Ang kinakatakot ko lang baka pag dumating na iyong araw na iyon huli na."
"Kiri..."
"Pero pipilitin kong wag sumuko hanggang makamit ko ang araw na mapapalingon din sa akin si Heter."
Hindi na alam ni Heder ang sasabihin. Tumayo na lamang siya at niyakap ang dalaga.
Ang tanga ng kakambal niya, isang tulad ni Kiri ang masasayang kung nagkataon.
****
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...