Mabilis na dumaan ang panahon at ito na ang ika tatlong araw, ang araw kung kailan muling maglalayag sina Siargao para ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay patungong hilaga.
Matapos ang tatlong araw ay nagkalaman na ang payat na katawan ng bata na pinangalanan ni Siargao ng Alexis.
Noong una ay mailap ito at ayaw magsalita tanging kay Siargao lang nakikinig. At pag sinabing nakikinig? Literal na nakikinig. Pag walang sinabi si Siargao na kumain na sya hindi talaga sya kakain. Hanggat hindi sinasabi ni Siargao ay para lamang syang tuod.
Dalawang araw din ang ginugol ni Siargao para turuan ang bata at ipaintindi na malaya syang gawin ang mga gusto niya pero matigas ang ulo nito. Buti nalang at sa mga simpleng bagay ay nag kukusa na sya pero maliban sa pag kain, pagligo at pagtulog ay wala na. Tuod parin.
Buti nalang at mahaba ang pasensya ni Siargao pero si Calix konti nalang sasabog na. Nitong nakaraang dalawang araw ay mas madalas sya sa labas at halos mabaliw na sya na hindi nya maisama si Siargao pero pagdating sa bahay lagi namang nakabuntot ang bata kaya hindi din sya makadiskarte.
Gusto niya itong itapon sa dimension at hayaan sina Ravenna na alagaan ito pero sa itsura ng bata na kay Siargao lang nakikinig, mauungkilat lang ito sa loob ng dahil sa simpleng bagay.
"Tapos ka na ba magpaalam?" tanong ni Heder kay Kiri ng makita ang hanay ng katulong nito na may mga dalang mga kahon at gamit.
"Oo, ayaw nilang makita na umalis ako kaya naman nagpadala nalang sila ng mga gamit."
Namumula ang ilong at mata nito na halatang galing sa pag iyak.
Nang makita ito ni Heter ay napaiwas sya agad ng tingin. Parang pakiramdam niya may kasalanan din sya. Hindi naman niya pinilit si Kiri pero pakiramdam niya naglayas ang prinsesa sa bahay nila para makipagtanan sa kanya. Nanginig naman sa kilabot si Heter sa naisip niya at napaiwas ng tingin.
Ito ang kaibahan ng beastclan sa kanila.
Ang mga Zen users, pinahahalagahan ang kasalan. Hangga't hindi kasal, hindi maaaring mag sama ang nobya at nobyo.
Pero sa beastclan, mas nakapokus sila sa kultibasyon ng damdamin.
Maaaring mag sama ang dalawang panig hanggang lumalim ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Pag nagpasya na sila na habang buhay mag sasama, isasagawa nila ang mating. At susunod ang kasalan.
"Wag kang mag alala mag kikita naman kayong muli." ani ni Ysay.
Ipinasok ng mga katulong ang mga gamit sa barko bago yumuko kay Kiri at namumulang mata na umalis.
Mabait ang prinsesa kahit na laki ito sa layaw, hindi nito minamaliit ang mga mabababang uri. Kaya ang pag alis ng prinsesa, sobra nila itong kinakalungkot.
Pumasok na sa barko ang grupo at nagkanya kanya na. Mas maliit ng konte ang barkong ito kaysa sa dati nilang barko pero mas maraming kwarto at nasa second floor ang kusina.
Sa baba ay puro kwarto.
Nagkanya kanyang kwarto ang lahat maliban kina Hali at Ysay at Siargao at Calix kasama si Alexis.
"Alexis makikinig ka sa lahat ng gusto ko diba?"
"Yes master."
Kasalukuyang pinagsasabihan ni Siargao si Alexis dahil hindi na talaga maganda ang timplada ni Calix at nakasulat na sa noo nito ang kagustuhan nitong piratin si Alexis.
"Makinig kang mabuti hm? Kahit familiar kita malaya kang gawin kung anong gusto mo. Maliban sa pagprotekta sakin hindi mo na kailangang maging alipin ko. Kung nakokonsensya ka sa 100 million na nagastos ko wag kang mag alala. Isipin mo nalang ginastos ko iyon para bilhan ka ng regalo. "
"Regalo? " Inosenteng tanong nito. Niyakap ito ni Siargao at sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya.
"Kalayaan. Iyon ang regalo ko sa una nating pagkikita bilang isang pamilya. "
" Pa-pamilya? "hindi maintindihan ni Alexis kung bakit parang gusto niyang maluha.
Sa mga familiar hindi mahalaga ang pamilya dahil mga beastman sila na tanging ang master nila ang kikilalanin. Sila lang ng makakasama nila hanggang kamatayan.
"Oo Alexis mula ngayon pamilya mo na ako, si Calix ang kambal, sina Ysay at Hali si Kiri, si Via at si Blake. Pati nadin si Sif. Lahat kami ay pamilya mo. Kami ang kuya at mga ate mo mula ngayon. Ako ang kuya Siargao mo iyon ang itatawag mo sakin hindi na Master maliwanag ba? "
Tuluyan ng napaluha si Alexis pero pinunasan niya din ito at sunod sunod na tumango kay Siargao habang pinipilit na wag umiyak.
Napatawa si Siargao at niyakap ang bata.
Tuluyan ng umiyak si Alexis at nangako na magpapalakas sya para protektahan ang nag iisa niyang master-kuya Siargao. Buti nalang pala at si Siargao ang naging destined master niya. Hindi na sya natatakot sa pwedeng mangyare sa hinaharap dahil iyon ang nakatadhana pero dahil boluntaryo niyang iaalay ang buhay para sa taong ito.
Pinanood ni Calix ang dalawa at may hindi masyadong magandang imahinasyon ngayon ang naglalaro sa isipan niya.
Pano nalang kung magkaanak na sila? Sa ibang nilalang nga ay nalilimutan na ang presensya niya pano pa kaya kung sarili na nilang mga anak?
Inis na inalis ni Calix ang imahinasyon niya kung saan sa lapag sya natutulog at sa kama ay ang mga maliliit na Siargao at si Siargao. Wala sa sarili syang napangiti, maliliit na Siargao. Gusto niyang makita iyon.
"Gusto mo bang mag ensayo para lumakas?"
"Calix ano bang sinasabi mo bata pa si Alexis hayaan mo muna syang gawin ang mga gusto niya. Saka na yan makapag hihintay yan."
"Hindi po master-kuya Siargao gusto ko pong lumakas!" nahihiyang ani ni Alexis sa mahinang boses. Hindi sya sanay na sinasabi ang gusto niya dahil bilang isang Familiar pag hindi ka sinabihan ng gagawin wala kang karapatang gumalaw o magsalita lalo na ang magsabi ng ayaw at gusto mo.
"Sigurado ka ba?" paniniguro ni Siargao.
"Siargao isang familiar si Alexis at bilang familiar ng isang magiging raja sa hinaharap hindi dapat isang lampa ang maging familiar mo! Sif!"
Hindi na makapag hintay si Calix na patalsikin si Alexis mula sa kama nila.
Mula sa sulok ay may lumabas na ahas at naging tao.
"Ikaw na bahala kay Alexis. Train him easily."Nag bow si Sif at binalingan si Alexis na nakatingin din sakanya.
Napataas ang kilay ni Sif. Bata palang pero iba na ang kagwapohan ng bata. Totoo talaga dose anyos palang ito pero litaw na ang kakisigan kahit payat.
Gwapo pero off limits dahil iihawin sya ni Siargao pag tinira niya ang batang to. Bilang beastmen walang pinipili sa kanila, mapababae o lalaki, bata o mas nakakatanda ay walang problema dahil mahaba ang buhay nila. Pero si Alexis ay tinuturing na nakakabatang kapatid ni Siargao. Off limits.
Ayaw pa naman ni Siargao sa animal form niya.
"Sya si Sif ang protector ni Calix wag kang mag alala pag naging sobra sya sayo sabihin mo lang. Iihawin natin sya. Wag kang matakot pag nagsumbong sya kay Calix, hehe" hindi na tinuloy ni Siargao na kinakunot ng noo ni Calix.
"Anong gagawin mo Siargao?"
Lumapit si Siargao kay Calix at bumulong.
"Magisa ka sa gabi. Sa dimensyon ako maglalagi."
"Sif tutustahin kita pag nakita kong may galos si Alexis!"
"Hahahahaha"
Sumilay ang abot matang ngiti sa labi ni Alexis sa unang pagkakataon. Ang swerte niya sa amo niya at hindi niya iti bibiguin.
Hindi niya hahayaang mabura ang ngiti sa labi ng kanyang kuya Siargao. Magpapalakas sya at balang araw mapoprotektahan niya din ang kanyang kuya Siargao.
Nakatitig lamang si Siff kay Alexis. Hinahangaan ang determinasyong nakalatay sa gwapong mukha ng bata.
****
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasiSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...