Agad naalarma si Ash na nasa tabi niya lamang.
Agad itong lumapit kay Kayser.
"Master what's wrong-"
"AHHHH AHHHH WAHHHH" pumalahaw ng iyak si Kayser habang tinatakpan ang mata.
Agad na kumabog ang puso ni Damon. Ito ang unang beses na makita niyang umiyak ang apo kaya nag aalala siya. Nilapitan niya ito at akmang aalisin ang maskara para punasan ang nga luha ng matauhan siya ng makita si Calix na lumuhod din sa tabi niya.
"What's wrong little one?"tanong nito.
Hindi sumagot si Kayser at iyak lang ng iyak.
Tumingala si Venus at napagtanto kung bakit biglang umiyak ang little master.
A freaking snake is weaving it's tail up above.
Hindi lang siya maging si Rina ay nakita iyon.
Naglabas ng latigo si Rina at pamilyar na pamilyar iyon kay Siff.
Agad namutla ito ng makita ang pamilyar na latigo.
"How dare you scare my little cousin!"sigaw nito at tumalon bago umapak sa balikat ni Atsui saka nilatigo ang ahas.
Agad na nawala ang latigo bago pa man ito makita ng kambal.
Bumagsak mula sa kisame si Siff.
"WAHHH SNAKE!ESHNAAAAAKE PAPA!PAPA HUK HUK HUK! DADDY ..."
"..."
"..."
"..."
natuod si Calix ng biglang dumamba si kayser sakanya matapos sambitin ang daddy ng nakatingin sa kanya ang luhaang mata nito.
Biglang kumabog ang puso niya at sa hindi malamang dahilan ay otomatikong binuhat niya ang bata at siyang humarap kay Siff na para bang kalaban ang huli.
"..." si Siff na hindi maintindihan kung bakit siya kinatakutan ng batang lalaki, kung bakit siya hinampas ng batang babae, kung bakit pamilyar ang latigo AT KUNG BAKIT KUNG TIGNAN SIYA NI CALIX AY PARANG KALABAN SIYANG PUMATAY SA BUONG ANGKAN NITO.
Iritadong nilisan ni Siff ang bulwagan.
"Shh Kays stop crying na. No more snakes. No more na." lumapit si Rina kay Kayser habang binabanggit ang mga katagang ito.
Tila naman may nag replay sa utak ng kambal.
Noong bata si Siargao ganto din ang nangyare, nakakita ng ahas si Siargao at naghihiyaw sa iyak. Si Heter ang bumugaw sa ahas at si Heder ang nag ayo sa batang Siargao.
Hindi napansin ng dalawa na walang kurapan nilang tinitigan si Kays at ang batang babae.
"Hey, the snake is gone now." Ani ni Calix sa mahinang boses habang hinahagod ang likod ng bata.
Lumingon lingon si Kayser sa paligid at ng makitang wala na ang ahas sinisinok siyang iniharap ang nanunubig niyang mata kay Calix.
Parang pinipiga ang puso ni Calix sa itsura ng bata.
"Tha- thank you da- your majesty." Nauutal na turan ni Kayser na muntik pang madulas.
"Your majesty we beg your forgiveness for soiling your clothes. Our young master, he's afraid of nothing except snakes." Paliwanag ni Venus na nakayuko.
Lumapit si Atsui kay Calix at akmang kukunin si Kayser pero nanatili itong walang kibo.
Kinulbit ito ni Ash sa hita.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...