31

703 66 3
                                    

Bago pa man masalubongbungan ng mga living corpse si Siargao ay tumalsik na ang mga ito ng gutay gutay.

Isang lilang makapal na enerhiya ang tumama sa mga living corpse. Napasinghap si Siargao sa gulat.

Akmang tatayo sya ng maayos pero napabuga nanaman sya ng dugo. Nabitawan niya ang espada niya nanlambot ang tuhod. Napapikit si Siargao at hinintay na bumagsak sya sa malamig na lupa pero hindi nangyari iyon.

May malalakas na brasong pumulupot sa bewang niya at umalalay sa ulo niya.

Pinilit ni Siargao na imulat ang mata niya at napangiti sya ng mabungaran si Calix na kulay lila ang mata. Walang emosyon ito pero kitang kita ang pag aalala sa mata nito.

Sakin ka ba nag aalala o sa bond?

Humigpit ang yakap ni Calix sa bewang ni Siargao ng bumuga nanaman ng dugo ang huli.

"Rest" utos ni Calix sa magaspang na boses. Parang isang mahika ang boses nito dahil tuluyang nahulog sa kadiliman ang diwa ni Siargao.

Binuhat ni Calix ng parang prinsesa si Siargao at pinulot ang Raven sword  na nasa tabi nito bago naglakad palabas ng kweba.

Sa labas ay sinalubong sila ng malaking ahas.

"Sif"

Tawag ni Calix at lumapit sakanya ang ahas. Kung gising lang si Siargao ay mamumukhaan niya ito. Ito lang naman ang ahas sa palawan na may flag sa pangil!

"Here, mylord"

"Burn this cave"

"As you wish my lord" nag anyong tao si Sif at nagbow kay Calix bago pumunta sa harap ng kweba.

Walang lingon na naglakad paalis si Calix bitbit si Siargao.

Madilim na pero natatakpan ng ulap ang buong kalangitan kaya walang nga tala at buwan.

Nang makalabas sa gubat sina Calix ay  sumulpot si Sif sa gilid nito. Huminto si Calix at ibinaba sa putol na kahoy si Siargao at ginamot ang sugat nito. Itinabi niya rin sa baina ang espada nito bago naglabas ng damit.

Hindi niya binihisan si Siargao dahil may isang ahas na titig na titig sa kilos niya.

"What are you looking at?"

"ah? Wala! The, the fire! Yeah! The fire" iniwas ni Sif ang paningin niya at binalingan ang malaking apoy sa gubat na kagagawan niya.

Inismiran lamang sya ni Calix bago inabot ang kamay ni Siargao at hinalikan ang singsing nito.

Napasipol nalang si Sif. Alam na niya ang tungkol sa dimension ring ni Siargao. Ilang buwan na niya ring binabantayan ang binata sa utos ng Mylord niya. Maliban kanina dahil nasa kalagitnaan sya ng pakikipagtalik ng nagkaroon ng atake nawala sa isip niya si Siargao kaya naman grabe ang galit ni Calix at muntik pang maputol ang dalawa niyang junjun.

Napailing nalang si Sif bago naganyong ahas at gumapang sa parte ng bundok na malayo sa nasusunog. Kailangan niya ng pageensayuhan.

Parang natakot kasi ang mga junjun niya at ayaw tumayo.

*****

Sa loob ng dimension walang hiyang hinubaran ni Calix si Siargao. Inalis niya lahat ng tela na bumabalot sa sugat sugat na katawan ni Siargao maging ang balabal nito.

Ilang minuto muna niyang hinangaan ang malaparalumang katawan sa harap niya.

Wala sa sariling napadila sya sa itaas na labi. Pero nang mapadako sa nga kalmot ang paningin niya ay nabahiran ng inis ang gwapong mukha ni Calix.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon