Nagtuloy tuloy ang pagkain ng lahat pero nawalan na ng gana si Heter at parang guwardiya na nakabantay kay Siargao. Maging ang pagpunta sa palikuran ay hindi nito pinalampas. Pag tumitingin naman si Ezekel sa banda ni Siargao ay humaharang ang walang emosyong mukha nito habang nakataas ang isang kilay na kinaiinis ni Ezekel.
"Heter, tumigil ka na parang napakaguwapo ni Siargao jan sa ginagawa mo." hindi na napigilan ni Ariah na punahin ito dahil agaw pansin ang pag ala guwardiya nito.
Tinapunan sya ng tingin ni Heter pero hindi nito sinagot ang dalaga na lalong kinainis ni Ariah.
Hindi nagtagal ay nag simula na ang seremonya ng pagtanggap, lahat ng kabataang pumasa ay pina linya bago sinuotan ng bulaklak na kwintas isa isa ng raja na kasama ang master ng akademya at ang hara.
Matapos ay nagkaroon ng kaonting palabas ang ilang katutubo na sumayaw at kumanta.
Pagpatak ng alas diez ng gabi ay nag simula na ang duel night unang sumabak ang mga Panday.
Nagliliwanag ang paligid sa dami ng nasindihang mga sulo sa paligid.
Binigyan sila ng isang oras upang gumawa ng isang item gamit ang kahoy. Sa 38 na nagpakitang gilas tatlo ang nag tie dahil parehas na carver's peak level wood item ang ginawa nila.
Sinuri ang grade ng mga item at ang lalaking may pangalang Deos ang nanalo, isang mid grade na carver's peak level wooden hair pin ang ginawa niya.
Sumunod ang mga mandirigma. Hindi problema ang oras sa mga mandirigma dahil matira matibay.
Sa iisang entablado nag harap harap ang 57 na manlalahok. Hindi na nag taka ang lahat ng miyembro ng angkan ng Balaraw ng hindi sumali si Siargao, ayon kay headmaster Kiro anoman ang piliin ni Siargao hindi na niya kailangang sumalang pa sa duel night kaya tinapunan nila ng nanguuyam na tingin ang binata na ngumiti lang.
Nag simula ang labanan at ang pinaka agaw pansin ay ang galing sa angkan ng Aklan. Ang angkan ni Ezekel. Mapababae o lalaki ay may hawak na espada at bawat galaw nila ay halos magkakaparehas. Sunusunod ang pamilya ng Balaraw. Ang magkambal na sina Heter at Heder ay parang dalawang diwata ng labanan protektado nila ang likod ng isa't isa maging ang dalawang miyembro ng Aklan ay walang binat bat sa kambal.
Nag tuloy tuloy ang laban hanggang sa dalawang miyembro ng Lanao, 5 na Aklan, 5 na Balaraw dahil natalo ng isang dalaga si Kanos, at 10 na mula pa sa iba't ibang pamilya ang natira.
Gusto mang harapin ni Heder si Ariah para gantihan ito sa pagtulak kay Siargao ay hindi nito magawa masyado pa silang maraming kalaban.
Nagtitigan ang lahat at sa isang kisap mata ay nagsuguran. Hanggang sa isang taga Aklan, Si Akhil, ang kambal at isang hindi pamilyar na lalaki nalang ang natira.
Nagtinginan ang kambal bago ngumiti si Heder at tumango.
Sa isang hagipos ng espada ni Heder ay gumamit sya ng wind technique kung saan hinagipos niya ang entablado at nadala ang mga kalaban nila maging si Akhil sa gilid ng entablado.
Walang patumpik tumpik na sinipa ni Heder ang isang binata at sinugod ng suntok ang taga aklan hanggang sa mahulog sa entablado ang mga ito pero sa kasamaaang palad nahagip ng taga aklan ang pulso ni Heder at sabay silang nalaglag.
