Ma-I World

1.8K 87 2
                                    

Sa mundo ng Ma-i, ang bawat tao ay may taglay na Zen, Xen o enerhiya.

Mula pagkapanganak hanggang apat na taong gulang na paslit ay mahigpit na sinusubaybayan upang hindi makaligtaan ang pag litaw ng zen, xen at enerhiya. Pag lumitaw na ito, ito ay magiging parte ng pagkatao nila dahil taglay nito ang kalahating buhay ng bawat tao.

Ang zen, xen, at enerhiya ay nagiging batayan kung ang isang tao ay nabibilang sa pangkat ng Mandirigma, Panday, Salamangkero o ibang lahi.

Ang mga mandirigma ay ang mga tao na nililinang ang kanilang zen upang matuto ng iba't ibang technique sa pakikipaglaban. Hindi lamang iyon, maaari din silang gumawa ng sarili nilang technique pag nagamay na nila ang pagkontrol sa kanilang zen.

Ang mga Panday naman ay ang mga katumbas ng imbentor. Bukod sa paggawa ng mga sandata ay gumagawa din sila ng mga magic items gamit ang bato, kahoy, metal o kahit ano depende sa kanilang kapangyarihan.

Ang pinaka huli ay ang mga Salamangkero, wala man silang tikas na tulad ng mga mandirigma o galing sa pagpanday sila parin ang pinaka mataas ang estado sa Ma-I. Hindi sila ganoon karami kumpara sa dalawang naunang pangkat subalit iyon ang dahilan kung bakit maraming may gustong makipagkaalyansa sa kanila at kung bakit sila ang pinaka importanteng pangkat. Sa isang pamilya 1 sa bawat henerasyon o dalawa lamang ang napapanganak na may abilidad ng isang salamangkero. Gamit ang zen nila, kaya nilang gumawa ng mga gayuma na makakatulong sa mga mandirigma o panday.

Pag nasimulan nilang linangin ang kanilang zen madadagdagan din ng ilang dekada ang kanilang buhay pero pag naabot nila ang ika limang lebel ay maaaring madagdagan ang kanilang buhay ng isang libong taon. taon.

Maliban sa mga pangkat ng tao meron ding ibang lahi ang naninirahan sa Ma-I, ang mga demonic beasts na gumagamit ng enerhiya. Sa lahat ng demonic beasts ay mayroong kinikilala na apat na pangunahing angkan. Ang dragon clan na nahahati sa pure dragon clan at elemental dragon clan, phoenix clan, golden lion clan at ang nine tailed fox clan. Maliban sa pangunahing angkan na ito ay mayroon ding ibang angkan ang mga hybrid clans at iba pa. Tulad ng mga tao ay may grado at lebel din ang demonic beasts.

Ang mga demonic beast na makikipag sanduguan sa mga tao ay tinatawag na servants sila ang nagsisilbing tagaprotekta sa mga amo nila.

Ang panghuling lahi ay ang nga demons na nagtataglay ng xen. Sila ay may dalawang pangkat ang lahi ng mga demons at ang lahi ng nga devils o mga royalties.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon