7

801 79 4
                                    

Nang makabalik sa kubo lahat ng miyembro ng pamilya ng Balaraw ay inihatid sila ng isang alipin sa isang mansyon na inilaan ng akademya sa pamilya nila.

Mula ng salubungin at ngitian sya ng lalaki kanina ay parang nawalan ng kaluluwa si Siargao tulala ito at kung hindi kukulbitin ay hindi babalik sa reyalidad.

Kanina pa nag aalala ang kambal pero kahit anong tanong nila tanging ayos lang ako ang sagot ng binata.

Sa kasalukuyan ay nasa hapag kainan ang buong pamilya at kumakain ng hapunan. Masayang nag kukuwentuhan ang mga kapatid, pinsan at mga magulang ni Siargao pero nakatitig lamang si Siargao sa karne na nasa plato nya. Naalala niya ang tuyo at kulubot na katawan sa kakahuyan at hindi nya mapigilang mangilabot.

"Siargao ayos ka lang ba talaga?"

Tanong ng nag aalalang si Heder pero parang walang narinig si Siargao dahil nakatitig parin ito sa karne na nasa plato niya habang namumutla at pinagpapawisan.

Maging ang masayang nagkukuwentuhan na mga kabataan at magulang ay naagaw ang pansin at napalingon kay Siargao.

"Baka naman kinakabahan na sya sa Survival bukas? Hahaha" kutsya ni Ariah na tinawanan ni Kanos.

"Kabahan ka talaga, isang zenless susubok sa survival? Ano ka si Apo Pilo?" segunda ni Kay na sinang ayunan ni akhil ng ismid.

"Nasa Harap tayo ng pag kain, Umalis ka na kung hindi ka gutom hindi iyong tinititigan mo yang pagkain mo kahit anong gawin mo patay na yan-"

*creeeeek

Biglang bumalik sa reyalidad ai Siargao ng marinig ang katagang patay. Nanginginig na tumayo ito na kinatumba ng upuan niya bago tumakbo papunta sa kwarto niya.

"??? "

Nagtatakang sinundan ng tingin ng lahat si Siargao pero hindi na sila nag abala pa at bumalik sa pagkain at pagkukuwentuhan maliban sa kambal na parehas nag aalala.

Sa kwarto, nakasandal ang likod ni Siargao sa pinto habang tuloy ang pag papawis nito ng malamig.

Iyong lalaking humarang sakin kanina, patay na yon! Ibig sabihin ang humarang sakin ay hindi ang lalaking nakabangga ko. Ang humarang sakin ang ang halimaw na pumatay sa lalaking nakabunggo ko noon! Ahhh hindi ko maintindihan!

Parang baliw na napatakip sa sariling tenga si Siargao at napatungo.

*bang

Napamulat si Siargao pero hindi nya tinaas ang nakatungong ulo.

Isa, dalawa, tatlo at apat na hakbang ang narinig nya kasabay ng tambol ng puso niya.

Nagingig si ravena sa tagiliran niya pero hindi niya magawang hawakan yun dahil nakaramdam sya ng panglulupig. Parang inaapakan sya na nagbibigay pakiramdam na gusto niyang lumuhod.

Bago pa sya tuluyang mapaluhod ay may matikas na brasong pumulupot sa bewang nya at sinandal sya sa likod ng pinto.

Gulat na naibaba nya ang kamay
niya sa tagiliran niya at nahagip ang balabal nya.

Parehas na natigilan ang dalawa ng magbagong anyo si Siargao.

Unang nakarecover si Siargao at ginamit niya iyong pagkakaraon upang hugutin sa baina si ravena at iwasiwas sa estranghero pero mabilis na iniwasan ng estranghero.

"Kala ko ba bulag ka?"

Nag uuyam na tanong ng baritonong boses ng binata habang walang emosyon ang mukha nito.

"Si-sino ka?!"

"Ezekiel Aklan, ang nag iisang tagapagmana ng maharlikang angkan ng mga aklan at ang susunod na master ng Akademya ng luzon-"

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon