Sa lugar kung saan walang araw at tanging mga patay na mga halaman at puno lamang ang nasa paligid ay may isang palasyong nakatayo. Napakalaking itim at pulang palasyo. Bawat mamamayan na naglalakad sa loob ng palasyo ay nakaitim na manto mapa bata o matanda.
Sa loob ng palasyo sa silid kung nasaan ang trono ay isang malaking upuan. Doon ay may nakaupong isang lalaki. May tabing ang kalahating mukha nito at tanging ang mapupulang labi lang ang nakalabas.
"Kamahalan, naikot na po namin ang buong equador. Ikinalulungkot ko po pero, wala ang prinsesa ng mga piniks dito."
Kasalukuyan itong nakapikit at nakikinig sa ulat ng isang kalapati.
Napatiimbagang ang hari pero agad ding bumalik sa walang emosyon ang itsura nito na para bang namalikmata lamang ng kalapati na nag tiimbagang ito.
"Look for her. Find her at all cost." malumanay na sagot niya pero nanginginig na sa takot ang nasa kabilang linya. Pag mas kalmado kasi ang hari nila mas galit na ito!
"Yes your Majesty."
Namulat ang hari at ang mata nito ay may dalawang kulay. Lila at kayumanggi.
"Sierra where are you now?" ani niya habang nakatitig sa nag iisang decorasyon sa bulwagan niya.
Ang litrato ni Sierra na may hawak na sanggol.
******
Halos kalahating taon ang tinagal nina Siargao sa laot kaya ng matanaw na nila ang pang pang ng hilaga na balot sa yelo ay sobrang ginhawa nila. Sa wakas ay makakatapak na sila sa Lupa kahit balot pa yan sa yelo!
Isang buwan na ang nakalipas ng makita niya ang kanyang ina at tanging si Calix lang ang nakakaalam noon. Noong una ay hindi natuwa si Calix dahil ni hindi niya manlang nakilala ang tunay na ina ni Siargao sa personal pero kalaunan ay wala na din syang paki alam basta sa susunod hindi na niya palalampasin ang pagkakataon.
Sa ngayon ang mahalaga ay ma-i uwe niya si Siargao. At suportahan ito ano man ang maging desisyon ng kasintahan niya.
Nang makadaong ang barko ay bumaba na ang lahat. Noong una ay nanibago pa sila ng makatapak sa lupa para kasing gumagalaw ang lupa. Pero masasanay din sila.
Hindi sila nagderetso sa palasyo kundi sa isang tavern. Doon nila balak magpalipas ng gabi.
Nang makahanap ng tavern ang grupo ay nagpahinga na din sila agad magiging abala sila mula bukas kaya kailangan nilang magpahinga.
Kinabukasan pagkagising na pagkagising ni Siargao ay pumasok sya sa dimension.
Matapos niyang maligo at kamustahin ang tatlo saka ang magic egg sa kubo ay lumabas na din sya.
Paglabas niya ay si Calix na kakaligo lang din ang nabungaran niya. Basang basa pa ang buhok nito at tanging pantalon lang ang suot.
Napalunok si Siargao sa ganda ng katawan nito. Hindi maskulado at hindi din payat. May mga linya ng mga muscle sa mga braso nito hanggang sa dib dib pero hindi ito malaswang tignan. Meron ding itong walong pakete ng abs na basa at may mga tubig pang natulo.
"Enjoying the view?"
Namumula si Siargao ng nagtama sila ng paningin ni Calix pero lumapit parin ito habang tumatawa tapos hinalikan sa pisngi si Calix.
"Good morning."
Agad napangiti si Calix na dumagdag sa kapogian nito. Hinapit niya sa bewang si Siargao at hinalikan sa labi.
"Good morning too, love."
Parehas napangiti ang dalawa. Bumaba ang tingin nilang pareho sa labi ng isa't isa at unting naglapit nanaman ang mga labi nila ng biglang may malakas na katok sa pinto.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasíaSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...