Nagising si Siargao sa isang kweba.
Napaungol sya at napahawak sa dibdib kung saan siya inatake ng demon.
Kung tulad ng iba si Siargao ay mamamatay na sya. Buti nalang bago dumapo ang kamay ng demon ay humarang si Ravenna kaya pwersa lang ang tumama sakanya.
Yong tungkol sa dugo. May kinalaman iyon sa technique, nagkamali sya sa isang hakbang at naitsamba pang sinalubong sya ng ganung kalakas na pwersa.
'Ravena ayos ka lang ba?'
'oo, saglit lang gagamit lang ako ng magic water. Lalabas ako.'
Hinintay ni Siargao si Ravenna at ng mag sabi ito na lalabas sya ay pinalabas niya ito.
"Ayos ka lang ba bata? Buti nalang at naramdaman ko ang presenya ng demonyong iyon."
"Oo. Salamat."
Tinulungan ni Ravenna si Siargao na tumayo at pinainom ng magic water.
"Mukhang nasagip ka ng isang beast bilang pagkain. Tsk tsk. Grabeng kamalasan mo to."
Napalingon din si Siargao sa paligid niya at mukhang tama si Ravenna.
Andaming buto na nagkalat. Ang iba ay durog pero ang iba ay ayos pa. Mukhang taon na ang inabot ng mga ito dito.
"Yan na ang mangangain. Siargao balik na ako sa dimensyon!" tukso ni Ravenna pero hindi niya binitawan si Siargao.
*awuuuu
Tinaasan ng kilay ni Siargao si Ravenna ng taguob ng isang tuta ang narinig nila.
"Anong tinitingin tingin mo jan?!"
Dahil sa pagkapahiya ay binitawan niya si Siargao ng pabalang. Napailing nalang si Siargao at akmang aasarin ang espada ng muling nagtaguob ang tuta.
Nagsenyasan sina Siargao at Ravenna at sinundan nila ang pinagmumulan ng taguob.
Nakarating sila sa isa pang kweba sa loob ng kweba.
Madilim at mabasa basa pero ng marinig ulit nila ang taguob ay tumuloy sila.
Naglabas ng fire talisman si Siargao at nailawan ang kaunting parte ng kweba.
*grrrr
Bumaba ang tingin ng dalawa sa paanan nila.
May isang maliit na tuta na kulay pula at nakalabas ang mga maliliit na pangil nito sa harap nila.
Pero hindi iyon ang nakakuha ng pansin nila kundi ang dambuhalang puting nilalang sa harap nila. Nang lalapitan ito ng dalawa ay tumahol ang maliit na tuta at lumapit sa malaking hayop bago umungol iyon.
Nagtatatahol ang maliit na aso at nagtaguob ulit tila kinakausap ang malaking nilalang.
"Snow Giant Wolf."
Tinignan ng nagtataka ni Siargao si Ravenna.
"Yang dambuhalang iyan. Hindi ko alam kung bakit napunta yan dito eh wala namang tagyelong panahon dito. Isa yang Snow Giant Wolf. At yang tuta na yan ay marahil anak niya."
'Sino kayo? Wag nyong sasaktan ang aking anak!'
Napatalon at nagtago sa likod ni Ravenna si Siargao sa gulat. Pano ba naman kasi biglang nagsalita sa isip niya ang hayop!
" Narinig mo yon Ravenna nagsalita yong dambuhalang lobo! "
Napaismid si Ravenna pero hindi niya sinagot ang tanong ni Siargao.
' Naiintindihan mo ako?'
"Ravenna hindi ako nagkakamali nagsasalita nga ang lobo!"
'kung naiintindihan mo ako iisa lang ang ibig sabihin non-arghhh'
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...