4

874 84 3
                                    

"Ayos lang sana ikaw din."

"Ayos na ayos lalo na at mawawalan na ng bisa ang kasunduan. "

"Denzel wag kang bastos. Siargao pasensya na"

Kung masaya ka mas masaya ako. Kala mo gwapo ka? Kuko lang kita pweh! Lihim na pang iinsulto ni Siargao.

"Wala po iyon. Ano pong kailangan kong gawin?"

Iniabot ni headmaster ang isang papel. Sa ibaba noon ay may marka na ng dugo sa itaas ng pangalan ni Denzel.

"Pirma lang iho. Bilang , bayad sa abala  napagdesisyunan kong bigyan ka ng imbitasyon sa selection day sa susunod na buwan. Pag nakapasa ka sa survival test ng Akademya ay malaya kang mamili kung saang pangkat mo gustong sumali."

Agad nanlaki ang mata ni Siargao sa sinabi ng headmaster. Walang alinlangan na kinagat nya ang hinlalaki niya ng makita ang dugo mula rito ay agad niya iyong inimprinta sa taas ng pangalan niya. Hindi na niya kailangang basahin ang kasulatan basta mapasawalang bahala ang kasunduan sya na ang pinakamasaya. Isa pa makakasali na siya sa selection!

Ang imbetasyon ay parang access card hindi na niya kailangang dumaan sa proseso, deretso na sya sa survival test. Kaya naman lubos ang saya ni Siargao ng marinig ang tinuran ng headmaster.

"Ayos lang ba ito? walang zen ang batang ito, aksaya lamang ."

Mabilis na nilingon ni Siargao ang ina.

Hanggang dito ba naman? Lagi nalang. Lagi nalang pag may opurtunidad na maibibigay kay Siargao sya ang unang tututol!

"Tinatanggap ko po headmaster. Maraming salamat po."

"Siargao, sayang pag hindi ka nakapasok. Bakit hindi si Akhil na lamang mas may potensyal ang kuya mo-"

"Carmen!"

Agad napatahimik ang ginang ng sigawan ng Apo. Namula ito sa hiya pero nanahimik nalang habang binibigyan ng masamang tingin ang anak.

Tsk! Edi lumabas din ang totoo. Gusto lang isingit ang paboritong anak hindi pa deretsuhin, sabi ni Siargao sa isipan bago iniwas ang tingin mula sa ina.

"Ama, kung tutuusin tama si Tita Carmen mas maigi kung-"

"Denzel manahimik ka labas ka sa usapan. Pasensya na Siargao. Ginang Carmen pasensya pero ayon sa usapan namin ng Ginoong Hulo noon. Pag umabot sa punto na hindi matuloy ang kasunduan, bibigyan ko ng opurtunidad si Gat Siargao makapasa man sya o hindi ay nasa sakanya."

Saglit na dumaan ang kalungkutan sa mata ni Siargao, alam ng lolo niya na dadating sa punto na to kaya gumawa parin sya ng oportunidad para sakanya.

Lolo, salamat.

"Pasensya rin sa inasal ng aking asawa, nagpapasalamat ako kumpadre. Uuna na kami malayo pa ang biyahe, magkikita tayong muli sa selection."

Tinanguan naman ng headmaster ang Apo bago ihatid palabas.

Nang akmang sasakay na ulit sila sa pegasus ay kinilabutan agad si Siargao kaya mas pinili niyang maglakad na lamang. Kung tutuusin ay may daan naman pababa ng bundok kaso inaabot iyon ng dalawang oras.

Pero tulad ng sinabi niya kanina mas gugustuhin nyang maglakad nalang.

Sinabihan niya ang kanyang ama na wag na syang hintayin at iwan na lang ang isang kalesa. Hindi naman nagtanong pa ang Apo at pumayag nalang.

Inihatid sya ni Ethan patungo sa daanan at sinabihang basta sundan lang ang daan deretso na iyon pababa.

Tulad ng sinabi ni Ethan ay deretso lang iyon walang ibang likuan at malinis ang daanan.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon