131

376 34 0
                                    

Mula ng dumating si Siargao ay gabi gabi ng nabalik ito sa kwarto ni Calix para doon matulog kasama si Kayser.

Sa umaga ay umaalis ito at bumabalik sa mansiyon matapos ang umagahan nilang tatlo.

Dahil dito, kaya naman naging maganda ang bawat umaga ni Calix.

Kumpara kay Heter na hindi parin kino contact ni Kiri.

Nagpadala na siya ng mensahe dito pero isang beses lang itong sumagot.

Abala pa daw siya at ito na mismo ang kokontak sa kanya.

Pero anong araw na? Bukas na ang feast of the beast!

Hindi nila alam kung ilang araw ang itatagal ng event na ito, kailan pa siya kakausapin ni Kiri?

Hinaplos ni Heter ang anak at itinaas ang kumot nito para makumutan ang katawan nito. Mahimbing parin ang tulog nito kahit na mataas na ang sinag ng araw. Hindi naman niya maatim na gisingin ito.

Hinalikan niya ito sa noo at naghanda na para sa morning session.

Bago siya lumabas ay tinawagan niya si Siff para sunduin si Rina.

Nitong mga nakaraan ay laging nasa anyong tao si Siff para mabantayan sina Rina at Kayser.

Wala siyang angal- angal lalo na at prinsepe at prinsesa ang dalawang ito.

Isa pa wala din kasi si Alexis kaya madami siyang libreng oras.

Nang makarating sa morning session si Heter ay tumayo siya sa unahan kasama si Hali samantala sa likod nila ay sina Heder at Ysay.

"His majesty has arrived!"

"Long live your majesty. "

Hinarap ni Calix ang lahat ng mga ministro at heneral na nakahanay sa magkabilang parte ng bulwagan.

"Stand up. Start reporting."

"Your majesty, this minister of treasury have something to report."

"Report."

"Your majesty, although the fund you gave is enough to fund our participants in the feast of the beast it is not enough to fund our participants. I ask for his majesty to raise the tax!"

Napakunot noo si Calix, ang hirap talaga ng usaping pera na ito.

"No need, someone is going to fund our participants. This issue, in the future we won't have problems anymore. Wait patiently."

"This minister obeys. "

Umatras na ang ministro.

Sunod naman na umabante pauna ay ang ministro na suki na ng report.

Ang ministro ng innercourt afairs.

Nag iwas na agad ng tingin si Hali, Ysay at si Heder.

Samantala masamang tinitigan ni Heter ang ministrong ito.

"Your majesty, our kingdom is a kingdom ruled by a great Rajah. We have gathered the three races under your rule. A great kingdom has a great ruler and a great ruler needs a companion that will stand by his side, giving him support and heirs. This matter can't be delayed no more."

Napabuntong hininga si Calix. Nais niyang ipaintindi na kaya niya pinangalanan na Siargao palace itong kaharian ay dahil para kay Siargao ito. Si Siargao na kanyang latuwang at ang isa pang ama ni Kayser.

Ang nag iisang tao na magiging katuwang at magdadala ng mga tagapagmana niya.

Pero hindi pa ito ang oras.

"The feast of the beast will be tomorrow, this matter is not something we can talk about right now." Ani lang ni Calix.

Kumunot ang noo ng ministro pero wala naman siyang magagawa lalo na at tulad ng sabi ng Rajah bukas na ang feast of the beast hindi ito ang oras para makipagiitan siya.

Nagpatuloy ang session hanggang sa patanghali.

Ng makalabas si Heter agad siyang nagdiretso sa hardin kung saan kumakain sina Rina, Kayser at si Siff.

Paliko na siya doon ng may kawal na lumapit sa kanya.

"General Heter, a letter came addressed to you."

"Thank you."

Binuksan iyon ni Heter at may liwanag na pumasok sa isipan niya.

"It's me, Kiri.

Let's talk at your room. I'm waiting."

Pagkabasa ni Heter noon hindi na siya nagpaligoy ligoy pa at pumihit na palikod at hinagis ang espada sa ere bago tumalon palulan doon.

Dahil sa weapon niya ay mas mabilis siyang nakarating sa kwarto niya.

Agresibo niyang binuksan iyon at bumungad sa kanya ang nakatalikod na pigura.

Pumasok siya sa loob at ginamit ang kapangyarihan para isara ang pinto at lagyan ng selyo ang kwarto.

Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng saradong pinto habang nakatitig sa nakatalikod na pigura ni Kiri.

"Kirriniah..."

Bulong niya.

Inilingon ni Kiri ang ulo niya kay Heter at ngumiti.

"Heter!" Ani niya habang nakangiti.

Nanginig ang labi ni Heter at agad lumapit kay Kiri at hinigit ito.

Pinaharap niya ito sa kanya at kinulong sa yakap.

"Kirriniah, Kiri..."

Hindi umimik si Kiri pero dahil nasa bisig siya ni Heter napunta sa dibdib ni Heter ang tingin niya kung saan nakasabit ang isang metal na balahibo ng isang peacock.

Sumilay ang ngiti sa labi niya at yinakap pabalik si Heter.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon