30

683 63 0
                                    

Nang mapansin ni Siargao na napalayo na sya sa labanan ay huminto sya.

Nasa loob na sya ng masukal na gubat. Wala ng mga living corpses na sumusunod sakanya pero aminado siyang hindi maganda ang swerte niya nitong mga nakaraan.

Akmang babalik na si Siargao sa kampo ng manginig si Ravenna.

Demon.

Hindi sya nagkamali dahil sunod ay may lumapag na demon mula sa isang puno sa tabi ng bukana ng isang kweba na ngayon niya lang napansin.

Sabi na eh, sinusundan talaga ako ng kamalasan.

"Ikaw ba ang may pakana nito?"

Tanong ni Siargao pero hindi sya sinagot ng demon bagkus ay pumormang pangkalmot ang dalawang kamay nito at sumugod sakanya.

Sinangga ni Siargao ng espada ang kamay nito na parang bakal na hindi manlang nasugatan.

Iron claw.

Kung hindi sya nagkakamali ay Iron claw ang tawag sa teknik na ginagawa ng demon na kaharap niya. Ito ay ang pag papatigas ng mga daliri gamit ang xen.

Xen ang tawag sa kapangyarihan ng mga demons.

Itinulak niya ang espada at napaatras ang demon.

Seryosong hinarap ni Siargao ang demon at tinutukan ng espada.

"Bibigyan kita ng pagkakataon. Pag sinagot mo ang tanong ko hindi kita papaslangin pero kailangan mong itigil ang pagkontrol sa mga living corpses gamit ang halaman na nasa loob ng damit mo."

Wala sa sariling kinapa ng demon ang dib dib niya. Hindi niya alam kung paano nalaman ng kalaban niya na may halamang gamot sa dibdib niya.

Sa totoo lang noong sumugod ang demon ay naamoy ni Siargao ang kakaibang amoy ng halaman. Naamoy na niya iyon dati at tandang tanda niya pa ang amoy niyon.

"Ano makikipag kasundo ka ba?"

Tanong ulit ni Siargao ng hindi magsalita ang demon.

Ibinaba niya ang Espada niya pero agad niya rin iyong pinangharang ng biglang sumugod ang demon.

Galit na tiningnan niya ito. Hindi sya galit sa demon kundi sa sarili nya. Ang tanga niya para kumalma sa harap ng kalaban.

Hindi na sya nakipaglaro sa demon at binalutan niya ng gadinulid na lilang enerhiya ang espada niya. Dahil unang beses niyang gagawin iyon ay napatagal sya kaya nakatanggap sya ng suntok sa panga gamit ang Iron fist.

Napaatras palikod si Siargao sa impact at nakakita ng mga nagliliparang may pakpak na ahas.

Pumikit sya at marahas na umiling. Napakasakit ng panga nya.

Inis na binalingan niya ang damuhong demon. Pinakiramdaman niya ang paligid kung may nilalang na malapit sa kanila. Nang makasigurong dadalawa lang sila ng demon ay walang pag aalinlangang ginamit niya ang lilang enerhiya niya.

Nang mabalot na ng gasinulid na enerhiyang lila ang raven sword ay walang pagdadalawang isip niyang sinaksak sa dibdib ang demon. Napasigaw sa sakit ang demon.

Ni hindi niya nakita na gumalaw sa pwesto si Siargao!

Unti unting lumipat ang gasinulid na lilang enerhiya mula sa espada papunta sa katawan ng demon bago niya ito nilingkis at parang tali na bumalot sa demon. Pasikip ng pasikip.

Sa isang pitik ng daliri ni Siargao ay sumabog ang katawan ng demon nagpirapiraso ang laman nito at napaliguan ng dugo si Siargao.

Lahat ng common beast na nanonood sa gilid ay nasaksihan ang pangyayari. Kahit wala silang kaalaman ay naramdaman nila ang brutal na aura ni Siargao kaya nagsi takbuhan sila palayo.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon