Tanghali na ng makarating sa palasyo sina Sierra.
Sinalubong sila ng hukbo ni Hali na naka armour at nakayuko sa kanila.
Nitong umaga lamang ay nakatanggap ng misyon si Hali mula sa Raja na salubingin ang mag asawang elders.
Akala niya ay ang elders lang ang darating dahil wala namang sinabi na may bisita sila.
Ganun na lamang ang gulat niya ng makitang kasama ng mag asawang elders ang dalawang bata at isang binatilyo mula sa Enchanted Valley.
"Where is his majesty?" Tanong ni Sierra na bitbit sa bisig si Rina na nakatulog nanaman.
"His majesty is currently in a meeting. He told me to escort you to the garden for lunch." Ani ni Hali sa magalang na tono.
"Lead the way." Utos ni Damon at hinawakan ang kamay ni Kayser na nakakapit sa gilid ng damit niya.
Nang makarating sa garden tumuloy sila sa isang gazebo.
May mga kawal na nakapaligid dito at may mahabang lamesa na puno ng pagkain sa loob ng gazebo.
"His Majesty will arrive in a minute. Please be seated." Sinalubong sila ni Ysay.
Tumango lang si Damon dito at inalalayan si Kayser na umupo habang nagising naman si Rina at umalis sa bisig ni Sierra.
Hindi maalis ang tingin ni Ysay at Hali sa dalawang bata.
Hindi nila maintindihan kung bakit sobrang pamilyar ng mukha ng dalawa.
"Ehhh?! Why is there so much food?!" Tanong ni Rina.
"Da- his majesty invited us for lunch." Sagot ni Kayser.
Nanlaki lang ang mata ni Rina at naglalaway na tumitig sa mga pagkain sa mesa.
"Atsui, be seated. Don't stand there." Ani ni Sierra ng mapansing nakatayo lang si Atsui.
Napangiti at napakamot sa batok si Atsui.
"His majesty has arrived!" Matinis na boses ng mensahero ang pumailanlang sa hardin.
Lumingon si Kayser at agad nanginang ang mga mata ng makita si Calix na naglalakad sa unahan ng mga kawal at mga alipin.
"Elder Damon, elder Sierra... my dear visitors." Nakatuon ang tingin ni Calix kay Kayser.
Nagtaka sina Hali ng sumilay ang maliit na ngiti sa labi ng Rajah.
Agad nanlaki ang mata ni Ysay at nagpabalik balik ang tingin kay Calix at Kayser.
"Your majesty." Bati nina Elder Damon at Sierra habang malugod ding bumati sina Kayse, Rina, at Atsui.
"Be seated. No need for this unnecessary formalities. " nauna na siyang umupo. Sa kanan niya ay si Elder Damon na katabi ang asawa. Sa kaliwa ay si Kayser at ang hilera nina Rina, at Atsui.
"Your majesty?" Biglang sabi ni Rina ng natahimik ang mga nasa hapag.
Napunta sa kanya ang tingin ng lahat pero ang tingin ng munting batang babae ay nasa plato na nasa harap ni Kayser.
"Yes?" Sagot ni Calix at tinapunan ng tingin si Rina.
Tinuro ni Rina ang isang putahe gamit ang maliliit niyang daliri.
"My cousin doesn't eat this thing. He is alergic to this." Turo bito sa sinabawan na may karne.
"Two legged meat?" Ani ni Sierra.
Tumango tango si Rina.
"Pardon us your majesty, our little master have allergies to this meat." Ani ni Atsui.
Tinaas ni Calix ang kamay niya at agad na lumapit ang isang alipin at inalis ang putahe.
"From now on don't serve this dish. Is there something else that you can't eat?" Maamong tanong ni Calix.
Gustong gusto na niyang kalungin ang anak pero alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon para ipangalandakan na ang cute na batang ito ay ang anak nila ni Siargao.
"Nope!" Sagot ni Kayser.
"Let's eat then." Pinulot ni Calix ang kutsara at sumandok ng isang gulay at nilagay sa plato ni Kayser.
"Try this little one."hindi nagpatalo si Damon at sumandok din ng putahe at nilagay sa plato ni Kayser.
Sa hindi masabing dahilan ay tila nahamon si Calix dahil sumandok ulit ito ng ibang putahe para ilagay sa plato ni Kayser. Hindi nagpatalo si Damon at muling sumandok.
At sa saglit na panahon napuno ng pagkain ang plato ni Kayser.
Natatawang pinqnood ito ni Atsui at tuloy lang sa pagkain.
"Don't watch them, eat." Nakangiting sabi ni Sierra kay Rina na nanlalaking mata na pinapanood ang dalawang sandok ng sandok ng putahe.
Napatingin si Rina kay Sierra na sinasandukan siya ng pagkain.
Sa isip isip niya ay nag iisip siya.
Ano kaya ang magiging eksena pag nagkita na sila ng kanyang ama?
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...