2: part 2

987 83 2
                                    

Bubulong bulong si Siargao sa gilid habang naka upo at nakaharap sa ding ding matapos pingutin at pagalitan ng kanyang ate at kuya. Hanggang ngayon pala, hanggang ngayon pinapagalitan parin sya.

"Siargao, sa susunod wag ganun!" sabi ni Heter habang nakahalukip kip at nakasandal sa pinto.

"Hindi mo alam kung gaano kami kanerbyos kanina! Ginoo ko! Wala pa kong asawa at anak pero pakiramdam ko nag aalaga na ako ng balasubas na asawa at pasaway na anak sa iisang katauhan!" dag dag ni Heder habang hinihilot hilot ang sentido.

"Ala sige tumayo ka na dyan. Wala ka paring pinagbabago. Simula noong uhugin ka hanggang ngayon pag pinagsasabihan ka uupo ka sa tapat ng dingding at bubulong bulong. Ano bang binubulong bulong mo jan?!" tanong ni Heder ng makalma na nya ang sarili nya.

"Sinusumbong ko kayo sa ding ding. "

Hindi alam ng kambal kung matutuwa ba sila o maiinis sa sagot ng pinsan. Pero hindi nila maitatangi na napawi ang inis nila sa kalokohan ng pinsan. Lumapit si Heder bago tinanong ang nag mumok mok na pinsan.

"Tama na yan, asan yung baul mo? Buksan na natin base sa galit ni Apo kanina mukhang mahihiwagang bagay ang regalo sayo ni lolo."

Nilingon muna ni Siargao ang kambal na pinsan bago tumayo at pumasok sa isang pintuan sa loob ng kwarto niya.

Saglit na natigilan si Siargao at nilingon ang pamukpok ng lolo nya na naka sabit sa ding ding. Binawi din agad ni Siargao ang tingin mula doon at tuluyang pumasok. Sa may gilid ay binuhat niya ang kahoy na baul na hanggang tuhod nya at may habang isang metro.

"woah! Anlaki nyan ah! Gano ba kadami ang pamana ni lolo at kailangang ganyan kalaki ang baul?!"

Napalingon din si Heder ng marinig ang sinabi ng kakambal nya at tulad ni Heter ay namangha din si Heder. Bagama't tag isang baul din ang namana nina Heder ay kalahati lamang iyon ng kay Siargao.

Excited na binuksan iyon ng tatlo pero agad nawala ang pagkagalak nila.

Ang galak na kanina lamang ay nararamdaman nila ay napalitan ng gulat. Kahit na napakalaki ng lalagyan ay anim na bagay lamang ang naroon pero hindi iyon ang nakakagulat dahil hindi basta basta ang nasa loob ng baul.

"Pocket ring? Ala! Puno ng pera! Puro ginto pa!"

Hawak hawak ni Heder ang isang pilak na singsing na may batong kulay ginto sa gitna. Ang pocket ring ay imbakan at ang bato ang nagsisilbing bukasan at sarahan nito. Pag pinindot mo ang bato nayon ay kokonekta iyon sa isip. Ang halaga na meron ang pocket ring ay lilitaw sa isipan ng nakahawak o nakasuot. Nang pindutin iyon ni Heder ay madaming bilog ang lumitaw sa isip nya kaya gulat na gulat ito. Nabigyan din sila ng pera pero 10 million golds coins lang iyon ang nakita nya sa pocket ring ay mga gold bars at ilang perang papel.

"Ehh?! Alam ni lolo na makalat ka Siargao timo hindi lang pocket ring may storage bag at Dimension Ring din. Tsk tsk tsk."

Napasimangot naman si Siargao sa tinuran ng kuya nya hindi nya ito masumbatan dahil totoo. Mapapahiya lamang sya pag sinumbatan niya ito.

Ang storage bag ay lagayan ng mga mga gamit pero may limit. Iyong minana niya ay may limit ng 200 kilo bawal lumabis kahit isang guhit.

Ang dimension ring naman ay parang maliit na lupa sa loob ng isang sing sing. Depende iyon sa grade ng isang panday. Ang lolo niya ay isang kilala na panday dahil bago ito mamatay ay naabot nito ang Divine level.

Ang mga nakakapagpanday ng Dimension ring ay mga Panday na nasa Divine level.

Isang beginner level ng Divine lamang ang ang lolo ni Siargao kaya nasa 2 milya lang lawak ng lupa sa nagawa nyang dimension ring. Kalimitan itong binibili ng mga salamangkero na gustong magkaroon ng sarili nilang hardin.

"teka ito yung libro na minana ni lolo diba? Ang libro ng panday? Dito nakatala lahat ng paraan ng pagpanday ng gamit na pinanday mula pa sa ninuno ni lolo!"

Nagnining ning ang mga mata ni Siargao habang hawak hawak ang makapal na libro na may tatak ng pamukpok sa harap.

"Oo naalala kong kinwento yan ni lolo noong tinuturuan ka niyang magpanday. Magagamit mo yan para igawa kami ni ate mo ng normal na mga sandata."

Ani ni Heter saka tinapik ang balikat ng pinsan niyang halos halikan na ang libro. Sunod sunod namang tumango si Siargao sa tinuran ng kuya niya.

"Eto pa pangalawa sa huli Chain Whip Bracelet. Ayos, may sarili ka ng sandata hindi mo na kailangang gamitin yung pinaglumaang espada ng gago mong kuya. Itapon mo na nga yon naiirita ako pag nakikita ko ehh. Ay hindi ako mismo ang magtatapon noon baka makalimutan mo pa. Heter ipaalala mo sakin mamaya ha!"

"opo ate!" natatawang sagot ni Siargao at Heter. Inirapan na lamang ni Heder ang dalawa.

"Eto huli na. Ano to?"

Inangat sa ere ni Heter ang isang sinturon na may 12 na tag tatatlong pulgada na garapon na nakapalibot sa sinturon.

Agad iyong inagaw ni Siargao na nanlalaki ang mata. Pano nila malalaman iyon eh mga mandirigma sila at simula pagkabata tanging paggamit lamang ng armas ang natutunan nila maliban kay Siargao. Dahil wala syang Zen mas itinuon niya ang pansin nya sa pag gawa ng potions at sa pag papanday extra lamang ang pag aaral niya ng paggamit ng sandata.

"Potion belt to! Hindi ko akalain na magpapanday si lolo ng ganito. Ala may laman pa!"

Inisa isa ni Siargao ang labindalawang Garapon hindi niya maitago ang sayang nararamdaman nya matagal na nyang gustong magkaroon nito pero dahil wala syang zen kahit makapagpanday sya nito at makabili ng mga potions bababa lamang ang quality ng mga potions. Pero itong pinanday ng lolo niya ay ginamitan ng zen kahit na magtagal ang potion ay hindi mababawasan ang kuwalidad nito.

"potion belt? Ano un?"

Iniharap ni Siargao ang potion belt kay Heter na nagtanong bago kay Heder.

"Ang potion belt ay parang storage ng mga potion. Mas madaling dalhin ang potion belt dahil hindi ito makukuha ng kahit sino hangga't hindi pinapayagan ng may ari. Kahit mamayapa ka ay hindi ito maaalis liban nalang kung kalansay na ang may ari. Ang mga Potion belt na may halong Zen ay nagpapanatili ng kalidad ng mga potions."

Namamanghang nakatingin sina Heter at Heder sa potion belt.

Ngumisi ng sabay ang kambal saka ngumiti ng ubod ng tamis kay Siargao.

"insaaan~"

Pakantang tawag ni Heder. Napuno ng itim na guhit ang mukha ni Siargao.

Ay malas!

"Insan alam mo na kapag kailangan natin hehe!"

Ngising asong saad ni Heter habang tinatapik ang likod ni Siargao.

Napabuntong hininga na lamang ito. Nauto nanaman ako.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon