"Yo! Huli na ako? Nagsimula na ba ang kompetisyon ng apo ko? Asan ang apo ko? Apo?!"
Lumingon lingon ito at ng mamataan si Siargao na nakaupo sa entablado ay gumamit ito ng spell at lumipad papunta doon.
Natulala ang lahat ng elder, headmasters at maging ang owner dahil sa biglaang pagdating ni elder Myrr. Wag kayong papadala sa binatang itsura niyan dahil ilang daang taong gulang na iyan.
At APO?! Kelan pa nagkaapo ang hermitanyong si elder Myrr?!
"Apo! Antagal mo akong hindi binisita! Walangya ka talagang bata ka! Kung hindi ko pa narinig ang boses ng huklubang owner hindi ko pa malalaman na kompetisyon ngayon! At kung hindi pa ako personal na pupunta dito hindi ko pa malalaman na ang nag - iisang apo ko ay lalaban sa kompetisyon! "sermon nito habang nakapamewang at naka tungo kay Siargao.
Owner na ilang daang taong gulang na mas bata kay elder Myrr:"... "
" Lo" banggit ni Siargao ng maalala kung sino ang 'binata' sa harap niya.
Hindi niya ito nakilala dahil wala na ang mahahabang balbas, buhok at kilay nito. Bagkus batang batang mukha pero nanatiling puti parin ang buhok nito, na parang natural lang at puting kilay at pilikmata na bumagay sa maputi nitong kutis.
"Elder Myrr, hindi ko inaasahan na may apo ka na-"
"Bakit akala mo ikaw lang pwedeng tumira at magkaanak? Sino ako? Ako lang naman ang dakilang Myrr! Anong laban mo sa akin?!"
Mayabang na asik nito sa owner na natameme. Hindi lang sya, walang tao ang kayang kumausap ng matino dito.
"Lo, ginagambala mo ang kompetisyon. Maupo ka na lamang." ani ni Siargao na kinagulat maging ng owner.
Kahit ang dating owner ay hindi mauutusan si elder Myrr dahil makakatanggap ito ng batok at maanghang na inuutusan mo ba ako?! Mas magaling ka pa sakin? Layas!
Inaasahan ng mga elders at ng owner na bubulyawan ni Elder Myrr ang binata pero imbes na sumigaw ay tumawa lamang si Elder Myrr.
"Manang mana ka talaga kay Hulo. Ala sige hindi ko na gagambalain ang mahal kong apo, makapasa ka man o hindi ako ang nagiging master mo. Ang sinumang mang angkin sayo makikipag harap muna sa akin. Ano pang tinutunganga nyo mga tanders ituloy ang kompetisyon wag niyong pag hintayin ang gwapo kong apo!"
Napatingin ang lahat kay Siargao na may balabal sa ulo na tinatakpan ang buo nitong ulo, ang makapal niyang kilay at labi, ang pango nitong ilong at ang maitim nitong balat. Napangiwi nalang sila at hindi na hinap pa ang parte ng gwapo kay Siargao na tinutukoy ni elder Myrr. Marahil ay mahina na ang mata ni elder Myrr dulot ng katandaan.
Pinaglabas ng upuan si Elder Myrr na naupo sa baba ng owner. Pagdating sa posisiyon ay sunod sa posisyon ng owner si Elder Myrr.
Pero ang otoridad nito ay mas mataas kaysa sa kasulukuyang owner. Ito ay dahil siya ang katuwang ng dating owner na nagtayo ng akademya.
"Apo ko galingan mo! Manonood si lolo mula dito sabihin mo lang kung pagod ka na sasabihin ko sa owner itigil ang kompetisyon at ipagpabukas!" sigaw ni elder Myrr na kinahagikhik ng mga manonood.
"Tito Myrr bawal po iyon-"
"Anong bawal? Kelan pa nilagay sa batas na bawal ipagpabukas ang kompetisyon?! Sinong nag bawal ikaw ba?!" turo ni Elder Myrr sa isang elder na mabilis na umiling.
"Saka sinong tito mo?! Wala kang tito dito ading ako. Hindi, ang pangit mo para maging kuya ko. Tawagin mo nalang akong Myrr hindi naman nagkakalayo ang edad natin!" angil niya sa owner na hindi na makaimik sa kahihiyan.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasiSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...