73

512 54 2
                                    

"Anong ibig mong sabihin hahaha? Ano to open furom-"

"Hindi kita aksidenteng nakita Ravenna, alam kong hindi aksidente ang lahat. Hinihintay lang kitang unamin matagal na. Ayaw kitang pangunahan. Pero kotang kota na ako sa mga kasinungalingan. Pag isahing bagsak niyo nalang."

"Siargao-" malungkot na tawag ni Ravenna pero hindi sya binalingan nito. Sa halip ay tumungga lang ito at tumingala habang umaagos ang luha sa mga mata niya patungo sa pisngi niya namumula sa sinag ng buwan.

"Totoong hinahabol ako noon bago tayo magkita pero ang humahabol sa akin ay ang tauhan ng mismong master ko. Ang tatay mo. Ako ang nagtakas sa nanay mo mula sa kanya. Pero bago iyon. Nagsimula lahat ng itakas namin ang nanay mo mula dito. Mahal na mahal ng aking master si princess Sierra, ang iyong ina, pero tutol ang buong magkabilang angkan nila sa relasyon nila. Lalo na ang tatay ng master ko, ang lolo mo. Paboritong anak ang tatay mo pero matigas ang ulo niya. Handa syang gawin ang lahat para sa inyong mag ina. Ganun din ang iyong ina. Hanggang sa nalason ang tatay mo. At ang tanging gamot ay ang sacred blood ng nanay mo. Hindi pumayag ang tatay mo sa paraang ito dahil mawawala ang pagiging holy lady ng mom mo at buntis palang sya noon para sayo, delikado para sa inyong dalawa na sumailalim sa isang ritual. Prro matigas ang ulo ng mama mo, palihim niyang ginawa ang ritual at kinuha ang sarili niyang sacred blood. Muntik ng makunan ang mom mo noon. Kung hindi ko sya nakita. Pero nagmakaawa si Sierra noon, na ipainom ko muna sa tatay mo ang sacred blood. Ginawa ko. Nalaman iyon ng tatay mo pagkagising niya at grabe inabot ko noon" natawa si Ravenna ng maalala kung gaano karaming sugat ang inaabot niya sa tatay  ni Siargao.

Napakuyom si Siargao pero walang pinagbago ang emosyong nasa mukha nito.

"Tapos ayon ipinanganak ka, kaso sa araw ng kapanganakan mo nalason din ang Hari. Wala ng holy lady ang Phoenix huli na ang mom mo noong panahon na iyon. Hindi alam ng lahat kung saan hahagilap ng holy lady. At sayo napunta ang atensyon ng lahat. Isa kang anak ng holy lady at may tsansa na isa ka ring holy master. Kapapanganak palang sayo noon ni Sierra pero pinilit nilang dalawa ng tatay mo na makatakas. Ang laking gulo ang nangyare sa demon realm. Kung saan saan kayo napad pad para mag tago hanggang sa nakarating kayo sa luzon. O
Pero nahanap parin kayo kaya nasundan kayo ng half sister ng master ko si Hada. Para iligtas ka pinauna na kayo ng master ko at nakipaglaban kami kay Hada pero sinong mag aakala na gumamit ng daya noon si Hada? Gumamit sya ng polbos na kina himatay ng tatay mo at hinabol kayo. Doon ka iniwan ng iyong ina sa mga Balaraw."

Tumingala din Si Ravenna at muling binalikan ang nakaraan. Siya ang saksi sa pagmamahalan ng mga magulang ni Siargao at ang saksi sa trahedyang sinapit ng pamilya.

Ilang segundo syang natahimik at nakatitig sa malaking bilog na buwan bago tinuloy ang kwento.

"Nagsama ang nanay at tatay mo noon habang tumatakas hanggang sa, hanggang sa lumabas na ang epekto ng ginawang ritwal ni Sierra. Gabi gabi ay nagtatago sya at nagsusuka ng dugo, gabi gabi din ay nanlalagas ang mga balahibo ng animal form niya. At inamin niya sa akin na ang tunay na magiging epekto ng kanyang ginawang ritwal ay kamatayan. Oo Siargao, iyon kahahantungan ng nanay mo, masakit at matagal na paghihirap hanggang sa mawalan na sya ng hininga."

Walang imik si Siargao, sa emosyong nakalatay sa mukha niya ay hindi malaman kung anong tumatakbo sa isipan niya. Si Kalil ay matamang nakikinig habang si Atsui ay tulog na.

"Tinanong ko sya kung may paraan para pigilan to, ang sabi niya. Meron. Pero hindi sigurado. Iyon ay ang hanapin ang destined familiar niya. Para makipag kontrata dito at ang buhay ng familiar at ang buhay niya ay magiging isa. Hindi ko alam ang ibang detalye basta ang sabi niya sa familiar sasalalay ang buhay niya. Noong gabi ding iyon nag makaawa sya sa akin na itakas ko sya. Pag nalaman ng tatay mo ang sitwasyon ng nanay mo. Gagawin niya ang lahat para makakuha ng familiar pero ikakapahamak niya lang iyon, alam mo ang kahihinatnan ng mga hindi royal beast na mang aangkin ng isang familiar. Lalo na at hinahanap sila ng dalwang panig ng pamilya nila mas makakabuti kung tumakas nalang sya. Tinulungan ko sya noon hanggang mahanap niya si Lady Earl ang prinsesa ng isang tribo ng mga familiar. Ako din ang huling tao na nakita ng iyong ina bago siya tuluyang hindi makita kahit saang panig ng kontinente.

Nalaman ng tatay mo at tinanong niya ako kung bakit  pero hindi ko sinabi ko ang dahilan. Sobrang galit na galit ang tatay mo noon at binura ang kontrata namin bago ako kinulong pero may huling habilin pa sa akin si Sierra hindi ako maaaring manatili sa kulungan. Ang puntahan ka at maging weapon mo."

Natawa si Ravenna pero muling nagpatuloy ulit.

"Nakatakas ako pero hindi ko alam kung saan ka pupuntahan. Naghabilin noon ang nanay mo pero hindi sinabi kung nasaan ka. Hindi ko qlam noon na sa mga Balaraw ka naiwan.  Nilibot ko ang buong Ma-i pero hindi kita nakita. Hanggang sa, hanggang sa maalala ko kung saan kami huling nakipaglaban kay Hada. Sa luzon. Saktong pagdating ko ay hinabol naman ako ng mga tauhan ng tatay mo. Wala akong amo noon at ilang taon ng walang gumagamit sa weapon form ko kaya mahinang mahina na ako noon. At yon napalaban ako at nakatakas . Tumalsik ako sa baba ng akademyang luzon at nakita kita.

Unang kita ko palang sa balabal mo nakilala na kita at yon na nga."

"Salamat" biglang sabi ni Siargao. Ngumiti sya kina Kalil at Ravenna ng malungkot bago tumungga ulit.

"Siargao, hindi ko sinasadyang magtago sayo-"

"Hindi naman sa ayaw kong sabihin ang totoo-"

"Gusto ko munang mapag isa" putol ni Siargao bago pwersahang binuksan ang dimensyon at pinapasok sina Kalil, Ravenna at Atsui.

Todo inom lang si Siargao at naka apat na bote na sya at pang lima na ang hawak niya.

"Kung gusto mong uminom meron pa ako dito" biglang sabi ni Siargao.

Mula sa nag iisang rebulto na hindi piniks ay may gintong liwanag ang lumipad patungo sa tabi ni Siargao.

"Pasensya na nakinig ako. Hindi sinasadya."

"Sino ka?"

"Leo, Leo ang pangalan ko."

"Ano ka?"

"Dating deity?"

"Ngayon?"

"Hehehe isang gwapo na taga hanap ng mapapangasawa ng mga apo ko?"

"Ahh bakit ka nagtatago sa rebulto ng beast god?"

Napakunot noo si Leo at tinignan ang pinagmulan niyang rebulto.

"Yan?" Turo niya doon.

"Tsk tsk tsk, hindi yan beast god . Kung ano ano talaga tinuro ng walangyang mangkukulam na iyon."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Medyo tipsy na tanong ni siargao.

"Lasing ka na ih! pero  sasabihin ko parin hahahah. Ang beast god ay walang anyo tulad ng ibang gods ang bagay na iyan kahawig lang iyan ng mga deities na tulad ko. Pero hindi ko sinasabi na kamukha ko yan ang pangit niyan eh."

"Bakit ka nandito sa Ma-i?"

"Naghahanap ng pwedeng i uwe at maging asawa ng apo ko."

"Ewan ko sayo ang gulo mo aalis na ako. Oh huling alak ko nalang ito-"

"Hihintayin kitang magkaanak! May purong Phoenix ka kaya ang magiging supling mo ay makapangyarihan. Wag kang mag alala ang apo ko ay hindi parin naisisilang!"

"Sira ulo!" Anas ni Siargao dito at umalis na. Hindi niya alam kung sinong lasing eh, sya ba o ang Leo na to.

***

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon