III-100

502 48 8
                                    


Malaking kastilyo, malawak na kaharian at masayang mga mamamayan. Walang emosyong nakatanaw mula sa isang silid sa palasyo si Heter. Ito ang kaharian na itinatag ni Calix isang taon na ang nakalilipas.

Ang bilis ng panahon tatlong taon na ang nakaraan nang lisanin ni Siargao ang mundo ng mga buhay. Tatlong taon na ng lisanin niya ang Ma-I. Tatlong taon na ng mawala sya sa buhay nilang lahat.

Hindi naging madali para sa lahat ang nangyari. Halos isang taon silang hindi makabangon sa pagkakalugmok pero si Calix ang pinaka nasaktan. Halos dalawang taon siyang wala sa sarili at nagkulong.

Dahil hindi lang si Siargao ang nawala sakanya maging ang munting ala ala ng pagmamahalan nila ay naglaho kasama ng paglalaho ng katawan ni Siargao. Ni hindi manlang niya nasilayan ang anak bago ito mawala. Ipinahanap niya ito maging sina Ravenna pero tanging ang mga damit na duguan lang ang natagpuan nila at sunog na mga katawan ni Ravenna at Kalil.

Tatlong taon na pero parang kahapon parin nangyare ang lahat para sa lahat.

Itinatag ni Calix ang Siargao palace noong nakaraang taon matapos ang malaking sagutan sa pagitan niya at ng ina.

Tinupad niya ang pangako niya kay Siargao, pero ang kasama niyang nangarap para sa pangakong ito wala na. Pinagpatuloy niyang mabuhay dahil ito ang pinaghirapan ni Siargao para sa kanya.

Pinatayo pa nga niya ang rebulto ni Siargao para ituring na rajah ng mga nasasakupan niya.

Ang kaharian ng Siargao palace ay hindi tulad ng iba.

Dito mapa ano mang lahi ay tinatanggap. Walang diskriminasyon at pangmamaliit mapa beastclan, zen user o demon man.

Sa katunayan ay ang elders ng palasyo ay ang sina Sierra na isang piniks at si Damon na isang devil maging ang ina niya na si Castella na isang earthling.

Ito ay ayon sa kanya, isang transmigrated na nilalang si Castella at mula sya sa mundo na tinatawag na earth. Ito ang dahilan kung bakit wala syang zen, xen, o enerhiya. Dahil hindi naman sya tubong Ma-i.

Iniligtas lamang sya ng tatay ni Calix ng matagpuan niya itong naghihingalo sa daan. Lumipas ang panahon ay naging magkarelasyon sila at naging mga magulang ni Calix.

May empress ang nimedez palace kaya naman sa Siargao palace tumuloy si Castella bilang inang reyna.

"You came back earlier than expected."

Hindi lumingon si Heter dahil alam niyang ang kakambal niya ito.

"Yeah."

"How is it?" Ani ni Heder at tumanaw din sa malawak na kaharian.

"Same as before. No trace."

Bumuntong hininga si Heder at hindi mapigilang hindi maawa sa kakambal. Dalawang taon niya ng hinahanap si Kiri pero wala syang makalap na impormasyon kung saan nagpunta ang prinsesa.

Hindi ito bumalik sa kaharian nila at nawalang parang bula. Nasa kailaliman pa ng pagbabalik tanaw si Heder ng marinig ang boses ni Heter.

"How's he?"

Kahit hindi pangalanan ni Heter ay tukoy na ni Heder ang tinutukoy nito.

"Nasa kanyang kwarto isang linggo na syang walang tulog at nakatutok sa trabaho. Ang mga personal na alipin niya isa isa ng bumabagsak."

Sino pa ba kundi ang Rajah nilang feeling immortal na halos hindi na nakakaramdam ng antok o gutom. Nilulunod nito ang sarili sa pagpapatakbo ng kaharian.

Napailing nalang si Heter. Naiintindihan niya si Calix, ito ang paraan nito para pagurin ang sarili at kahit saglit lang sa isang araw ay malimutan ang lungkot na kinikimkim niya.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon