2: part 1

1.1K 96 5
                                    

Isang buwan na ang lumipas mula ng pumanaw si Ginoong Hulo at bumalik na sa normal ang ang buhay ng buong pamilya maliban kay Siargao na isang buwan ng hindi lumalabas sa kanyang kubo.

Ang kubo na pinamana ng lolo niya sa kanya kung saan sya pinalaki ng lolo niya.

Isang linggo matapos ang libing ay natanggap na ng bawat inapo¹ ni Ginoong Hulo ang kanilang mga mana lahat ay nakita na ang mga iyon pero si Siargao tinitigan lamang ang baul na mana niya ng buong isang linggo.

Kung hindi dahil sa dalawa niyang pinsan na araw araw siyang binibisita upang dalhan ng pagkain ay baka buto't balat nalang si Siargao.

Pero kahit ilang beses nila itong dalhan ilang subo lang din ang nakakain ng binata. Nais mang mainis ng kambal pero hindi nila magawa lalo na pag napupunta ang malungkot na mata ni siargao sa mga pwesto na madalas kinaroroonan ni ginoong Hulo.

Mabuti na lamang at nitong nakaraang linggo ay medyo bumuti na ang lagay nito, kumakain na sya ng mas madaming subo hindi man kasing takaw noong buhay pa ang lolo nila pero ang mahalaga kahit papaano ay kumakain na ito.

Ang dalawang pinsan na ito ay ang kambal niyang pinsan na tulad niya ay malapit rin sa namayapang Ginoo.

Si Heter at Heder Balaraw. Parehas na mandirigma ang dalawa at nasa Peak- Sage level pareho. Maliban kay Ginoong Hulo ang dalawang ito lamang ang tumanggap kay Siargao sa kabila ng pagiging Zenless nito kaya malapit sya sa dalawa.

Tulad ngayon, muling bumisita ang dalawa sa kubo ni Siargao.

Walang katok katok na pumasok si Heder at bumungad sa kanya ang makalat na kubo ni Siargao. Hindi na iyon bago dahil natural na burara ang ading² nila pero bilang isang babae agad nainis si Heder at pinasok ang kwarto ni Siargao kung saan nakahilata pa ito kaya lalong nag usok ang ilong nito.

"SIARGAO! NANGINGITLOG NA ANG MGA MANOK TULOG KA PARIN!? ANG KALAT KALAT NG KUBO MO ANG BURARA MO TALAGANG BATA KA! GISIIIING! Gumising ka jan! GISING SABIIIII! "

Napabalikwas si Siargao sa gulat. Gulat na gulat itong napatalon mula sa kama niya at nagtabon ng kumot sa sulok.

Nang makita niyang si ate Heder niya ang sumigaw ay gusto niya sana itong sumbatan kaso naalala niyang amasona nga pala tong pinsan niya. Sya lang ang kawawa pag sinumbatan niya ito.

"Heder, ang ingay mo pede namang wag sumigaw eh. Bumangon ka na Siargao at mag ayos ng itsura papunta rito si Apo Joseph makikita niya yang itsura mo. Nasa banyo na iyong balabal mo. Bilisan mong kumilos ihahanda ko na tong umagahan na dinala namin."

Maliban sa lolo niya ay alam din ng kambal ng totoong itsura ni Siargao.

Hindi sya naipanganak ng ganun ang itsura. Nagbago lamang ang itsura niya ng tumuntong sya ng 7 taong gulang 3 taon mula ng inako sya ng namayapang ginoo. Dahil napakamisteryoso ng pangyayari noon ay inilihim nila ito.

Bagama't sinabihan syang magpakatotoo ng lolo niya pakiramdam niya ay hindi pa ito ang tamang panahon.

Hindi niya alam kung bakit pero pag  wala ang balabal niya at pag inilantad niya ang tunay na anyo niya sa labas ng kubong ito pakiramdam niya nasa bingit sya ng panganib.

Walang imik na tinungo ni Siargao ang palikuran at nag hilamos bago ibinalot ang balabal sa kanyang ulo. Nagbago ang itsura niya, ang mala nyebe niyang kutis ay naging kayumanggi ang manipis at pula niyang labi ay medyo kumapal at nagkulay kayumanggi at ang kanyang kayumangging mata ay naging itim.

Nang lumabas sya sa palikuran ay tinungo nya ang kanyang maliit na kusina kung saan nag hahain ang kuya Heter niya samantala nagwawalis naman ang ate Heder niya.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon