Naging mapayapa ang paglalakbay ng grupo bawat isa ay mas naging malapit sa bawat isa lalo na ang apat na binibini-si Ysay, Via, Heder at Kiri.
Habang ang mga kalalakihan naman kasama si Hali ay panay ang pagsasanay o di naman ang pagkukuwentuhan tungkol sa mga labanan. Tanging si Siargao lang ang walang pinagkakaabalahan maliban sa pagkain o minsan ay nagluluto ng gayuma. Si Siff at Alexis kasi ay masyadong abala sa pag sasanay at maging sa pagtulog ay kay Siff na ito sumasama.
Pagkatapos mag luto ni Siargao ng energy recovering potion ay naisipan niyang pumunta muna sa dimensyon para kumustahin ang mga kaibigan niya doon. Matagal nadin mula ng huli syang bisitahin ni Ravenna kahit sa isip lang.
Abala ang mga ito sa pagtatanim.
Balak nyang tignan kung may pinagbago ba ang dimensyon.
Tamang pagpasok niya sa dimensyon niya ay nagbukas ang pinto.
Sumilip si Kiri pero nagtaka sya ng walang tao. Pumasok pa sya sa loob ag tinawag ng ilang beses si Siargao pero wala talaga.
Napakamot sya sa pisngi at akmang lalabas na ng saktong pumasok din si Heter na may sasabihin sana kay Siargao.
"..."
"..."
Nanatiling magkatinginan ang dalawa at pilit tinatago ang ilang sa isat isa. Sa totoo lang nahihiya na talaga si Kiri nakailang papansin na sya kay Heter pero parang wala itong nakikita. Para bang isa lamang syang hangin sa binata. Lakasan man niya ang pagpaparamdam, balewala lang nakamakapal na damit kasi ata.
"Heter... Ano... Ahm hinahanap mo ba si Siargao? Ahm wala sya."
"hinahanap mo din sya? Anong kailangan mo?"
"Wala nasabihan lang ako ni Zeke na tanungin si Siargao kung anong gusto niya daw na ulam para sa hapunan. Ikaw?"
"Wala may itatanong lang sana ako."
Muling natahimik ang dalawa kaya namula si Kiri dahil tahimik na nga tapos nakatingin pa sakanya si Heter.
"!!"
Walang imik na tumalikod si Heter at binuksan ang pinto, aalis na sya. Hindi man halata pero ilang na ilang sya!
" Teka lang Heter! "
Hinabol sya ni Kiri ng mapagtanto na talagang aalis na ito. Gagamitin niya na ang pagkakataong ito para makausap ang binata.
Nang maabutan niya si Heter ay nakatalikod ito sakanya.
"Ano... Pwede ba tayong mag usap may sasabihin lang ako."
"Sumunod ka sakin."
Nakatungong sinundan ni Kiri si Heter at tanging sa mga paa ng binata sya nakatingin. Sinusundan niya ang mga tinatapakan ng binata kaya ng tumigil bigla si Heter ay doon niya lang namalayang nasa beranda sila.
"Anong sasabihin mo?"
"Heter, alam ko hindi ka maniniwala kahit ilang beses kong sabihin na gusto kita. Hindi kapani paniwala oo kasi hindi kita lubusan pang kilala at gayon ka din sa akin. Pero ano... Uhm hindi kita pipiliting maniwala, pero. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong maipakita sayo na hindi kita pinangtatakip butas sa past ko. Hayaan mong gustuhin kita. "
Nanatiling nakatalikod si Heter at walang imik.
Kanina pa kinakabahan si Kiri pero eto na yon wala ng atrasan. Nasimulan na niya eh! Kung ano man ang resulta ngayon, may bukas pa at kinabukasan! Marami pang araw! Hindi siya susuko basta basta!
Lahat ng sinasabi niya ngayon ay totoo walang halong biro o ano man. Totoong gusto niya si Heter, love at first sight kung ika nga. Hindi kapani paniwala pero iyon ang sinasabi ng puso niya.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...