109

388 35 1
                                    

Pagkabalik ni Damon sa palasyo tulog pa ang mga tao doon.

Papasikat pa lamang ang araw.

Akma na siyang liliko papunta sa kwarto nila ni Sierra ng mahagip ng gilid ng paningin niya ang likod ni Calix.

Wala itong kasamang alipin at mag isang naglalakad.

Hindi na ito sinundan pa ni Damon kung hindi siya nagkakamali ay sa opisina ito pupunta.

Marahil ay hindi nanaman makatulog.

Ipinagpatuloy ni Damon ang paglalakad papunta sa kwarto nila.

Hinawakan niya ang door knob at akmang papasok na ng matigilan siya.

Napunta sa kamay niya ang mga mata niya.

Naalala niya muli ang kalagayan ni Siargao kanina.

Nakita na niya muli ang anak niya.

Noong huling beses niya itong makita, duguan ito at wala ng buhay.

Ngayong nakita niya itong muli,

Duguan nanaman ito pero dahil kailangan niyang mabuhay.

Napabuntong hininga siya at winaglit ang mga isipin.

Pinihit niya ang pinto at pumasok sa loob.

Tulog pa si Sierra.

Walang tunog siyang lumapit dito at naupo sa sahig kung saan katapat niya si Sierra.

Hinawakan niya ang pisngi nito at tinitigan ang buong mukha.

What would you do if it was you watching our son bleeding like that?

Would you feel bad? Guilty? Miserable? Helpless?

Will you cry?

Sierra, I feel so powerless. I watched him bled.

I heard him cry because of the pain.

And I saw his child's helplessness.

Our grandson. Our little grandson.

Yumuko si Damon at ipinatong ang ulo sa kama.

"What's wrong?"

Pinatong ni Sierra ang palad niya sa nanlalamig na palad ni Damon na nasa pisngi niya.

Nag angat ng tingin si Damon at nagtama ang mga mata nila.

Nagtataka ang mga mata ni Sierra habang namumula naman ang kay Damon.

Agad na bumangon si Sierra at umupo sa gilid ng kama para makatapat ng ayos si Damon.

Hinawakan niya ang pisngi ng asawa at pinakatitigan ang mga mata nito sa loob ng maskara niya.

"What happened?"

Hinawakan ni Damon ang mga kamay ni Sierra na nasa magkabilang pisngi niya.

"I love you."

Napataas ng kilay si Sierra. Inalis niya ang maskara ni Damon.

Magkamukhang magkamukha sila ni Siargao. Pero may itim na puso lamang ito sa ibaba ng kanang mata.

Ito ang insignia ng pamilya nila. Pagkapanganak ay itina tatu ito sa mga inapo nila bilang kasapi ng devil family nila.

Ito din ang dahilan kaya laging naka maskara si Damon.

Kinamumuhian niya ang tatung ito na hindi maalis alis.

"Is there something wrong. You can tell me." Ani ni Sierra at hinaplos ang pisngi ni Damon na may tatu.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon