Kinaumagahan, tanghaling nagising si Siargao nag isip isip kasi sya kagabi. Hindi sya makapaniwalang isa syang prinsepe. Pero hindi iyon ang tumatak sakanya kundi ang mukha ng kanyang ina at ang maskara ng kanyang ama.
Nakaramdam siya ng saya na hindi sya isang hindi minahal na anak tulad ng turing ng ama at ina niya sa mga balaraw.
Mahal na mahal sya ng totoo niyang mga magulang.
Handang magsakripisyo ang mga ito kahit malayo siya sa kanila maging ligtas lang sya.
Napangiti sya. Napahawak si Siargao sa kwintas niya. Ibinigay ito ng kanyang ina noong nakaraan lang. Malinaw parin sa kanya ang itsura ng kanyang ina ng ngumiti ito sakanya.
Si Calix!
Oo nga pala ngayon ang araw na napag kasunduan nila!
Natawa si Siargao dahil sa ikinalungkot ni Calix.
Pirmi na ang desisyon nya kahit noong bago pa niya malaman ang katotohanan tungkol sa katauhan niya pero may mga katanungan parin sya lalo na sa pinagmulan niya.
Hindi na sya nag isip pa masyado alam niyang balang araw ay masasagot din ang mga ito.
Hinintay nalamang niya ang pag dating ni Calix.
Gabi na ng makarinig si Siargao ng kalus kus kaya nagseryoso sya at pinalungkot ang mukha.
"Siargao" malumanay na tawag ni calix.
Nilingon ni Siargao ang kasintahan. Malungkot ang mga mata nito kahit walang emosyon ang pinapakita niya. Suot nanaman nito ang mukha ni Ezekiel. Pero ayos lang sakanya. Napakagwapo ng mukha nito, noong totoong mukha niya. Parang natatakot syang ipakita iyon sa mundo.
Ibinalik niya ang atensyon sa dapat na topic nila ngayon.
"Calix, pupunta ako. Pupunta ako sa palasyo ng piniks. Pupunta ako sa beast clan continent."
Determinadong sabi bi Siargao habang inoobserbahan ang reaksyon ni Calix.
Kinagat ni Calix ang ibabang labi niya at pinilit na kalmahin ang sarili.
"Sasabihin ko kay Blake" ani niya at pilit na ngumiti.
Hindi na kailangang diretsahin ni Siargao alam na niya ang naging desisyon ng kasintahan.
Pag pinili nitong umuwi sa palasyo mawawalan na sya ng pag asa. Ang piniks ay para sa dragon kung walang emperador.
Kahit na may dugo si Calix na emperor beast, anak sya sa labas.
Hindi papayag ang phoenix clan na ipag isang dibdib si Siargao sakanya. Sino si Siargao? Siya ang nag iisang anak ng royal princess!
"Kay blake? Bakit kay blake?"
Nabasag ang pag arte ni Siargao sa sinabi ni Calix. Anong gagawin ni Blake? Bakit napasok si Blake sa usapan?
"Ang piniks ay para sa isang dragon lalo na kung walang emperador. Sabi mo gusto mong pumunta sa palasyo niyo. Iisa lang ang ibig sabihin non tatanggapin mo na ang dragon. Ako-"
"Anong pinagsasabi mo? Hahahahaha" hindi na kinaya ni Siargao at bigla nalang humagalpak ng tawa.
"Bat ka tumatawa?"
"Pupunta ako don kasi mag papakita lang ako at ang punto ko talaga ay para hingin ang kamay mo sa iyong amang emperador! Hahahaha anong dragon at piniks?! Hahaha hindi mo ba pinanood ang memory bead?"
"Pinanood ko."
"Edi sana alam mong hindi ako pwede sa dragon. Ikaw na din may sabi noon hindi purong piniks ang prinsepeng nawawala. May dugo ako ng isang devil!" Ani ni Siargao at pinalabas ang lilang kapangyarihan niya.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...