20

793 71 2
                                    

Pagkagising ni Siargao ay nakakabiyak ng sakit sa ulo ang sumalubong sa umaga niya. Daig niya pa iniuntog ang ulo sa bato bago biniyak sa sakit.

"Gising ka na? "

Napatingala si Siargao kay Ezekiel kinunutan niya ito ng noo nang abutan sya ng baso ni Ezekiel. Tinignan ni Siargao ang baso bago ang gwapong mukha ni Ezekiel bago niya  tinanggap ang baso na iniabot nito at walang pag aalinlangang ininom ang tubig.

"Kanina ka pa? " magaspang ang boses niya dahil kagigising niya lang at tuyo ang lalamunan niya.

Nais sanang sagutin ito ni Ezekiel ng, magdamag syang nagbabantay dito. Pero ng nakita ang itsura ni Siargao ay umiling nalang siya.

Napahilot hilot si Siargao sa sentido niya para mabawasan ang sakit ng bumaha sa isipan niya ang ala ala kagabi mula ng pumunta sila sa sementeryo hanggang sa mag inuman at ang kalokohan nila kagabi ni Myrr. Maging ang pagtulog nila sa damuhan ay naalala niya natawa sya sa lahat ng ala alang iyon. Hindi sya makapaniwalang nagawa niya lahat iyon kagabi dahil sa kalasingan.

Natigil din ang pagtawa niya ng may mapagtanto. Ang naaalala niya lang bago sya mawalan ng diwa ay ang pagtulog niya sa damuhan kasama si Myrr kaya bakit nasa kwarto na niya sya?

Pinilit niyang alalahanin ang lahat pero sumasakit lang ang ulo niya. Tinignan niya si Ezekiel ng may pagdadalawang isip. Sya ba?

"Anong tinitingin tingin mo?" taas kilay nitong tanong.

"Ikaw ba nag uwe sakin?"

Natigilan si Ezekiel at nanatiling nakatitig kay Siargao ng ilang segundo bago sya natawa. Gamit ang likod ng kaliwang palad ay tinakpan niya ang bibig niya.

"..."

Anong nakakatawa?

"sa susunod na iinom ka - nevermind. Ayusin mo na ang sarili mo bababa kayo ng bundok ngayon para mamili hindi ba?"

Sinuri ni Siargao ang itsura ni Ezekiel, ng wala syang makuha ni kaonteng impormasyon sa gwapong mukha nito ay umiwas sya ng tingin at saka tumayo.

"Oo nga pala"

Dali daling tumayo si Siargao at pumunta sa banyo.

Nang makapag ayos sya ng sarili ay wala na din si Ezekiel.

Pag baba niya ay ang nag uumagahang elites ang bumungad sa kanya.

"Siargao?! Kailan ka pa bumalik?" tanong ni Via na sinundan ni Blake ng,

"San ka galing?"

Sunod sunod pa na tanong ang binato sakanya  ng mga ito at tanging may pinuntahan lang ako ang sagot niya.

Ilang beses pa nilang inusisa ito pero walang resulta.

Pagkatapos nilang kumain ay bumaba na sila ng bundok.

Bilang konsiderasyon kay Siargao ay nilakad nila ang daan pababa ng bundok.

Sa baba ng bundok ay may karwaheng naghihintay para sakanila na sasakyan nila papuntang bayan.

Nang makarating sila sa baba sinalubong sila ng walong mandirigma na pinapangunahan ni Ezekiel. Maging sina Heter at Heder ay nandoon.

"kuya ate!"

"Siargao"

Sinalubong sya ng yakap ni Heter na kinabigla ng ibang elites maliban kay Ley. Alam niyang pinsan ni Siargao ang kambal.

"Siargao ate mo?"

Sunod sunod na tumango si Siargao bago ipakilala sa ibang elites ang kambal.

"Hoy Blake bakit natuod ka na jan? Hindi mo ba babatiin ang ate at kuya mo?" sinundan ng tawanan ang asar ni Ley.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon