Abala ang buong mamamayan ng barangay tondo dahil araw na kung saan magtitipon tipon ang gustong makilahok sa Selection ng Akademya ng Luzon. Lahat ng mga kabataan na edad 20 pataas na nakarehistro na kasama ang kanilang mga magulang ay maglaalakbay na patungo sa isla ng palawan.
Ang selection ng Akademya ng luzon ay nangyayari isang beses sa limang taon. Sa panahong iyon magbubukas ang akademya para sa mga kabataan.
Ito ay itinuturing na malaking kaganapan kaya naman iniimbitahan ang lahat ng mga datu ng buong luzon maging ang mga Apo ng pamilya na kabilang sa mga angkan ng mga maharlika ay dumadayo upang mapanood at suportahan ang mga kabataang mula sa pamilya nila.
Ito ay may dalawang parte. Ang una ay ang eksaminasyon ng mga zen kung saan makikita ang pangkat na kinabibilangan ng isang tao.
Pangalawa ay ang survival Test, kung saan kailangan nilang makakuha ng isang silver flag sa kagubatan o maging sa kailaliman ng karagatan sa loob ng limang araw. Labis labis ang bilang ng silver flag pero nakatago iyon kung saan mahirap makita at makuha.
Dahil mahirap mahanap ang silver flag, pag may nakahanap ng isa ay maaaring mag agawan at magresulta sa labanan.
Pero dahil sa imbetasyong natanggap ni Siargao hindi na niya kailangang dumaan sa eksaminasyon direstso na sya sa Survival test na magaganap matapos ang examination test.
Sa pamilya nila sampong kalesa at labinlimang kabayo ang ginamit nila para sa pag lalakbay. Isa para sa ama at ina nina Siargao , isa sa kambal na sina Heder at Heter, isa kay Kanos na pangatlong kapatid ni Siargao, Isa sa panganay na kapatid ni Siargao na si Akhil, isa sa pangalawang kapatid ni Siargao na si Kay, isa kay Ariah na pinsan din ni Siargao at isa para kay Siargao. Ang huling tatlong Kalesa ay ang sinasakyan ng ilang alipin ang mga kawal naman ay nakasakay sa mga kabayo.
Ang bunsong si Vierra naman ay hindi nakasama dahil hindi sapat ang edad niya sa hinihingi ng akademya.
Aabutin ng tatlong araw ang paglalakbay nila sa lupa at dalawa naman para sa barko kaya naman kahit maalog ang kalesa nagsasanay parin si Siargao.
"Pag pumasa ka sa Survival test, anong bundok ang sasalihan mo?"
Saglit na natigilan si Siargao ng magsalita si Ravena na nasa anyong Spirit. Hindi sya nag aalala na maririnig iyon ng kutsero dahil maingay ang mga yabag ng mga kabayo.
Matagal na nya itong pinag isipan at determinado na sya sa desisyon niya.
"Sa bundok ng mga Salamangkero."
Maikling sagot niya bago ipinagpatuloy ang pageensayo ng enerhiya.
Dahil sa sipag niyang mag ensayo kontrolado na niya ang enerhiya niya. Mabilis na ang pagpapalabas niya nito at hindi na sya umuubo ng dugo.
"Ayaw mo bang maging mandirigma? Base sa mga naging pagsasanay natin masasabi kong may galing ka sa pakikipaglaban."
Tuluyang tumigil na sa pag eensayo si Siargao at hinarap si Ravena na nakaupo sa tabi niya. Tulad noong matagpuan niya ito ay ganun parin ang suot nito tapis at bra habang puno ng tattoo ang balat nitong nakalitaw.
"Iyon na nga, MAGALING akong makipaglaban kaya gusto kong mag aral ng salamangka. Para maiba naman."
Pinagdiinan niya ang salitang magaling para ipangalandakan kay Ravena.
Napaismid at napaikot naman ng mata si Ravena.
Hambog!
"Bakit salamangka? Bakit hindi panday?"
Nang marinig iyon ni Siargao ay agad syang natigilan. Umiwas sya ng tingin at agad inalis ang malungkot na ekspresyong saglit na bumalatay sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...