34

675 67 3
                                    

Halos isang oras ang nakaraan bago nakabalik si Calix kasama ang alipin. Tapos na ang pag susukat ni Siargao saka lamang dumating ito.

"San ka galing?" tanong ni Siargao na syang unang nakakita sakanya.

"Banyo"

Hindi alam ni Siargao pero parang kakaiba ang aura ni Calix ngayon.

Walang emosyon ito tulad ng karaniwan pero, ang mga mata nito ay nakatitig sa ginang at parang galit ito?

"Seniorito, pinapatawag po kayo ng Apo."

Inakbayan ni Calix si Siargao at naglakad patungo sa upuan niya.

"..."

"Seniorito" bati ng elders at ng Apo pero ang mga mata nila ay nasa kamay nitong nasa balikat ni Siargao.

"hmm,"

"Mamamasyal ang mga kabataan ng aking angkan, nais niyo po bang sumama?"

"Kung nasaan si Siargao doon ako."

Napatingin ang lahat kay Siargao habang napatingin naman si Siargao kay Calix. May karera nanaman sa puso niya.

"Ha? Pero-"

Pinigilan ng Apo ang ginang sa balak nitong sabihin at nangiti kay Siargao.

"Syempre kasama din si Siargao, anak ko yan eh. Hahaha. Siargao ikaw na ang bahala kay Seniorito. Pag may nasabi ang Seniorito, mag uusap tayo."

Tinapik nito ang balikat ng binata bago umalis. Nag sialisan na din ang ibang mga elders at mga kabataan.

Nagtungo naman sa kubo ang kambal at si Siargao habang humiwalay si Calix saglit dahil may kailangan daw syang gawin.

Sa parte ng hardin kung saan may mga puting rosas ay may alipin na naghihintay. Ang alipin na kasama ni Calix kanina.

Nakatitig sa mga rosas si Calix ng maging si Sif ang alipin.

"Naniniwala sa mga kamalasan ang pamilyang balaraw. Bibigyan natin sila ng kamalasan mamayang gabi sa oras ng pagtitipon. Bigyan mo ng kamalasan ang ginang."

"Yes my lord."

Naging alipin na muli si Sif habang napangiti naman si Calix ng puno ng kasamaan.

Pumitas sya ng isang oras at dinilaan ang ibabang labi. Napangiti ulit sya ng nalanta ang rosas at naging abo.

****

Tatlong karwahe at pang apat ang karwahe ng seniorito ang nakaparada sa labas ng mansyon ng mga balaraw.

Agaw pansin ang karwahe ng seniorito dahil sa logo nito na syang logo ng akademya ng luzon.

Paglabas ng mga kabataan ay kanya kanya silang sakay sa mga karwahe. Nang masakay na sana si Siargao sa karwahe nilang magkakapatid ay hinila sya ni Calix at dalidaling isinakay sa karwahe niya na kinainis ni Heter pero hindi sya naka angal dahil sinamaan sya ng tingin ng kanyang ina.

Inis na tinignan ni Vierra ang buong pangyayari at padabog na sumakay sa karwahe.

Magulo ang buong byahe sa tatlong karwahe samantala nakabibinging katahimikan naman sa karwahe nina Siargao.

Hanggang sa makarating sila sa bayan ay nanatiling tahimik lamang ang dalawa.

Masama ang timplada ni Calix habang hindi pa nawawaglit ang tungkol sa lalaki kagabi sa isip ni Siargao.

Pagkarating nila ay sa pamilihan sila nagdiretso.

Sama samang namili amg magpipinsan at magkakapatid.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon