Napatukod si Siargao sa ding ding ng pinto niya. Madaling araw na siya ng maka uwe at wala pang tatlong oras ang tulog niya pero heto ginising na siya ni Ravena.
Matapos ang pwersahang pakikipag kontrata ni Ravena kay Siargao kahapon ay inutusan niyang magdeklara ng Closed Door Training silang dalawa.
Sa panahong iyon mag eensayo sila ng walang tigil maliban sa pag kain at tulog ay puro ensayo ang gagawin nila hindi rin pwede ang pagbisita maging ng ate at kuya niya kaya sapilitan na sya ang magluluto ng sarili nyang pagkain sa panahon ng closed door training niya.
Unang araw palang napapaisip na si Siargao, sino ba ang amo ako o ang buang na sword spirit na to?!
"Hoy! Ano pang tinatayo tayo mo dyan?! Halika na dito. Nakita ko tong barrier talisman sa secret room mo sa level nito pwede itong umabot ng dalawang linggo. Sa loob ng dalawang linggo dapat mabuo na natin ang teamwork sa pagitan nating dalawa."
Kapal mukhang mag utos ah sino amo dito ikaw?! Ayaw ko nga!
"Masusunod. Mag simula na tayo."
"Batid kong marunong ka ng humawak ng normal na sandata kaya sisimula natin sa pagkonekta ng enerhiya sa sandata."
"teka zenless nga ako pano ko magagawa yon?!"
"bobo sabi ko enerhiya hindi zen. Sang kangkungan ba galing yang utak mo ke bobo eh?"
Ikaw ang bobo! Ikaw ang pinakabobo sa mga bobo!
"Tssk. Wag mong sabihing hindi ka marunong? Ano bayan magsisimula tayo sa basics. Ganto makinig ka. Ang zen ay mahika na nasa noo ang bukana, maliban sa Zen may isa pang tinataglay ang mga tao iyon ay ang enerhiya well hindi lahat pero sa lagay mo ganun na nga. Kumpara sa mga demonic beast maliban sa mahika ay mayroon din silang enerhiya na mas makapangyarihan kaysa sa mga tao. Ikaw dahil isa kang *ahem"
"Gusto mong tubig?"
"may sinabi ba ako?!"
Taas kilay na sumbat ni Ravena.
Bwisit na Espirito ito nagmamagandang loob na nga ang taray pa. Mamatay ka sana sa uhaw!
"asan na nga ako?"
"yong bandang dahil isa akong *ahem"
Panunulad ni Siargao.
"Bobo, nasa bakuran mo ako"
凸(-_-)凸
" ayon na nga dahil isa kang zenless Mas makapangyarihan ang enerhiya mo kaysa sa iba. Pwede mo itong magamit sa pakikipaglaban, magpanday at pag gawa ng potions. Pero! Pero mas madali kang mapapagod kaysa sa mga may zen. Liban nalang kung demonic beast ka. Ang demonic beast walang zen pero may bloodline power, inherit power at makapangyarihang enerhiya."
"Pero hindi nga ako Demonic Beast."
"Ambisyoso wala akong sinabi na demonic beast ka."
Ikaw ang ambisyoso! Ikaw ang pinaka ambisyoso sa mga ambisyoso!
╭∩╮(-_-)╭∩╮"Simulan na natin step by step. Ipikit mo ang mga mata mo. Kumpara sa zen na nanggagaling sa gitna ng noo, ang enerhiya ay umiikot sa buong katawan at nakasentro sa sikmura. Iblangko mo ang isipan mo at mag concentrate ka. "
Agad sinunod iyon ni Siargao. Habang nakatayo sya ay ipinikit niya ang mga mata nya. Inalis nya lahat ng iniisip nya saka nag concentrate.
Ramdam niya ang paggaan ng pakiramdam niya.
"Ngayon mararamdaman mo ang kakaibang enerhiya mula sa sikmura mo. Ituon mo ang pansin mo doon ikalat mo ang pakiramdam sa buong katawan mo."
Ang pinapagawa ni Ravena ay ang pagbubukas ng Energy passage kung saan ang nakaselyong enerhiya ay ikakalat sa katawan. Sa totoo lang ay delikado ang bagay na ito. Ang mga kulang sa konsentrasyon ay maaaring maparalisa at hindi na makakilos panghabang buhay. Pero syempre hindi niya ito sasabihin sa duwag niyang amo.
Tulad ng sinabi ni Ravena ay naramdaman niya ang enerhiya sa sikmura nya. Habang tumatagal at nararamdaman nya kung gaano kalakas iyon.
Nagwawala iyon na para bang gusto niyang kumawala pero hindi nito magawa.
Hindi niya agad pinakawalan iyon sa halip ay pinilit niyang pakalmahin iyon. Hindi niya alam pero may nag uudyok sa kanya na pag pinakawalan niya iyon ng nagwawala ay malaki ang epekto sakanya.
Habang pinapanood ito ni Ravena ay hindi nya mapigilang hindi mapahanga.
Nagulat sya ng maramdaman ang lakas ng enerhiya ni Siargao pero mas nagulat sya sa ginawa nito. Imbes na pakawalan iyon na maaaring magdulot ng masamang epekto ay pinilit niya itong pakalmahin.
Nakakamangha para sa isang baguhan na walang alam sa technique na ito.
Halos isang oras niyang pinakalma ang nagwawalang enerhiya. Pawisan na sya pero hindi niya alintana iyon.
Ng tuluyan ng kumalma ang enerhiya ay pinakalat niya iyon pababa at pataas. Mabagal ang proseso niya pero stable.
Nang sakupin na hanggang paa niya ay gumaan ang pakiramdam niya na parang ramdam niya ang bawat daloy ng kanyang enerhiya hanggang sa dulo ng daliri ng paa niya.
Tulad ng ginawa niya doon ay dahan dahan din niyang pinaangat ang enerhiya hanggang dibdib niya pero laking gulat niya ng umabot iyon sa puso niya ay bigla syang nakaramdam ng pambihirang sakit.
Agad niyang nalasahan ang lasa ng dugo sa bibig niya.
Nang makita ito ni Ravena ay napangisi lamang ito.
Hindi niya akalain na makokompleto ito ni Siargao sa loob lamang ng isang araw, sa loob ng tatlong oras.
Nang maikalat na niya ang enerhiya sa buong katawan niya ay agad syang umubo ng dugo. Maliban doon ay wala ng komplikasyon syang naramdaman.
Naging alerto ang pandama niya sa paligid na maging ang pagkahulog ng dahon sa lupa ay naririnig niya.
"Anong nangyayare?! Naririnig ko kahit ang pagkahulog ng dahon at gamit ang pandama ko ay nasasaisip ko ang posisyon noon ng malinaw!"
Hindi makapaniwalang saad ni Siargao. Sa tanang buhay niya ngayon lang sya nakaranas ng ganito, nang kapangyarihan na simula kapanganakan niya ay hindi niya naramdaman at nanatili lamang sa panaginip niya.
Lo! Nakikita mo ba ito?! Hindi na ako walang kwenta at basura tulad ng sinasabi at pinapamukha ng angkan natin! Tumingala siya at napapikit na tila kinakausap ang lolo niya.
"Kung ako sayo kakalmahin ko ang enerhiya ko. Umaawas ang enerhiya mo pag nagpatuloy yan manghihina ka."
Tulad ng sinabi ni Ravena ay nanghina si Siargao. Naalis niya ang selyo ng enerhiya niya dahil wala syang kontrol dito ay umawas iyon at patuloy na nababawasan ng malaking halaga kaya tuluyang nanghina si Siargao.
Nang makita ito ni Ravena ay agad niya itong pinagalitan.
"Bobo! Anong tinitingin tingin mo dyan?! Ibalik mo sa dati ang enerhiya mo! Ano hihintayin mong maubos yan at mamatay ka? Bobo ka talaga!"
Mas bobo ka! Ituro mo kaya pano ko malalaman ano yun babalik ako sa nakaraan?!
"Ipikit mo yang mata mo! Kung kanina ikinalat mo ngayon ibalik mo sa sikmura mo. Dahil bukas na ang energy passage mo mag le-leak iyan paunti unti kada minuto. Ngayon ang misyon mo ay kontrolin ang enerhiya mo. Gamayin mo at pasunurin sa gusto mo. Hindi tayo aasenso hangga't may nararamdaman akong pag awas!"
Huling sabi ni Ravena bago pumasok sa kubo, kahit na magaling na kasi ang sugat nito ay nanghihina parin ito.
Tulad ng ginawa niya kanina ay nag concentrate sya ng pangmalakasan bago unti unting binalik sa sikmura niya ang Enerhiya niya na umabot ng tatlong oras din.
Tulad nga ng sinabi ni Ravena ay may tagas na enerhiya. Nais nya pa sanang ituloy pero naubos na ang lakas niya. Isa pa kailangan niyang magluto mag isa lampas na ang oras ng tanghalian.
Kalahating araw palamang pagod na pagod na sya at unang step palamang iyon!
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...