Halos hindi na makilala si Kiri ng matapos ang kaparusahan niya.
Nanlumo na nakasalampak si Siargao sa sahig habang nakatayo sa may pinto si Calix. Hindi sya makagalaw at tila naging bago na ang buong katawan niya.
Pare parehas ang reaksyon ng lahat ng kaibigan ni Siargao, tulala.
Wala sa sariling tumayo si Heter at lumapit kay Kiri. Binuhat niya ang walang malay nitong katawan at lumabas. Tanging mga yabag niya lang ang maririnig sa buong bulwagan.
Nang nasa tabi na sya ni Calix ay tumigil sya.
"S-sorry" ani niya lang at nagpatuloy ng umalis.
Isang luha ang kasabay ng paghingi niya ng tawad ang bumagsak sa pisngi ni Kiri.
Biglang tumayo si Haris at sa isang kumpas ng kanyang mga kamay ay dumating ang mga kawal.
"Escort his royal Highness to his room!" Utos niya.
"No! Lolo! No please! Let me explain!" Biglang natauhan si Siargao at tarantang tumayo at umatras palayo para layuan ang mga papalapit na kawal.
"TAKE HIS HIGHNESS AWAY!" Sigaw din ni Siervo.
Nanatiling tahimik si Srikana at nakatingin sa kanyang ng apo na tumakbo kay Calix at mahigpit na kumapit sa braso nito.
Parehong pareho sa kapit ni Sierra sa kasintahan nito noon habang tumatakas sila.
"Tito no! Don't come near me! Lolo, tito stop them or else!"
Mula sa kawalan ay nilabas niya ang raven sword at tinutok sa sariling leeg.*Clak
Nahulog ang raven sword sa sahig na kinagulat ni Siargo.
Hindi makapaniwalang bumaba ang tingin ni siargao sa pulso nya.
Restraining bracelet.
"Lo-love"
Oo si Calix ang nagkabit sa kanya ng restraining bracelet.
Parang piniga ang puso ni Calix sa itsura ni Siargao pero tinatagan niya ang sarili.
Pag, pinakawalan niya si Siargao magagamit niya ang kapangyarihan niya para gumawa ng kahit ano.
Hindi niya hahayaan si Siargao na isakripisyo ang sarili niya.
Ngayon naiintindihan na niya ang reaksyon ni Heter. Ang pag iyak ni kiri at ang naramdaman ng tatay ni Siargao ng piliin ni Sierra isakripisyo nito ang sarili.
Ang tunay na dahilan ng sorry ni Heter.
Sorry, dahil mas pinili nitong maging makasarili para iligtas si Siargao na maging sya ay gagawin niya kung sya si Heter.
Naging selfish na sya na hayaan ang sarili at piliing mahalin si Siargao. Pero hindi na sya magiging makasarili pa para mahalin parin si Siargao at ipaglaban lalo na at ang kahahantungan ay ang pagbubuwis ni Siargao para sa kanya.
"I'm sorry. I want to ask your majesties a favor, Confine the second prince till my destiny come." Malamig na sabi ni Calix pero panay ang tulo ng butil ng luha sa mata niya.
Dahan dahan niyang niluwagan ang hawak kay Siargao na natulala lang kay Calix. Walang luha sa mga mata niya o kahit anong emosyon. Basta nakatitig lang sya kay Calix at sa mga luha na umaagos sa magagandang mata nito.
Tumalikod si Calix at walang lingong nilisan ang bulwagan. Sinundan ng tingin ni Siargao ang paalis na bulto ni Calix pero hindi manlang ito lumingon pabalik.
Nang wala na sa paningin ni Siargao si Calix ay nanlambot ang tuhod niya at napaluhod.
"Take his royal Highness to his room! Without my permission no one is allowed to see him! ANYONE!" sigaw ni Haris at padabog na umalis.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasíaSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...