93

441 40 4
                                    

Bago mag dapit hapon ay bumalik na sa palasyo sina
Siargao.

Kapansin pansin na hindi sila nag iimikan ni Heter. Lagi lamang nakatingin si Siargao sa kuya niya pero hindi ito lumalapit.

Dahil din sa hindi masabing dahilan ay simula ng araw na iyon ay laging pagod si Siargao.

Pero wala syang panahon para magpahinga malapit na ang feast of the beasts. Tatlong category ang dapat niyang paghandaan.

Sa ngayon nga ay abala sya sa paglalatag ng mga plano at stratehiya para sa hunting at competition category. Nabasa na niya ang mga ulat ng mga nahuling nakasali sa mga larong ito, at ginamit niyang basehan iyon para magkaroon ng draft ng strategy

*Tok tok tok

"Come in''

"My Prince this is our day's summary of reports" nagulat si Siargao ng mabosesan na si kuya Heter niya ang pumasok.

"Kuya!"

Tinigil niya ang ginagawa niya at akmang lalapit dito ng biglang yumuko ito at walang imik na umatras at lumabas.

"..."

Hindi nakaimik si Siargao sa nangyare at napahilot nalang sa sintido.

Simula ng nagkasagutan sila ay naging mailap na si Heter sa pinsan kung maaari ay ayaw na nitong humarap sakanya. Sinubukan niya itong lapitan pero ito ang umiiwas.

Samantala si Heter napatiim bagang siya ng makalayo sa silid ni Siargao.

Alam niyang mali siya na nakikisawsaw siya sa mga bagay na ginagawa ng pinsan niya.

Malaki na ang pinsan niya at may sarili na itong desisyon. Hindi tama na lagi niya itong pinapangunahan.

Pero may takot kasi sa pudo niya. Hindi niya alam kung bakit.

Walang emosyon syang umalis sa kwarto ni Siargao pero hindi sya lumiko sa meeting hall nila ng grupo.

Wala sya sa sarili at namalayan nalang ang sarili na nasa pasilyo na sya papunta sa kusina. Natigilan sya at nanatiling nakatayo sa gitna ng daanan.

"Anong ginagawa mo dito Heter? Nasasanay ka ng puntahan sya tuwing may dinadamdam ka ah." Sabi niya sa sarili bago natawa at pumihit pabalik.

"Heter kanina pa kita hinahanap, san ka galing? Eh sa kusina?" Napatunghay si Heter at napagtantong si Kiri ang nasa tapat.

Mula sa pinanggalingan nitong pasilyo ay galing ito sa meeting hall na syang parte ng kwarto ni Siargao.

"Hindi sa banyo." Palusot ni Heter. Huli na ng mapagtanto niyang may banyo sa meeting hall nila.

Pero buti nalang at hindi na iyon binigyang pansin pa ni Kiri.

"Tikman mo ito bilis! Busy ang mga tagaluto dahil sa feast of the beast sa makalawa kaya hindi nila ako naturuan ng bagong recipe. Ito ay sariling recipe ko tikman mo kung ayos lang. Kanina pa kita hinahanap eh."

Napailing nalang si Heter at kinuha ang kutsara bago tinikman ang niluto ni Kiri.

"Hmm manamis namis. Malaki na ang inimprove mo, hindi mo na kailangang magpaturo sa mga tagaluto Kiri-"

"Head guardian? Luckily, I'm supposed to go to the second prince's meeting hall fortunately I saw you here. Here, proposal from the Nimedez palace. I received it a while ago."

Tinanguan lang ni Heter ang kawal at tinanggap ang papel.

Sinuri ito ni Heter bilang parte ng trabaho niya.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon