60- First Arc Finale

726 59 16
                                    

SPG ALERT!

Walang ulap ang kalangitan at tahimik ang dagat.

Ito na ang pangalawang gabi nina Siargao na nag lalayag at wala silang naging problema sa tatlong araw at dalawang gabi nila sa laot.

Ngayon nakatayo si Siargao sa balkonahe at pinapanood ang mga bituin sa langit. Walang buwan ngayon.

Humangin ng malakas at nadala ang lila at pulang buhok ni Siargao.

Napangiti sya ng maramdaman ang mga bisig na pumalibot sa bewang niya.

"Malamig dito. Anong ginagawa ng aking mahal dito?"

"Ayos lang. Nag iisip lang ako."

"Anong iniisip mo?"

Humarap si Siargao kay Calix pero hindi kumalas ang mga bisig ng huli pinaluwagan lang niya para makagalaw si Siargao.

"Paano magtayo ng Kaharian? Sabi mo magtatayo ka ng kaharian kung saan tayong dalawa ang raja?"

Natahimik si Calix at pinatalikod si Siargao bago yumakap sa likod nito ng mahigpit.

Pinanood nila ang bituin sa langit ng magkayakap.

"Hindi ko rin alam pero, gagawin ko basta ikaw ang magiging katuwang ko."

"Hayssst! Magiging abala tayo sa pangangalap ng mga taong pamumunuan natin! Nag usap kami nina ate at kuya. Nabanggit ko iyon ayon sakanila handa silang tumulong."

"Oh? Okay"

"okay?"

"Okay, ayos ang ibig sabihin noon. Wag kang mag alala sa buong pag lalakbay tuturuan kita ng salita ng taga hilaga para hindi ka nanghuhula sa mga sinasabi ko."

"Okay!"

Napatawa ng mahina ang dalawa. Humigpit ang yakap ni Calix sa bewang ni Siargao.

"Ano nga palang napag usapan niyo ng kambal? Nalimutan kong itanong."

"Ah? Wala. Tanggap daw nila maging kung ano ang katauhan ko. Pero hindi parin sila makapaniwalang isa akong prinsepe. Maging ako naman ay hindi pa makapaniwala."

"Hindi ka lang basta basta prinsepe. Magiging hari ka ng palasyo nating dalawa."

Napangiti si Siargao at isinandal ang ulo sa dibdib ni Calix.

"Calix."

"Hmn?"

"Mag mate na tayo."

"..."

Tumayo ng ayos si Siargao bigla syang nahiya sa sinabi at lalo syang nahiya ng hindi umimik si Calix nahihiya naman syang yakapin ito dahil narin sa para syang hinog na kamatis sa pula.

"Ayaw mo ba? Sa beast clan nauuna ang mating bago ang kasalan hindi ba? Kung saan mamarkahan ng lalaki o babae ang kanyang mate para hindi ito maagaw ng iba." kinakabahang sabi ni Siargao ayon ito sa mga nabasa niya noon sa akademya.

Hindi parin sumasagot si Calix na ikinadismaya ni Siargao.

"Sige kalimutan mo na nga."

Balak sanang umalis ni Siargao sa yakap ni Calix dahil sa kahihiyan pero humigpit ang yakap ni Calix pero hindi naman sya nasasaktan hindi lang sya makaalis sa yakap ng kasintahan.

"Natatakot ka ba?" tanong bigla ni Siargao na pinagtaka ni Calix.

"ah?"

Humarap muli si Siargao kay Calix saka hinaplos ang pisngi nito.




✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon