Isang buwan na ang nakakalipas mula ng kasalan nina Denzel at Vierra.
Naging mapayapa na ulit ang buong barangay ng tondo at maging ang buong luzon.
Pero tahimik nga ba?
Maliban kay Siargao at Elder Myrr ay walang nakakaalam na hindi pa tapos ang lahat. Pansamantala lang ang katahimikan at kapayapaan.
Hindi pa lumalabas ang puno ng kaguluhan ukol sa paglabas ng mga living corpse kaya hindi pa masasabing tahimik.
At hindi pa natutukoy ang dahilan ng paglabas ng mga ito.
Dahil isa ng ganap na disipolo ni Elder Myrr si Siargao ay mas nagkaroon sila ng oras para mag imbestiga ng palihim.
Isang buwan na silang nag iimbestiga pero wala parin silang nakukuhang impormasyon.
"Lo, ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nanahimik ang kabilang panig?" tanong ni Siargao habang binabasa ang mga ulat ukol sa misyon nila.
Bilang elder na naitalaga sa misyon ay may kopya si Elder Myrr sa mga ulat.
"Marahil ay naghihintay lamang sila ng pagkakataon kung kailan muling susugod."
"O di naman ay gising na ang demon lord na pinag aalayan nila ng mga kristal?"
"Imposible, kung gising na ang demon lord ay maghahasik ito ng lagim at mangunguha ng mga tao para higupin ang kapangyarihan ng mga ito. Para sa mga bumalik sa buhay na mga demon lord, kailangan nila ng enerhiya ng mga buhay para mapanatili ang lakas nila."
"kung gayon ay bakit hindi kumikilos ang palasyo?"
"Dahil hindi nila alam. Kilala lamang ang soul trapping crystal bilang isang kristal na ginagamit ng mga demons para magkulong ng mga kaluluwa. Iilan lamang ang nakakaalam sa tunay nitong kagamitan. Ang bumuhay ng demon lord."
"Bakit hindi natin ipaalam ang katotohanan?"
"Sinubukan ko na noon pa man noong una kong makaharap ang mga living corpses pero walang patunay at kahit kailan ay hindi aamin ang mga demons. Ang ibang nakakaalam ay wala na sa mundong ito."
Napakasama ng mga demons, sa lahat ng parte ng mundo ay nagkalat sila at sa lahat ng sekta ay may espiya sila. Ito ang kaibahan ng mga demons sa ibang lahi. Iisa sila sa lahat ng bagay at iisa ang nasa pinaka taas. Maliban nalang kung may sarili silang mga grupo.
Madali lang sakanila na paslangin ang mga may nalalaman tungkol sa mga sekreto nila.
Kung bakit hindi pa namamatay si Elder Myrr sa kabila ng mga nalalaman nito ay walang nakakaalam.
Tila nabasa naman ng Elder ang iniisip ni Siargao at napatawa ito.
"Hindi nila ako mapapaslang kasi hindi nila alam na ako ang nagsabi ng sekreto nila. Matagal na panahon na ang nakalipas ng ipaalam ko ang tungkol doon. Ngayon ay maingat na ako dahil hindi ko alam kung sino ang totoo sa paligid ko. Ikaw mag ingat ka din. Nasa paligid lang ang mga demons suot suot ang mukha ng anghel. "
Isinaisip ito ni Siargao. Tama ang sinabi ng lolo niya wag syang magtitiwala agad kasi hindi niya alam kung sino pa ang nagbabalat kayo.
Kahit na seryoso ang panlabas na itsura niya ay sya lang ang nakakaalam sa takot na nasa puso niya. Kakaunti lang ang mga taong nasa paligid niya na malapit sakanya, ayaw niyang dumating yong araw na isa sa mga ito ang maging kaaway niya.
Syempre iba si Calix dahil iyon halimaw iyon isa syang demonyong halimaw. Mamaw.
Naalala ni Siargao si Blake, pero hindi sya sigurado kung tama sya ng hinala.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...