Hindi makapaniwala ang mga nasa arena dahil sa isang tao.
Ang taong kung magwaldas ng pera ay parang hindi mauubusan!
Pano ba naman, isang pares ng magic Earrings 3 million gold coins.
Isang familiar na bata palang at wala pang abilidad, 100 million gold coins!
GOLD COINS!
Isa ba itong diyos ng kayamanan?!
Para sa batang familiar 100 million gold coins?!
Nabulunan ang nagsasalita at nanigas na ang taga taas ng board, habang ang bata sa selda ay natuod sa presyo na tinapon ng lalaking kanina lang ay katitigan niya.
Hindi niya maipaliwanag pero parang may bumubulong sa isip niya, bulong ng koneksyon ng isang Familiar sa destined master nila. Kaya sya naluha kanina ay dahil kumabog ang puso niya at naramdaman niya na may taong magliligtas sakanya mula sa impyerno.
At hindi sya nabigo niligtas sya ng lalaking iyon.
Ang tungkol sa destined master ay isang sekreto sa lahi ng mga familiar na kahit ang bagong anak ay alam ang tungkol dito pero hindi nila pwedeng sabihin sa ibang lahi.
Ang koneksyong iyon ay ang matagal ng nawalang koneksyon na meron ang isang familiar at ang master nito. Ang sacrifice bond.
Kinagat ng bata ang ibabang labi niya hindi niya alam kung swerte ba sya o hindi dahil sa tingin niya ay nakatagpo niya ang destined master niya, pero hindi na niya iyon inintindi, hindi sya makapaniwala na ganun kalaki ang bid ng binata para sakanya gayong wala pa syang silbi dahil isa pa lamang syang paslit.
Nagpatuloy ang subasta at ibinalik na sa back stage ang selda kung saan mamaya ay tutubusin nina Siargao ang mga kinuha nila.
Natapos ang subasta ng madaling araw at tatlo sa sampong naisubasta ay napasakamay ni Siargao. Ang Protection Earrings, ang familiar at ang pang sampong item ang isang beast egg. Walang nakakaalam kung anong beast ang nasa loob basta malaking gintong itlog ito. Nagustuhan ni Siargao iyon kaya binili iyon ni Calix para sa kanya. Kahit 3/4 ng nasa bulsa niya ang nagastos para dito.
Nang matapos ang subasta hindi kinailangan nina Siargao na pumunta sa back stage para tubusin ang mga binili nila dahil kusa silang pinuntahan ng mag ari ng arena dala dala ang mga items nila.
Nais niyang makilala kung sino ang dyos ng kayamanan na halos gibain sa gulat ang buong arena kung paano mag bid.
Pagpasok ng may ari sa Silid ay hindi sya makapaniwala na isang binata ang ngayo'y tanyag na dyos ng kayamanan.
"Kinagagalak kitang makilala. Ito na ang mga nakuha niyo." maingat na ini abot ng may Ari ang earrings pati ang batang familiar na ngayon ay nasa maliit na seldang kahon at isang gintong itlog.
"Pakawalan mo ang bata." ani ni Siargao na kinagulat ng may ari ng arena.
Delikado pag ginawa niya iyon. Pano nalang kung mag wala ang bata? Nang unang tinanggap nila ang bata ay nagwala ito at kahit bata palang ito hindi niyon naitango ang pagiging familiar niya! Tatlong staff nila ang bugbog sarado para lang kabitan ito ng power restraining bracelet!
"pero,"
"Pakawalan mo ang bata" ulit ni Siargao sa kalmadong tono.
Sa parte nina Blake hindi sila natatakot dahil batid nilang may dalawang royalty beasts sa kanila kung sakali man talagang mag wala ang batang familiar gagamitin nila ang oppression nila bilang mga royalty beasts.
Pero para kay Siargao hindi makatarungan na ikulong sa selda ang isa lamang paslit.
Beast clan ito oo, pero hindi ito isang savage beast! May muwang na ito at nakakaramdam ng pangliliit!
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...