Sabay na nagising sina Siargao at Siff. Si Ravenna ay naunang nagising pero dahil nakita niya si Siff ay nanatili sya sa anyong espada.
Tahimik lamang sya at iniisip ang nangyare kagabi. Tinitigan niya lang si Siargao pero hindi niya ito ginising kanina.
Nagkatinginan sina Siargao at si Siff na nagtataka kung pano sya napunta sa loob ng kubo at kung bakit nasa katawang tao sya samantala kagabi ay nasa labas lamang sya dahil inutusan sya ni Calix na bantayang maigi si Siargao.
Ang naaalala niya lang ay nasa bakuran sya ni Siargao kagabi ng-
Tama may sumakal sakanya at, at, at- wala na syang maalala.
"Anong ginagawa mo dito Siff?"
"Binabantayan ka-"
Nakagat ni Siff ang labi niya. Binabantayan? Eh wala nga siyang nagawa kahapon! Nasakal sya ng hindi manlang niya nakita kung sinong sumakal sakanya, nahimatay sya at hindi na sya nagising kahit napasok na si Siargao sa loob.
Tila naiintindihan naman ni Siargao ang iniisip ni Siff at mahinang napangiti ng makita ang nakakunot nitong noo at tila sinisisi ang sarili ng palihim.
"kalimutan mo kung ano mang nangyari kahapon, ligtas naman tayo eh. Wag mo na ding banggitin ito kay Calix."
Tumango lang si Siff pero naka krus ang dalawang daliri niya sa likod.
Kailangan niyang sabihin! Kahit na kapalit noon ay bugbugin siya ng kanyang mylord dahil wala syang nagawa!
Ganun sya katapat kay Calix.
Pinalabas na sya ni Siargao at mabilis itong lumabas para mag ulat kay Calix.
Nag anyong tao si Ravenna ng masiguradong wala na si Siff.
"Siargao. Kagabi..."
Napahawak si Siargao sa kwintas na nasa leeg niya. Naaalala niya lahat lalo na ang haplos ng babaeng iyon.
"Walang nangyare kahapon. Napasobra lang ako sa pag eensayo kaya nawalan ako ng kontrol."
Tinignan ng maigi ni Ravenna si Siargao pero talagang wala itong plano na sabihin ang nangyare kaya kahit ayaw niya ay hinayaan nalang niya ito.
Napakunot ang noo ni Ravenna.
" wala akong maramdaman na enerhiya o maging presensya mo. "
Lalong napahigpit ang hawak ni Siargao sa kwintas. Pakiramdam niya ay dahil iyon sa kwintas dahil maging sya ay naramdaman niya ang pag gaan ng enerhiya at katawan niya. Para syang hangin.
Huminga sya ng malalim at ipinagsawalang bahala muna niya ang babae. Sa ngayon kailangan niya munang mag ensayo para makapasok sa top 5 para sa kutob ng lolo niya na dapat nilang kumpirmahin.
"Ravenna mag eensayo ako pag dumating sina ate o kuya kumatok ka ng tatlong beses."
Tumango lang si Ravenna at kumuha ng ubas sa kusina at mga libro.
Pumasok ulit si Siargao sa kwarto at nag simulang magbasa ng mga libro ng salamangka.
Tatlong araw ang ginugol niya sa pagbabasa at sa tatlong araw na iyon ay isang beses lang dumalaw ng kambal dahil abala din sila sa pag eensayo.
Hindi na mag dududa si Siargao na makakapasa ang dalawa dahil natural na henyo ang kambal lalo na pag magkasama.
Pero sya? Haysst marami pa syang kakaining bigas.
Sa pang apat na araw ay nag simulang magensayo si Siargao na magluto ng gayuma. Pero ngayon gusto niyang subukang mag imbento.
Nais niyang isama sa isang nakatanim na halaman ang gayuma. Naisip niya ito ng makapasok sya sa kanyang dimensyon.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantastikSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...