Natira sa entablado ang dalawang taga Balaraw. Kung noon ay laging pangatlo lamang ang pamilya ng balaraw, sa taong ito sila na ang nangunguna! Dalawang Balaraw ang natitirang maglalaban sa entablado!
Hindi napigilan ng ama at ina ng pamilya ng balaraw ang ngiti sa nga labi nila dahil dito.
Madaling araw na at pasikat na ang araw, tanda na hindi basta basta ang mga kalahok kaya tumagal ng ganito ang labanan.
Magkaharap ang dalawa sa entablado at parehas walang emosyon. Sa isip isip ni Heter, gusto niyang pulbusin ang lalaking nasa harap niya.
Sya ang naturingang kuya ni Siargao sa dugo at laman pero simula kapanganakan ni Siargao ay laging walang pakialam ito kahit noong muntik ng mamatay si Siargao noong kabataan niya ay walang pakialan ang lalaking ito. At ilang beses pa niyang pinagtangkaan si Siargao, muntik na itong magtagumpay buti na lamang ay nailigtas sya ni Heter sa tamang oras
Nang lingunin ni Heter ang kawawang pinsan ay halos magdugo ang puso nito ng makita ang inosenteng ngiti nito pero nanlalamig na mga mata.
Bumaling muli siya sa lalaking kaharap niya gamit ang malamig na tingin ay tinutok nito ang espada sa kaharap.
"Isang malaking kahihiyan pag natalo ka sa espada ko Akhil. Ituring mong isang utang na loob ang gagawin ko ngayon. Sa susunod na pagtangkaan mong muli ang buhay ng pinsan ko, kakalimutan kong magpinsan tayo. Hahanapin kita hanggang sa dulo ng mundo at papaslangin hanggang hindi ka na makilala ng aso sa kalye. Tandaan mo iyan Gat Akhil Balaraw. " huling banta ni Heter bago boluntaryong tumalon mula sa entablado.
Kunot noo ito at mahigpit ang hawak sa espada ng bumalik saka inalala ang araw na halos isumpa niya si Akhil. Ang araw na muntik ng ikamatay ng pinsan niya sa kamay ng sarili nitong kapatid.
"Kuya bakit ka tumalon?! Hayssss sayang naman kala ko mapapanood ko na iyong dakilang Heter!" masiglang salubong ni Siargao na kinangiti ni Heter. Inakbayan niya ito bago pinitik sa noo. Nagkatinginan sila ni Heder at halata din ang inis sa mata ng dalaga. Dahil bawal ang maglaban sa loob ng angkan, nagboluntaryong mag sakripisyo ang dalaga kahit alam niyang bawal umaasa parin sya na bibigyang leksyon ni Heter si Akhil pero ang siraulo niyang kambal umatras!
Nang oras na para sa mga salamangkero, biglang nawala si Siargao. Nabalot nanaman ng pag aalala sina Heter at Heder pero napalitan ng pagtataka ang pag aalalang iyon ng makita ang pinsan nila na nakaupo sa tapat ng dalikan na may itim na banga¹.
Sumabak sya sa duel ng mga salamangkero?!
Limang kabataan lamang ang nasa entablado at kabilang doon si Siargao. Nagulat ang buong angkan ng balaraw pero napalitan din iyon ng inis dahil hindi lang si Siargao ang mapapahiya pag nagkataon kundi ang buong angkan ng balaraw! Hindi sila naniniwalang may kakayahan ang walang kwentang iyan dahil simula pagkabata ay zenless na iyan.
Samantala si 'Ezekel' na nasa tabi ng kanyang ama at pinepeste ng isang prinsesa ay napataas din ang kilay ng makita ang binatang hindi kaguwapuhan na nakaupo sa tapat ng dalikan.
Siargao?
******
1. Dalikan at Banga: gawa gawa ko lang ito na gamitin para sa potion making pero ito ang pinag basehan ko;
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantastikSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...