Matapos ang kompetisyon ay binigyan ng dalawang araw ang mga napiling top 5 ng bawat sekta para magpahinga bago ang paglalakbay patungo sa treasure ground.
Nagdiwang ang bawat sekta para sa kanilang mga top 5. Pero mayroon paring mga nanghinayang lalo na ang ibang mga baguhan.
Sa sekta nina Salamangka ay bida sina Via, Blake, ley, Celine at Siargao.
Usap usapan din ang ginawa ni Siargao pero iwas ang mga sagot niya. Kahit nakapasok sya sa Ranking ay dismayado parin sya dahil palpak ang ginawa niya. Pero ang mahalaga ay matutuloy ang plano nila at makakasama pa niya si Calix sa paglalakbay. Kahit na alam niyang hindi magiging matiwasay ang paglalakbay.
Hindi nakilahok ang mga elders at headmasters sa mga pagdidiwang ng mga sektang hawak nila dahil hindi parin sila natutuwa sa mabilisang pagpapapatimpalak. At isa pa masyadong kaunti ang top 5 bale labing lima lamang na mag aaral ang maglalakbay sa treasure ground.
Madaming reklamo ang lahat pero sa harap ng owner, hara at raja ay wala ni isang tanong ang lumabas. Wala din kasi si Elder Myrr kaya lalong walang lakas ng loob ang lahat.
Umalis si Elder Myrr dahil may aasikasuhin daw ito pero batid ng lahat na papunta ito sa apo niya para mag usisa tungkol sa ginawa nito kanina. Kung bakit ba naman kasi si Myrr pa ang naging lolo ng batang iyon.
Hindi naman sila nagkakamali. Matapos magpakita ni Siargao sa pagdiriwang ay tumakas ito patungo sa kweba hindi para mag tanungan at magsagutan tungkol sa ginawa niya kundi para pag usapan ang plano nila.
Nang makapasok sa kweba ay gumamit sya ng barrier talisman maging si Siff ay nakulong sa labas at walang marinig. Hindi niya rin mabasag ang barrier dahil pinatungan ni elder Myrr ng spell ang talisman.
Inis na umalis si Siff at nagsumbong kay Calix.
Sa loob ng kweba ay nakalatag ang isang lumang mapa sa batong mesa.
"Ito po ba ang mapa ng treasure ground?"
"Oo, pinuslit ko lamang ito. Makinig kang mabuti, binisita ko na ang treasure ground noong nakaraang linggo matapos kong makakuha ng mga sky level high grade Barrier talismans at kalahating porsyento ay tama ang hinala ko."
Napaseryoso si Siargao. Kung ganon ay may kinalaman nga ang owner at palasyo sa mga living corpse.
Naghinala rin naman si Siargao pero ayaw niyang paghinalaan ang owner at palasyo pero maski si elder Myrr ay ganun din ang hinala eh!
Nagsimula ang kutob nila ng mapagtanto na soul trapping crystal ang sentro ng mga living corpse at ang akademya pa ang unang sinugod. Kung nasaan ang mga mag aaral na may mga nalinang na souls.
Mas malakas na souls mas makakabuti para sa mga demons.
Isa pa bakit biglang nawala ang mga living corpse at walang lumabas na demon lord. Hindi sila nag tagumpay? O naghihintay lang ulit sila ng tamang panahon?
Para kina Myrr at Siargao ang tamang panahon ay ang ranking contest. Pero jindi nagparamdam ang kabilang panig at iisa lang ang naiisip nina Siargao at Myrr. Ang pag alis ng mga elders at tanging ang headmasters at mga karamihan ng estudyante ang maiiwan sa akademya.
Bakit minagmamadali ng owner at palasyo ang ranking contest?
Dahil nauubusan na sila ng oras! Ang pag aalay ng kaluluwa sa isang binubuhay na demon lord ay dapat tuloy tuloy kung makukulangan mababalewala lahat.
Bakit binabaan ng owner ng halos ilang daan ang pwedeng pumasok sa treasure ground?
Para mas marami ang matira sa akademya!
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasíaSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...