63

568 49 0
                                    

Matapos ireserba ni Calix ang pangalan niya para sa kukuha ng misyon ay nagtungo na sila sa pinakamalaking gusali sa buong equador kung saan gaganapin ang subasta.

Mahaba ang pila pero dahil sa katauhan ni Kiri ay hindi na nila kailangan pang pumila.

Diretso na sila sa loob.

Nang makarating sa loob, napahanga sina Siargao sa lawak ng arena na bumungad sa kanila. Mula sa kinatatayuan nila na tapat ng pintuan ay may mga upuang pababa.

Sampong hilera ng pababang upuan at sa baba nito ay mga kwarto na nakalaan para sa may mga espesyal na katauhan. Sa baba ng mga kwarto ay ang entablado na balot ng kurtina.

Kalahating bilog ang itsura ng entablado. Ang kalahati nito ay pader na, may dalawang pinto sa magkabila nito.

Sa kasalukuyan ay bumababa sila patungo sa hanay ng mga kwarto para sa mga may espesyal na katauhan sa pangunguna ng isang tagapangasiwa.

Nang papasok na sana sila sa silid ay nagbukas ang pinto ng katabi nitong silid at may isang magandang babae na pinalilibutan ng kawal at katulong ang lumabas dito.

Napataas ang tingin ni Heder at Ysay sa suot nito.

Pano ba naman may telang nakadakip nga sa dibdib nito pero ang ibang parte ay meron lamang see through at sikip na pantalong gawa sa silk ang pang ibaba, hapit na hapit. Sa balikat nito ay may balabal na gawa sa balat ng hayop.

"Hindi bat ang mahal na prinsesang Kiri ang nasa harap ko ngayon? What a rare guest!" maarteng ani nito na na kay Kiri ang tingin.

"Tignan mo nga naman wala kang kasamang mga kaibigan mong hampas lupa ngayon. Saang paraiso mo naman nakuha ng mga ito? Anong gayuma ang pinainom mo sa kanila para maging kasama mo?" Dag dag nito.

Napairap si Kiri at humalukipkip.

"Hindi bat ang anak ng ministro na si Kareen ang nasa harap ko ngayon? Para ipaalala ko sa iyo, tayong mga beast clan ay hindi tinatablan ng gayuma, napag aralan natin iyan simula pagkabata. Mukhang nakalimot ata ang katiting mong utak. Saka bakit kaya wala kang kasamang pokpok ngayon? Himala ba?"

"Hiyang hiya naman sayo. Parang hindi mo naman inibig ang pokpok na sinasabi mo."

Napatiimbagang si Kiri.

"Kiri? Kilala mo sya?" masungit na tanong ni Heter na kinurit ni Heder para lapitan si Kiri na halatang wala ng masabi.

Nagulat si Kiri at natulala sa masungit na mukha ni Heter.

Napabuntong hininga si Heter. Hindi niya gusto ang ginagawa niya ngayon okay? Pinilit lang sya ng kambal niya dahil sa radar daw ng kambal niya na inaapi ng Kareen na ito si Kiri at dapat lang na ipagtanggol niya ang prinsesa. Botong boto dito kambal niya eh!

"Heter..."

"Wag ka ng mag aksaya ng oras dito, pumasok na tayo."

Hinapit ni Heter sa bewang si Kiri at binulungan.

"Sumakay ka nalang."

"..."

Naguguluhan si Kareen na napabaling kay Heter at sa kamay nito sa bewang ni Kiri.

Nalatayan ng inggit ang mata niya ng makita kung gano kagwapo si Heter. Maganda din naman sya ah! Mas maganda pa nga sya sa Kiri na to! Anong nakita ni Heter sa Kiri na to?!

"Tss, ang bilis ah wala pang isang buwan nakabingwit ka na agad. Ginoo kung ako sayo lalayuan ko ang babaeng iyan, bukod sa desperada sa lalaki ay malandi din kaya pinaglalaruan-"

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon